Tumgik
04diacudiamat12 · 27 days
Text
Tumblr media
The pain from the past
By:Diana Cudiamat
PROLOGUE
“Ria, bilis na malalate na tayo oh” malakas na pagsigaw ni ate May mula sa labas. “Eto na po, palabas na”
Pagkatapos kong kunin ang bag ko ay lumabas na ako. “Oh ano wala ka ng nakalimutan?”tanong ni ate.”Wal--- nakalimutan ko yung selpon ko,sagllit lang ate” patawa tawa at patakbo akong pumasok sa bahay. “Bilisan mong kunin,late na tayo. Isabay mo naring kunin ang suklay dahil pati pagsuklay ay naklimutan mong gawin” narinig ko pang tumawa si ate bago ako tuluyang nakapasok sa loob ng bahay.
“Ano ba kasi ginawa mo kagabe at late kang gumising?”tanong ni ate habang nagmamaneho ng sasakyan. Si ate May ang kapatid ng pinakamatalik kong kaibigan, siya rin ang kasama ko sa bahay simula nung nakauwi ako galing Germany “May mga kinailangan lang tapusin ate’’ sagot ko naman habang nagsscroll sa facebook.
Eksakto namang dumaan ang isang larawan, larawan ng nakaraan. ‘Namimiss na nakita’ bangit ko sa aking isipan. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. “Gusto mo ba siyang bisitahin?” tanong ni ate. Napatingin ako sa kanya at napansin kong nakatingin siya sa aking cellphone, tumango ako at pilit na ngumiti.
Pagkatapos naming magsimba ay napagdesisyon muna naming bumili ng isang kumpol na rosas, ang kanyang paboritong bulaklak. Paktapos bumili ay nagtungo kami sa isang lugar upang bisitahin ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. “Okay ka lang ba?” tanong ni ate. “Oo ate” sagot ko. Tumango siya at nagtagal ang katahimikan. Nabasag ang katahimikan ng tumunog ang cellphone ni ate, hudyat na may tumatawag. Nagpaalam siya sakin para sagutin ang tawag. Tumango ako at naglakad naman na siya palayo sakin.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagsimulang humakbang ang aking mga paa. Nang makarating ay agad na lumabo ang aking mga mata. Mata niyang naniningkit pag tumatawa, hagikhik niyang nakakahawa at ngiti niyang nakakapagtunaw.’Namimiss na kita’
1
Palabas na ako ng gate ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki kasama ang tatlo pang lalaki. Matangkad, malaki ang pangangatawan, moreno,matangos ang ilong,malalim ang mata at bagay na bagay ang kanyang gupit na buzz cut. Agad agad akong tumakbo para sundan siya. “Shaun!” tawag ko sa kanya ngunit hindi niya narinig kaya nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanila hanggang sa makarating kami sa isang iskinita na may kalayuan na sa paaralan. May kinuha ang dalawang kasama ni Shaun sa kani-kanilang bag. Isang kaha ng sigarilyo at bote ng alak. “Hoy, hoy ano yan aber?” sigaw ko sa kanila habang palapit ako. Narinig kong nagpabuntong hininga silang lahat “ikaw nanaman? saad ni Kael, isa sa kasama ni Shaun. Bilugan ang kanyang mukha,malalim ang mata, matangos ang ilong, may kahabaan ang kanyang buhok, at mestizo “Ano naman kung ako nanaman? kayo a dinadamay niyo pa si Shaun sa mga kalokohan niyo” Tinignan ko si Shaun ng masama kaya naman kinuha nya ang sigarlyong nasa bunganga niya at tinapon iyon sabay apak. Hinarap ni Shaun ang mga kasama niya “Sa susunod nalang mga gar” naglakad na siya patungo sakin at umakbay ng makalapit. Tinignan ko ng masama ang mga lalaki “wala ng susunod” sabay tumalikod.
“Ikaw ah, kung ano ano pinaggagawa mo. Lagot kayo pag nahuli kayo ni Tito Eddie” sabay pingot ko sa kanyang tenga. Agad naman syang lumayo sakin.
“Ang sakit nun ah, hindi naman kami mahuhuli kung hindi ka magsusumbong” sagot niya habang tumatawa sabay akbay ulit sakin.
“Ulitin mo pa at isusumbong na talaga kita” saad ko at umirap nalang siya sabay tawa. Baliw talaga ‘to wala namang nakakatawa pero tumatawa. Hayst!
Tawanan, kulitan at takbuhan ng kaklase ang umaalingawngaw sa loob ng silid paaralan. “Ria, pinapatawag ka sa guidance office” si Allyson ang class president. Kinabahan ako bigla, ito ang unang beses na pinatawag ako sa guidance office. Wala akong matandaang ginawa ko na maaaring rason para ipatawag ako. “Bakit daw?” tanong ko. “Hindi ko alam eh”. Tumayo na ako sa aking upuan at lumabas ng classroom at naglakad papunta sa guidance office. Habang naglalakad ay inaalala ko ang mga nangyari at hinahanap ko ang rason kung bakit ako pinatawag. Nadoble pa ang kabang naramdaman ko ng nasa tapat na ako ng opisina. Kumatok ako bago pumasaok.
Pagkapasok ko sa opisina ay agad na bumungad sakin ang matandang babae na nakasuot ng reading glass, kahit matanda na ay umaangat parin ang kanyang ganda. Maputi,matangos ang ilong at mahaba ang kanyang buhok na may kulay puti.
“Good Morning, Ma’am” ngumiti ako at bumati “umupo ka hija” habang patuloy parin siya sa kanyang binabasa,umupo ako sa katapat na upuan. Pagkatapos ng ilang minuto ay ibinababa niya ang libro at humarap sakin. “Nabalitaan ko sobrang close kayo ni Shaun Javi” tumango ako “nais ko malaman kung bakit hindi siya pumasok ng isang linggo, may alam ka ba kung bakit hindi siya nakakapasok? Nabalitaan ko ring bumaba ang kanyang mga grado. Sayang naman kung mapapabayaan yun, siya pa naman ang nangunguna” Nagulat ako sa narinig, isang linggong hindi pumasok si Shaun? panong nangyare yun eh sabay kaming pumapasok sa school at bumababa ang marka?paano. “Paano pong nagyari yun eh sabay po kaming pumapasok at umuuwi po?” “Kung ganun maaari mo bang itanong kung bakit hindi sya pumapapsok sa klase niya?” “Opo Ma’am, kakausapin ko po siya” “Salamat hija” “Opo,mauuna na po ako Ma’am”.
Paglabas ko ng opisina ay tinignan ko ang relo ko, sampung minuto pa bago magsimula ulit ang klase. Naglakad na ako papunta sa klase ng mapadaan ako sa building kung saan hindi masyadong pinupuntahan dahil under renovation at yun ang pinakadulong gusali. Pinili kong dumaan dito para mas mabilis akong makarating sa classroom. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng may mahagip ang mata ko si Kael na tumalon sa gate sinundan pa iyon ng isang lalaki at si Shaun iyon, hindi ako pwedeng magkamali. Tumatakas sila? Hayst! Susundan ko sana sila ng makita ko kung anong oras na, dalawang minute nalang magsisismula na ang klase, hindi ako pwedeng malate dahil kami ang unang magrereport. Tumakbo na ako papuntang klase at mamayang uwian ko nalang kakausapin si Shaun. Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtungo sa classroom nila Shaun, nagbabakasakaling pumasok siya. Hinintay ko siya sa labas ng classroom pero wala paring lumalabas hanggang sa kinausap ako ng isang kaklase niya. “Si Shaun ba hinahanap mo? hindi siya pumasok sa klase eh” sinasabi ko na nga ba at nagcutting nanaman siya. Humanda siya sakin mamaya. “Ah ganun ba? sige salamat ha” ngumiti at tumango siya, ako naman ay naglakad na paalis.
2
“Shaun! kausapin mo ako” pinilit ko siyang pinapaharap sakin. Nandito kami ngayon sa gym, alas singko na ng hapon kaya wala na ganung tao. Nakita ko siyang naglalaro magisa kaya sinubukan kong kunin ang pagkakataon para kausapin siya. Pinagpatuloy niya ang paglalaro na para bang wala siyang narinig kaya naman lumapit ako sa kanya at tumayo sa harap niya.
“Ano bang kailangan mo Ria?”naramdaman ko ang inis sa kanyang tono ngunit ng mapansing nabigla ako ay agad ulit siyang nagsalita “pasensya na,masyado akong naging abala sa ibang bagay at hindi na ako nakakasabay sayo” mahinahon nyang saad na apara bang alam na alam niya ang rason kung bakit ako narito.
“Bakit ka pumasok ng isang linggo sa klase?alam ba ito ni tito?”tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako kahit wala namang nakakaiyak, dahil siguro ito ang unang beses na pinagtalunan namin ang ganitong bagay. Nang makita niya akong naluluha ay hinagis niya ang bolang hawak sa gilid ng gym.
Ito palang ang unang pagkakataon na magkakaproblema si Shaun na tungkol sa mga grado niya. Ang mga grado niya ay hindi na sigurado pa kung makakapasa lalo pa at graduating student’s kami. Alam kong napakahalaga kay Shaun ang mapasali sa latin honor pero hindi ko alam kung makakasali pa siya.
“Tulad ng sinabi ko, mas may importante akong pinagkakaabalahan” wala akong makitang bakas ng anumang emosyon ng binanggit nya ang mga salitang iyon.
“Mas mahalaga sa pangarap mong makasali sa latin? Hindi ko maintindihan Shaun ano bang ibang bagay ang pinagkakaabalahan mo at kaya mong ipagpaliban yung isa sa mga pangarap mo? Alam ko kung gaano kaimportante sayo ang mga grado mo at alam ko kung gaano mo kagustong maging top 1,pero bakit nagkaganito?anong nangyayare Shaun?hindi ka naman ganito dati ah! O baka naman tinuloy tuloy mo pa lalo ang pagbibisyo mo?” naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha kaya agad ko iyong pinunasan, nakaramdam din ako ng konting pagsisisi sa huling salitang binanggit ko ngunit hindi ko alam kung paano ko babawiin.
“Isa lang yun sa pangarap ko Ria hindi ang buong pangarap ko, kailangan kong isakripsiyo ang isa sa mga pangarap ko para matupad ko ang mas malaking pangarap ko. Tingin mo ba? Susukuan ko ang pangarap ko ng walang dahilan? Kilala mo ako Ria hinding-hindi ako basta basta sumusuko sa mga bagay” sa pagkakataong ito tuluyan na nga niyang hindi naitago ako pagkainis, muli siyang humarap sakin “At ano naman ngayon kung nagbibisyo ako?ano naman sa’yo iyon?” Nakita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata ngunit agad niya iyong pinawi. “Ano naman sakin yon? Shaun nag-aalala ako sayo, mali ba yon? Pasensya na ha kung masyado akong nag-aalala sayo at sa pangarap mo, hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla kang nagkaganyan eh, kasi hindi mo naman pinaintindi” hindi ko na napigilan ang mga luhang gustong kumawala saking mga mata.
“Pasensya na Ria, kailangan ko ng umalis tsaka nalang tayo mag-usap. Umuwi kana” sinubukan pa niyang aluin ako ngunit umiwas ako. Bumuntong hininga siya at yumuko tsaka tuluyang naglakad paalis. Nakatulala lang ako pagkatapos ng nangyari, mahigit sampung taon kaming magkasama pero ito ang unang beses na nangyari ito.
Kanina pa siya nakaalis pero nakatitig parin ako sa pintong nilabasan ni Shaun.
Nasasaktan ako sa mga narinig, hindi siya si Shaun na kilala ko simula pagkabata. Nagbago na siya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagdesisyon na akong umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay agad na akong pumasok sa kwarto, pagkatapos kong ilapag ang mga gamit ko sa study table ko ay nahiga na ako, hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.
Nagising ako dahil sa tawanang naririnig mula sa labas ng bahay kaya naman napagpasyahan ko nang bumangon, tumingin ako sa orasan na nasa study table ko, alas otso na pala ng gabi. Sumilip ako sa labas at nakita kong nagiinuman sina Papa,tiyo Eddie at iba pang kasama.
Pumasok na rin ako agad at dumiretso sa kusina para kumain. Biglang pumasok sa isipan ko ang pag-uusap namin ni Shaun. Pinili ko nalang ipagsawalang bahala at nagdesisyong maligo pagkatapos kumain.
3
Kinaumagahan ay maaga akong pumasok, dumaan ako sa bahay nila Shaun para sana magsabay kami kaso nauna na raw siyang pumasok. Nakikita ko siya sa loob ng campus pero pagdating sa hapon ay hindi ko siya nakakasabay sa paguwi dahil nauuna siyang umuwi. May mga pagkatataon na mas maaga uwian ko kaya agad akong dumidiretso sa silid nila para sana hintayin pero hindi ko parin siya maabutan. Sa mga sumunod na araw ay mas naging abala ako dahil sa pagpapasa ng mga requirements para sa graduation, ganun rin si Shaun. Kapag may libreng oras naman ay inilalaan ko iyon sa pagpapahinga.
Lumipas pa ang mga araw, Sabado ng umaga ay napagpasyahan kong puntahan si Shaun sa kanilang bahay ng hapon. “Tito, Si Shaun po?” tanong ko ng makasalubong ko sa labas ng bahay ang papa ni Shaun na nagwawalis. Nang mapansin niya ako ay humarap siya sakin at binati. Si Tiyo Eddie nalang ang naging kasama ni Shaun, siyam na taon na ang nakakalipas simula ng pumanaw ang mama ni Shaun sa cancer. Ang nakatatandang babaeng kapatid naman niya ay nasa Germany at nagtratrabaho bilang nurse.
“Kakaalis niya lang anak, may pupuntahan daw” nakangiti paring saad ni Tiyo “sinabi po ba niya kung saan siya pupunta?” umiling si tito “hindi eh, sundan mo nalang sigurado akong hindi pa nakakalayo iyon” ngumiti ako at nagpaalam.
Tinakbo ko ang daan hanggang sa makarating ako sa parking area ng tricycle. Nakita ko ang sinakyan niya na medyo nakalayo na. Sumakay ako ng tricycle at sinai ko sa mamang drayber na sundan niya ang sasakyang kakaalis lang. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pero pakiramdam ko may tinatago siya sakin. Hindi ako nagpakita sa kanya ng hanggang sa makababa ng tricycle. Nakita ko siyang papasok sa isang bahay, hindi ko alam kung kaninong bahay iyon dahil iyon ang unang pagkakataong pumunta ako sa lugar na ito. Malayo ito sa lugar namin at hindi rin naman ako pala gala kaya hindi ako pamilyar sa lugar. Bago pa man siya pumasok ay may sumalubong sa kanya ang isang magandang babae,maiksi ang buhok, matangos ang ilong, singkit ang kanyang mata at mestiza. Hindi ko maintindihan ang sakit na naramdaman ko ngunit pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Lumapit pa ako sa bahay, saradong sarado kaya wala akong makita sa loob, pero may maliit na butas sa bintana kaya rinig na rinig ko ang tawanan “ “masaya ako para sayo Shaun” narinig ko pang banggit ng boses lalaki. Ilang minuto pa ang lumipas ay napagpasyahan kong umalis nalang.
Umuwi ako sa bahay, pagkatapos ko magbihis ay nagdesisyon ko na kausapin si Tito Eddie tungkol kay Shaun.
Nang matapat ako sa gate ay agad akong bumati ng makita si tito na nasa labas ng bahay at nagpapahinga “Magandang araw, Tito Ed”
“Ikaw pala Ria, pasok ka, wala si Shaun umalis may pupuntahan daw” agad na tumayo si tito ng makita ako. Pumasok ako “ang totoo po kayo po ang pinunta ko rito” nagulat si tito ngunit bakas sa kanya ang tuwa. “Aba naman,namimiss mo pala ako ah hahaha” saad ni tito habang tumatawa “umupo ka at ikukuha kita ng merienda”.
“Yung pinakamasarap na merienda po tito!”pahabol ko pa, narinig ko naman ang malakas na tawa ni tito bago tuluyang makapasok sa loob ng bahay.
Nang maihanda ni tito ang merienda sa mesa ay umupo na siya sa katapat na upuan ko. “Anong chika natin Ria?”. Bumuntong hininga ako bago nagsalita “Kasi po tito si Shaun po, hindi ko po siya matiempuhan sa campus tapos po yung grades niya po ay bumababa. Sinusubukan ko pong kausapin siya pero po hindi ko po siya makausap ng diretso dahil laging abala, hindi ko po na alam kung anong gagawin ko” bumuntong hininga rin si Tito at naging mas seryoso bago nagsalita “Ang totoo niyan Ria, hindi ko alam na ganun ang sitwasyon. Ayoko siyang pakialaman sa mga desisyon niya hindi dahil sa wala akong pakialam kundi dahil gusto kong maging maramdaman niya na malaya siya. Buong buhay niya puro aral at trabaho nalang siya, gusto kong gawin niya ang mga bagay na gusto niya ng walang pagaalala sa kung ano ang sasabihin ko. Alam kong mahalaga sa kanya ang grumaduate ng may latin at alam kong kakayanin niya parin iyon” nakita kong may namuong luha sa mata ni tito ngunit agad niya iyong pinigilan, sumandal siya sa sandalan ng upuan, tumingala at pumikit pikit, kahit ako naiiyak saksi ako sa mga pinagdaanan ni Shaun simula bata kaya ganun nalang ang gulat ko ng mabalitaan ko ang tungkol sa pagbaba ng grado niya. Ganun pa man, alam ko na babawi siya. Marami pa kaming napag-usapan ni tito hindi lang tungkol kay Shaun kundi pati narin sa plano ko pagkatapos ng graduation.
4
Lumipas ang ilang linggo ay napansin kong bumabalik ang dating Shaun, hindi ko alam kung paano, dumating nalang ang isang araw na parang walang naging problema. Sabay ulit kaming pumasok sa campus, sabay kakain at sabay ring uuwi. Bumabawi narin siya sa mga subjects at naging masayahin pa siya lalo. Walang paglagyanan ang tuwa ko ng mabalitaan kong siya ang nagtotop, ako naman ang sumunod sa kanya. Sobrang nakakataba ng puso! Sana hindi matapos ang kasiyahang nararamdaman ko. Tama ang naging desisyon ko magtiwala at maniwala sa kanya na makakabawi siya.
Tatlong buwan nalang at gragraduate na kami. Pinaghalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. Lungkot dahil magpapaalam na kami bilang magaaral, sa mga parte ng campus na kung saan nakabuo ng magagandang ala-ala at saya dahil ilang buwan na lang makakatanggap na kami ng diploma.
Nakaupo ako sa waiting area sa labas ng campus dahil hinihintay ko si Shaun, bilin niya sakin na maghintay nalang sa labas dahil may kukunin pa raw siya.
“Ria! Ria!” napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Kael na tumatakbo papunta sakin. Habol ang hiningang pumameywang sa harap ko bago nagsalita. “Si Sh-shaun, di-dinala s-sa h-hospital” putol-putol na saad ni Kael dahil sa paghabol ng kanyang hininga. “Ano?bakit anong nangyare? Saang hospital?” sa gulat at taas ng boses ko ay napatingin sakin lahat ng tao sa labas. “Sa Region Hospital siya dinala” sagot ni Kael, sa taranta ka ko ay hindi ko na alam kung anong uunahin kong gawin, tatawagin ko si tito or magtawag ng sasakyan. Agad namang pumarada ang isang kotse at bumusina, tinignan ko iyon at si Jerry na isa ring kaibigan nila Kael at Shaun. Agad akong sumakay sa sasakyan habang dinadial ang numero ni tito. Halo halo ang nararamdaman ko kaba, takot, sakit at naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang nagyayare.
Nang makapasok ko sa hospital ay agad at ang pagdating naman ni Tito. Nasa loob pa ng ER si Shaun. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay tito dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Umiiyak si tito sa tabi ko, pinapatahan ko siya kahit na mas malala pa ang iyak ko, kasama namin si papa at mama na naghihintay. Sina Kael at Jerry ay umuwi na dahil may kailangan muna silang tapusin, babalik nalang daw sila mamaya.
Pagtapos ng ilang oras ay inilabas na si Shaun sa ER,may mga tubong nakasalpak sa kanya at nilipat sa isang pribadong silid. Todo iyak ako, ang sakit sakit. Kinausap naman ng doctor si Tito. Umalis ako saglit at tinawagan ko si ate May para ibalita ang nangyari, nagpaalam siyang magleave sa kanyang trabaho para makauwi, pinayagan rin siya ng boss niya dahil ilang taon narin siyang hindi nakakapagleave. Pagkatapos ng usapan naming ni ate May ay lumabas ako para bumili ng tubig para samin ni tito .Umuwi narin sina papa at mama dahil walang magaasikaso sa bahay. Nang makabili ay bumalik ako sa silid ni Shaun. Nakita ko si tito na nakaupo sa tabi ni Shaun at hawak ang kamay nito. Mugto ang kanyang mata, lumapit ako at hinagod ko ang kanyang likuran. “Anong sabi ng doctor, tito?” tanong ko. Huminga ng malalim si tito,magsasalita na siya ngunit naunahan siya ng iya kaya naman pati ako ay naiyak dahil pakiramdam ko hindi maganda ang maririnig ko.
Pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak ay naglakas loob sabihin ni tito ang sitwasyon ni Shaun. “Hydrocephalus, Hydrocephalus ang sakit ni Shaun” saad ni tito, muli nanamang siyang napaiyak matapos niyang sabihin iyon, napatulala ako sa narinig, paano?paano siya nagkaroon ng ganun? “Excessive increase of fluid on the brain, nagiging dahilan ng paglaki ng mga ventrcles at rason naman ng pressure sa utak. Pwede naman daw madaan sa mga threpaies pero walang kasiguraduhan kung magiging successful” hindi tinatanggap ng utak ko ang nalalaman. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit. Naguguluhan, nasasaktan,at natatakot ako.
Lumipas ang dalawang araw simula ng malaman ko ang katotohanan, hindi ako pumasok sa campus dahil pinili kong bantayan si Shaun,nagpaalam ako sa mga instructors ko at pinayagan naman nila ako, sinabi kong hahabol nalang ako sa mga gawain. Pagod na pagod na si tito, walang tulog at kain kaya pinauwi ko muna para kahit papaano ay makapagpahinga. Bukas pa makakauwi si ate May.
Simula ng dinala siya sa hospital ay hindi pa siya nagigising. Hinawakan ko ang kamay ni Shaun “Bakit hindi mo sinabi sakin? Bakit pinili mong ilihim samin?sakin?pakiramdam ko tuloy napakawala kong kwentang kaibigan dahil hindi ko alam na hindi ka pala okay, na may dinadamdam ka pala” tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Yung mga araw na hindi siya pumasok ay ang ang mga araw na naadmit siya sa hospital.
“Yung mga araw na nakikita mo kaming nagcucutting class dumidiretso kami sa hospital para magpacheck up si Shaun. Yung akala mong sigarilyo? Gamot yun ni Shaun. Yung minsan mo siyang sinundan na may pinuntahang bahay? Bahay yun ng doctor ni Shaun, yung nakita mong babae? Yun ang doctor ni Shaun. Nagugulat ako sa nalalaman ko, hindi ko matanggap na sa mga panahong pinagdudahan ko siya ay ang mga araw na pinipili niyang lumaban. Ang tanga tanga ko, wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa kaibigan ko.
“Paano mo nalaman?Bakit hindi niya sinabi sakin?samin? Kaibigan niya ako!Pamilya niya kami!” hindi ko napigilan ang taas ng boses ko sa sunod sunod na tanong ko sa kanya.
“Nalaman ko lang din nung una ko siyang makitang may hawak na parang sigarilyo, hindi ko pa siya nakitang humawak ng ganun kaya nagtaka ako, ayaw pa niyang sabihin sakin pero pinilit ko. Pagkatapos niya sabihin iyon ay nakiusap siyang wag ko raw sasabihin kahit kanino, kahit sa’yo at sa papa niya. Ayaw niya kayong mahirapan at magalala kaya pinili niyang ilihim ang lahat. Pasensya na Ria, hindi ko nasabi sa iyo dahil nangako ako kay Shaun” tuluyan ng umiyak si Kael, naiintindihan ko siya per—ooo hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin. Ang sakit!
5
Palapit ng palapit na ang araw ng graduation pero patagal naman ng patagal ang pags-stay ni Shaun sa hospital. Nakauwi na si ate May at siya ang nagbabantay kay Shaun. Hindi parin tuluyang nagigising si Shaun. Dumadalaw ako sa kanya pagkatapos ng mga practice naming sa graduation. Dalawang buwan na na ang nakakalipas, halata na ang pagbabago sa kanyang katawan,payat at lalong lumalim ang kanyang mata.
“Congratulations, proud na proud kami sayo!” si ate May nang makapasok ako sa kwarto ni Shaun, sumunod namang bumati si Tito Eddie. Kahit sobrang tamis ng mga ngiting iginawad nila sakin ay hindi maitago ang lungkot na nararamdaman.
“Thank you ate at Tito” saad ko ngumiti ako pero sumabay ang traydor kong mata” lumapit ako agad sa tabi ni Shaun at hinawakan ko ang kanyang kamay” Hindi dapat tayo nandito sa kwartong ‘to,dapat nasa bahay tayo nagcecelebrate, nagtatawanan, nagkakantahan at kumakain ng maraming putahe” hindi ko napigilang umiyak. Narinig ko ang mga hikbi ng mga taong nasa paligid ko “Ikaw dapat yung nagsalita sa stage at sa harap ng maraming tao dahil ang galing galing mo at wala kang katulad, proud na proud ako sayo Shaun. Thank you for everything.Bumangon kana jan, please! Regalo mo nasa sakin ‘to. Gumising kana!” mas lalo pang lumakas ang iyak ko at naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Shaun na hawak ko.
“Shaun!Shaun! naririnig mo ba ako?” pinaalam ko sa kanila na naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Shaun. Agad naman silang nagtawag ng doctor. Napatayo ako sa saya at niyakap ko siya pero agad ding naglaho ang saying naramdaman ko ng biglang tumunog ang monitor. Tumingin ako sa monitor at siya namang dumiretso ang guhit sa monitor. “Hindi!Hindi!Shaun gumising ka please!Parang awa mo na gumising ka!” Sobrang takot ang nararamdaman ko, hinila ako paalis sa tabi ni Shaun at siya namang pagdating ng mga doctor. Unti-unting nanlabo ang mata ko at nawalan ng malay.
Nagising ako sa isang kwarto puro puti may sala set at tv sa tapat ko, nasa tabi ko si mama” Si Shaun?nasan siya?” tanong ko,mugto ang mat ani mama at hindi siya makatingin sakin ng diretso. “Ma!nasaan si Shaun?”
“Ria, anak kumalma ka!” nakikiusap na saad ni mama. “Eh, nasaan nga si Shaun? Ma!” naramdaman ko ulit ang hapdi sa aking mata.
“Wala na siya, anak” agad akong nanlumo sa narinig. Hindi! Hindi! Pakiramdam ko ay wala ng luhang lalabas dahil ubos na ubos na ako”
Makalipas ang tatlong linggo ay ilinibing na si Shaun. Nagpaiwan ako dahil gusto kong mapag-isa. Gustong kong kausapin si Shaun kahit alam ko na hindi niya ako sasagutin. Hawak ko ang isang frame na may larawan niya at umupo ako sa harap niya.
“Wala akong nakitang bakas na sakit nung nabubuhay ka pa, napakawalang kwenta kong tao dahil hindi ko naramdaman na may pinagdadaanan ka. Napakawalang kwenta ko dahil hindi ko man lang napintas yung iniinda mong sakit!” namuo ulit ang mga luha at sunod sunod na pumatak.
“Pangako ko sayo Shaun, na kahit wala kana tutuparin ko ang mga pangako ko sayo. Aabutin ko mga panagarap nating dalawa! Mahal kita, mahal na mahal kita!”
EPILOGUE
Pakatapos ng ilang taon ay hindi parin nawawala ang sakit ng nakaraan. Para akong nawalan ng paningin simula ng Nawala ka pero kinaya ko kasi gusto kong tuparin ang mga pangako ko saiyo. Gusto kong maging tapat sayo hanggang sa huling hininga ko.
Nilapag ko ang kumpol na rosas sa kanyang puntod “ Natupad ko ang pangarap natin Shaun, tinupad ko ang pangako ko sa iyo na tutuparin ko ang pangarap mo” pinunasan ko ang luhang namuo sa mga mata ko.
“Ria” tawag ni ate May, katatapos niya lang kausapin ang tawag sa cellphone. Tumingin ako at ngumiti “tara na?” tanong sakin ni ate May. Tumayo ako ay nagpagpag. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan “babalik ako,babalikan kita Shaun!”at tuluyan nang humakbang ang aking mga paa paalis sa kanyang puntod.
“Masaya na si Shaun dahil kasama na niya si mama” saad ni ate May habang nagmamaneho ng sasakyan. “Kaya tigilan mo na ang kasisisi sa sarili mo, dahil hindi mo wala ka namang kasalanan sa nangyari”napatingin ako sa kanya at napabuntong hininga dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko parin lubusang matanggap ang nangyari, siguro nga, walaa kong literal na kasalanan pero pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan dahil hindi ko siya nadamayan sa naranasan niya.
“Salamat, Ate”huinawakan ko ang kamay ni ate May na nakahawak pa sa manibela.
Nang makarating sa bahay ay sumalubong samin ang cute na cute na bata,tumakbo siya papunta samin habang sumasabay ang pag-alog ng kanyang pisngi. “Momma!” sigaw niya at nakahanda na ang kanyang mga kamay para yumakap sakin. “Hello,my baby” niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. “Kamusta ang cute na baby?” tanong ko sa kanya pagkatapos halikan, humagigik lang ang bata tsaka siya humarap sa tunay na ina. “Mommy!” sabay yakap kay ate May.
NT: inspired from true to life story
1 note · View note
04diacudiamat12 · 27 days
Text
Tumblr media
FLASH FICTION
The Young
By: Diana Cudiamat
Pinagmasdan ni Ally ang kapaligiran, malinis, maaliwalas at sariwang hangin ang humahaplos sa kanyang balat. Pagkatapos pagmasdan ay napagdesisyonan nyang umupo sa upuan, inilatag ang kanyang gamit sa katapat na mesa. Ilalabas na sana nya ang kanyang gamit nang mapansin niya ang batang babae sa tabi niya. Napakapamilyar, para bang kilalang kilala niya ito ngunit hindi nya matandaan. Matangkad,maputi,itim na itim ang kanyang mahabang buhok at pagkatamis na ngiti ang iginawad sa kanya. Matamis nya rin itong nginitian at tinanong kung ano ang kailangan nya.
"Gusto ko po sanang makipaglaro sayo ate" napangiti sya sa sinabi ng bata at sumagot "Ano ba ang gusto mong laro?"mas lalo pa lumawak ang kanyang ngiti "gusto ko po ng tagu taguan ate".
Ngumiti si Ally at tumayo "Sige".
"Ikaw po ang taya ate" saad pa ng batang babae. Napatawa si Ally sabay tango. Isinandal ni Ally ang kanyang ulo sa kanyang braso na nakadikit sa puno ng mangga at nagsimulang magbilang. Nang matapos magbilang ni Ally ay nagsimula na syang maghanap. Naglakad lakad hanggang sa mapuntahan nya ang pamilyar na lugar, nakita nya ang grupo ng bata na naglalaro,hinanap nya ang batang babae ngunit wala siya roon kaya nagpatuloy pa siya sa paglalakad. Bawat hakbang niya ay unti unting bumabalik ang alaala ng nakaraan. Narating niya ang isang bahay at lumabas doon ang batang babae na may dalang tinapay.
Nang makita siya ng batang babae ay ngumiti ito at lumapit sa kanya. "Bakit dito ka nagtago?" tanong ni Ally sa bata.
"Pasensya na ate,nagutom po ako eh,gusto mo po?" sagot ng bata at sabay abot ng isang tinapay kay Ally. " Salamat ngunit busog pa ako".
Ngumiti ang batang babae " Masaya ka po ba?" nabigla si Ally sa tanong ng bata sabay ngiti at sumagot "masaya na hindi,maraming problema maraming obligasyon, at nakakapagod pero dapat patuloy na lumalaban para sa mga taong naniniwala sayo at yun ang dahilan kung bakit kahit papano masaya. Kakayanin ko lahat, kahit gaano kahirap".
"Kung ganun, proud na proud po ako sayo dahil alam ko na magiging matatag ako sa hinaharap. Wag mo sukuan ang mga panagarap mo. Kung may mga pagkakataong gusto mong umiyak, umiyak ka lang pero pagkatapos ng pag-iyak laban ulit.Wag mong papabayaan ang sarili mo at wag mong hahayaan na saktan ka ng kahit sino man. Marami ka pang pagdadaanan, kaya manatili kang matatag". Nabigla at natuwa si Ally sa narinig mula sa bata, hindi niya akalain na sa murang edad ay napakalawak ng kanayang kaisipan sa hinaharap. "Mauuna na ako ate,marami pa akong kailangan gawin eh,manatili ka pong masaya ah,walang susuko. Paalam!"
Bago pa man maitanong ni Ally ang pangalan ng bata ay tumakbo na ito palayo sa kanya. Nagsimula naring maglakad si Ally ng mapagtanto niyang ang lugar na pinuntahan niya ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaroong ng malay. Muling tinanaw ni Ally ang lugar ngunit hindi na niya iyon makita. Ang kaninang mga bahay kubo ay naging matayog na gusali at ang mga puno ng mangga ay naging malawak na daanan. Ang batang iyon ay hindi basta-basta kakilala lang kung hindi,siya ang bata sa nakaraan.
2 notes · View notes