Tumgik
Photo
Tumblr media
New Creation | Theme: Good Starts
Type and Edit by @clarizagueta
No one is too broken that God cannot restore. No one is too lost or too far gone for God not to find. Sometimes we are too focused on ourselves; our failures, our awful past, our mistakes, our sins and we started to think that we have no hope and that God doesn't want us anymore. We are too ashamed to even call on to God in prayer. We think we are unworthy and that we are not deserving of God's love and mercy. That's why God saved us through His amazing Grace (something we do not deserve but given to us) because God loves us so much, He gave His One and Only Son Jesus to pay for our sins.
God can make a new creation in you. Don’t believe the lies of the enemy that you cannot be changed because God can change you! In fact, He's the only one who can make a new creation in you! Someone you never thought you can be. You may not see it now, but you just have to fix your eyes on Him. He's not finished on you yet. You are His work in progress. He will make all things new and He will make a miracle of you!
We are His children, His beloved, in Him we are a NEW CREATION.
Revelation 21:5 (ESV)
 And he who was seated on the throne said, “Behold, I am making all things new.” Also, he said, “Write this down, for these words are trustworthy and true.”
122 notes · View notes
Photo
Tumblr media
MAS MABUTI ANG DULO
(#WTSphDevo Finishing Well)
Hindi mahirap ang Christian life – ang Christian life ay imposible. Kung dedepende lamang ako sa sarili kong kakayahan at pagganap, walang manipestasyon ng pagiging Kristiyano ang makakaya ko – hindi ako aabot sa katapusang linya ng ng takbuhan. Ngunit - paano natin kinakaya at tatapusin ang imposible? Paano natin matatapos ng mahusay o mabuti ang isang imposibleng pakikipagsapalaran?
Grace. Sa pamamagitan ng grasya lamang ng Panginoon natin.
Sa panimula ng 2017 mas naibunyag sa akin na imposible maging tapat na Kristiyano sa labas ng grasya ni Hesu Kristo. May grasyang panligtas (saving grace). May grasyang nagtutukod (sustaining grace); at may grasyang pampatibay (strengthening grace). Nagagalak at magpakaaba kong tinatanggap ang tatlong ito araw-araw.
Sa pagpanibago ng awa ng Diyos sa atin bawat umaga, ay nararapat din pala nating baguhin ang mga handog o commitment natin sa Diyos bawat umaga sapagkat bilang mga work in progress, ay nagkakasala pa rin tayo at sa pamamagitan ng grasya ni Hesus lamang tayo’y magiging tapat sa pagtupad ng mga handog at pangako natin. Kaya naniwawala ako na sa pamamaraang ito – we get to finish well. Sa realidad ng grasya, ang Ama ay hindi nakatingin sa atin, kundi Siya ay nakatitig sa kagandahan ng Kanyang Anak kung kaninoong paghandog ng Sarili ay hinding-hindi natin masusuklian. Sa pamamagitan ng dugo ni Hesus tayo ay banal sa mata ng Ama, at nakakatapos ng maayos damit ang pagkamakatwiran.
Hindi importante kung saan tayo nanggaling at paano tayo nagsimula. Mas mabuting bigyang-pansin at igihan ang byahe tungo sa pagtatapos sapagkat mas mabuti rin naman ang dulo kaysa pasimula (“Better is the end of a thing, than its beginning…” - Ecclesiates 7:8 ESV). Salamat sa Diyos at dahil sa mabuting gawaing nasimulan Niya sa atin, ay may kapalagayang-loob tayo na tatapusin Niya itong maigi! (Philippians 1:6)
Kaya, kapit lang sa grasya ng Diyos. Akapin ito araw-araw at hintulotang akayin kang maging matapat na Kristiyano tungo sa katapusan, sa araw ni Hesu Kristo.
Devotional Series: Finishing Well (#wtsphdevo finishingwell)
By: Chiqui Maravillas // Personal // Walk the Same PH
0 notes
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Walk The Same Philippines Giveaway
It has been my pleasure to be used by God in His mighty work! 
Just this December 2016, we at Walk The Same PH decided to give these beautiful hand-lettered bible verse bookmarks (which I made myself :D) as gifts for those people who would want to have one and would follow @walkthesamephilippines on Instagram :) I am overwhelmed by the success of this project. It was my first time to actually conduct a giveaway myself. From creating the bookmarks to packing it and shipping it to people throughout the country! I know this is just a small step in reaching out to other people and sharing the love of Christ Jesus to them, but I also know that God is at work and I thank Him for making all this possible! Truly in Him, all things are possible. His works are beyond our own capacity and capabilities. :) 
To God be all the glory and honor!
P.S. If you want one of these for you or your friends, follow us at @walkthesamephilippines Instagram, Facebook, and Tumblr. And stay tuned for our next giveaway! :)
<3, Cla. 
3 notes · View notes
Photo
Tumblr media
Blessed Type and edit by Elizabeth Grace @eggraphy
Blessed are those who hunger and thirst for righteousness, for they will be filled. -Matthew 5:6
78 notes · View notes
Photo
Tumblr media
MAKINANG NA LIWANAG (#WTSphDEVO Outreach)
Words by Chiqui Maravillas
Sa araw na buo kong naintindihan na ang  mga ginagagawa ko sa buhay ay mga bagay na hindi na dapat para sa aking sarili, ay ang araw din na mas naintindihan ko ang totoong bigat at kahulugan ng pagiging isang Kristiyano. Hindi ito isang realisasyong matagal ko nang sinasapuso at iniisip. Ang kahulugan ng authentic at radical na Christianity ay ngayong taon ko lamang na simulang totoong bigyang-pansin. Ito ay yung araw na iniyakan ko ang paghihirap at kasamaan sa mundong ito. Wala akong maintindihan sa mga pangyayari ngunit tila may nakarga ako sa mga kasahulan, kakulangan at paghihirap ng napakaraming mga tao. Sa sandaling iyon, ito ang mga salitang narinig ko - "You can't just be moved. You have to keep moving." Hindi na nawala sa isipan ko ang bulong na ito. Dito ko pinag-isipang mabuti kung ano ang mga spiritual na regalong inihandog sa akin ng Diyos na maaari kong gamitin "to keep moving" and "not just be moved".
Bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng spiritual gift na mahalang ialay natin sa kapwa sa napakaraming paraan. Sa pagdadasal, binigyan ako ng Diyos ng oportunidad na makahalubilo ang mga batang kalye at mga malnourished na mga bata sa isang paaralan. Sa kanilang presenya mas lalo kong nakita ang kilusan ng aking Panginoon. Ang mga kwento sa kanilang mga mata ay nagbibigay inspirasyon sa akin na magpasalamat sa mga bagay at sa mga taong nasa buhay ko na minsan hindi ko nabibigyang pansin.   Ito ang isa sa mga napalaking tulong na naibibigay ng Diyos sa aking karakter at pamumuhay.
Kahit sa pamamagitan ng mga maliliit na bagay, maaari nating lakarin ang mundo na naiaabot ang pagmamahal ng Diyos.  Ibahagi ang ebanghelyo, aliwin ang nasasaktang kaibigan, magpasalamat ng kapwa, maging isang volunteer, magdasal para sa ibang tao, atbp. Let our lives be an overflow of what God has done for us. "Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran." (Ephesians 2:10) At sa gayun ay mas magiging makinang ang ating liwanag at ang Diyos ay mabibigyang kaluwalhatian! (Matthew 5:16)
1 note · View note
Photo
Tumblr media
New Every Morning Type and edit by @strippedbygrace 
The steadfast love of the Lord never ceases. His mercies never come to an end. They are new every morning, great is Your faithfulness. - Lamentations 3:22 - 23
236 notes · View notes
Photo
Tumblr media
New Life Type and edit by @eggraphy
“For you have been born again, but not to a life that will quickly end. Your new life will last forever because it comes from the eternal, living word of God.” 1 Peter 1:23 NLT
56 notes · View notes
Photo
Tumblr media
Fresh Start (#WTSphDEVO New Beginning)
Words by Meg Rentoria
I just hate it when my laptop is acting up real slow. Most especially when I am trying to beat a deadline. At some point, it would appear as if I’m being taunted by "great" timing and bad prank. I almost always end up screaming and finger-punching these precious squares of alpha-numeric keys. When this happen, I have no choice but to restart my laptop or totally reformat it (worst case scenario).
I know some of you might have been in a similar situation, especially if you are a student or you have a computer-related task at work. Upon consultation with my friends who are whiz in tech-related things, they would tell me that my laptop, in layman’s term, is overloaded. This causes my laptop to function inefficiently; either it is too slow or it freezes totally. Despite my own protest, I have no choice but to push down the restart button and start over.
Well, in real life, it’s pretty much the same. There are days where things seem too much for us. We get fed up once in a while with all the stuff that saturate us from day to day. Most often, these are trivial and routinary things that we never thought could actually build up and take so much space in our lives. And when we reach our limit on our saturation point, we get bogged down. The reminder of the Lord for us is that we can relieve ourselves from the stress and weight of such. He says we can unload this burden unto him. Whenever we fail and missed on something, we are to remember that with God, starting over is always possible. And yes, starting over is not a bad thing. Don’t ever think that it would be a waste of time or that all your efforts will be just in vain. Sometimes, you just need to drop what's on your hand and take a few steps back to get going ahead. Forcing ourselves into things that's not working anymore can be excruciating. At first it may seem plausible, but in the long run it will take its toll.
Take a breather. Change your perspective. See things in a new light. Push that "restart" button.
Who knows? Maybe that particular "break" will jump start your breakthrough and lead to better and greater things.
With God, we can always have a fresh start.
And he who was seated on the throne said, “Behold, I am making all things new.” Also he said, “Write this down, for these words are trustworthy and true.” – Revelation 21:5
29 notes · View notes
Photo
Tumblr media
Bagong Nilalang
Type and edit by @carlo.baltero 
Ang pagsisimula ay kailanman hindi nahuhuli. Ang pagtalikod sa mali ay para sa mabuting hinaharap. "Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. - 2 Mga Taga-Corinto 5:17
1 note · View note
Photo
Tumblr media
ANG SINAUNANG PAGKAGUHO AY ITATAYO MULI (#WTSPHDevo New Beginnings)
Words by Chiqui Maravillas
"At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan." - Isaiah 58:10
Gustong-gusto ko talaga ang pagpapaplano ng mga bagong gawain or mga bagay na nais kung makamit. Marami akong to-do lists at mga short and long term goals. Gusto ko ang mga bagong simula at ang pagpapatuloy sa mga bagay  na magandang nasimulan. Nasasabik ako sa lahat ng ito dahil hindi lahat ng simula sa buhay ko ay maganda. Sa pagmulat ng aking mga mata sa mundong ito, ang minanang kasalanan ay nasa sakin na and hanggang ngayon kay saksi ako sa epekto ng minanang kasalanan - maging ito ay nakikita sa bahay, sa opisina, sa mundo o sa aking kalooban.
Hindi ko alam ang kwento ng aking mga ninuno pero minsan nagtataka ako kung ano ang mga pinagdanan at napagtagumpayan nila sa kanilang panahon; at kung ano ang mga nagawa nila na hindi nila naialay sa Diyos tungo sa kapatawaran.
Ngunit napagtanto ko na hindi ko na dapat malaman pa sapagkat pareho-pareho lang tayong lahat - umiikot sa gulong ng buhay at mga taong nangangailangan ng grasya at kapatawaran araw-araw.
Hindi ako lumaki sa isang Kristiyanong angkan, pero sa kabutihan ng Diyos ako'y naging unang-anak na Kristiyano sa pamilya namin. Kung kaya't isa sa pinakamalaki kong pangarap (God-willing) ay ang magkaroon ng pamilyang may takot sa Diyos. Nasisiyahan ako sa desinyo ng isang maka-Diyos na salinlahi. Habang manindigan kong dinadasal ang pagkakaligtas ng pamilya ko ngayon, hindi ko rin maiwasang ipagdasal ang aking henerasyong ibabangon at iimpluwensyahan - lalong lalo na ang aking mga magiging anak.
May minanang mga kasalanan at gawi man ako, nanalig ako na buo ang kapangyarihan ng dugo ni Hesu Kristo sa pagbura ng mga minanang kasalanan at ito'y maaaring hindi na maipasa sa kasunod na salinlahi ko, as long as pipiliin ko rin ang kaparehang maka-Diyos, ang ilalaan ng Diyos para sa akin.
Ang pangako ng Isaiah 58:10 ang nagpapanatag sa aking kalooban. Ganito tayo kamahal ng Diyos. "Hindi man natin mababago ang ating mga ninuno, maiimpluwensyahan natin ang ating salinlahi." (Pastor Peter Tan-Chi) Nawa'y yakapin at alagan natin ang napakagandang biyaya at oportunidad na ito! Manalig tayo na ang mga sinaunang pagkaguho ay itatayo muli. Salamat Panginoon sa Iyong Kabutihan at kami'y Iyong laging binibigyan ng panibagong simula.
0 notes
Photo
Tumblr media
MALIIT NA SIMULA Words by Chiqui Maravillas "Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago." - 2 Corinthians 5:17 Karamihan, kung hindi lahat ng mga Kristiyano, ay may testimonya ng noo'y magulong buhay na ngayo'y nagiging mensahe na. Habang nagfe-fellowship kami ng discipleship group ko nung Sabado lamang, isa sa amin ay nagbahagi ng kanyang testimonya. Napakalaking pagbabago ang nagawa ng Diyos sa karakter at lifestyle ng aking kaibigan nang sa di inaasahang oras, ako ay na convict. Biglaan kong na tasahan ang aking sarili na kung may radikal din bang mga pagbabago sa aking buhay, karakter at lifestyle. Naisip ko ito dahil hindi ako isang Kristiyanong may dramatikong testimonya na karaniwang ukol sa pagsisimula bilang isang rebelde o mabisyong teenager hanggang sa nagbago dahil sa kapatawaran ng Diyos. Lumaki akong maayos na puno ng pangarap ngunit makasarili, matigas ang ulo at puno ng takot at pangamba sa mga hinaharap. Ang takot ang kalubus-lubusang sanhi ng paghahanap ko sa Panginoon hanggang ako'y naging isang Kristiyano. Gayon pa man, hindi madali ang paglalakbay. Naitatanong ko sa sarili ko kung ako'y nagbago na nga ba? Natanggap ko ba ng lubusan ang alok ng Diyos na pagbabago sa buhay lalo na sa karakter ko? May mga araw pa rin na ako ay natatakot na tila'y walang pananampalataya; ako ay tamad o matigas ang ulo; ako ay nagagalit, nagiging makasarili at lahat pa ng kung sino ako noon. Habang inisip ko ito isang gabi, sinabi ng Diyos na basahin ko ang kwento ni Moses sa Exodus. Ang ikaapat na kabanata ang mas nagbigay liwanag sa akin ukol importansya ng pagbabago. Si Moses ay nararapat na mai-circumcise bago niya maisagawa ang utos ng Diyos. Habang hindi pa siya circumcised - ninais ng Panginoon na siya ay mamatay. Tila ito ay parallel sa importansya ng baptism na ipinapahayag sa New Testament - na ang Kristiyano ay nararapat ibaptize upang ma buhay muli sa tubig at Espiritu. Ang kanyang dating sarili ay mamamatay at ang bago ay mabubuhay, ay siya'y mabibigyang daan tungo sa Kaharian ng Diyos bilang isang "born again Christian" (Romans 6:3-5 ; John 3:3-7). Hindi ito isang simbolismo lamang. Malaki ang kahulugan nito. Sa kabanatang ito sa Exodus at sa paalala ng kahulugan ng baptismo, marami akong napagtanto at mas nais ko nang wasakin ang aking nga dating gawi sapagkat napakalaking biyaya ng pagbabago ang ibinigay ng Diyos sa akin. Nais kong maisabuhay ang 2 Corinthians 5:17 ng buong-buo, sa tulong at grasya ng Panginoon. Araw-araw ay ang pagpapatuloy ng pagnanais na magbago. Araw-araw ay ang pag-iyak sa paanan ng Diyos habang hinihingi ang lakas Niya sapagkat walang pagbabago ang patuloy na mangyayari sa akin kung wala Siya at ang Kanyang Salita. Buong buhay ko ay isang pagwawasak ng aking sarili at laman, na may buong pag-asa na makokompleto ang mabuting gawang sinimulan ng Diyos sa akin (Philippians 1:6) at ang maliit kong simula ay magiging malaking testimonya. "At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam." (Job 8:7)
0 notes
Photo
Tumblr media
Seek Him
Type and edit by @eggraphy 
“there is no one who understands; there is no one who seeks God.” ‭‭Romans‬ ‭3:11‬ ‭NIV‬‬
19 notes · View notes
Photo
Tumblr media
Bagong Nilalang
Type and Edit by @eggraphy
Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago. - 2 Corinto 5:17
2 notes · View notes
Photo
Tumblr media
God in the Lowly Place (#WTSphDEVO Humility)
Words by Meg Rentoria
The most prominent and significant message we hear about the cross of Calvary is the love of God. To me, it is not solely that. The cross speaks of many things – new life, surrender, grace, restoration, victory, deliverance, hope, and the thing I would like to emphasize on – humility.
The revelation of the cross unfolded for humanity and it has been the greatest story ever told (in no comparison at all). Like in every story, there are two sides to it – a different perspective; a different standpoint. It speaks of humility of both the bearer of the cross and the believer of what happened at the cross.
It took the humility of Christ Jesus for the cross to happen; for redemption and for the ransom of our sins.
This is the first act of humility before the cross.
6 Who, being in very nature [a]  God,
   did not consider equality with God something to be used to his own advantage;
7  rather, he made himself nothing
   by taking the very nature [b]  of a servant,
   being made in human likeness.
8  And being found in appearance as a man,
   he humbled himself
   by becoming obedient to death—
       even death on a cross!
Philippians 2:6-8
Humility means being “lowly” as in a form of the ground –humus. Jesus had become lowly for us to the point of letting the sins of all humanity taint His spotless and blameless self. He allowed our sins to become His. He became a disgrace even to his own Heavenly Father’s eyes. God turned His back when Jesus was on the cross because He could not look upon sin -- especially in His own Son (Habakkuk 1:13). God had departed Jesus on the Cross (Matthew 27:46) and Jesus was judged rightfully for the sins he bore and he received the penalty of our inequities. So that humanity may be spared from it all. He became the ransom for us.
This is the marvellous and miraculous revelation of the cross. And its truth is for allthe world to see, hear and embrace. But the catch is, not all who have seen and heard about it are able to grasp the entirety of its revelation. Only those who humbles before the Lord can experience the power of the cross. This is the second act of humility -- knowing and trusting God in full abandon; departing our own selfish ways; and accepting that we are nothing without Jesus.
God had already stooped in the level of humanity. We don’t need to heighten up ourselves with prestige, achievements, good works, and lavish sacrifices and offerings to meet God. In the darkest times of our lives, in the moments that we are weakest and in the deepest recess and faintest sobs we could utter, God is close by. When we are on the verge of nothingness; when we are hopeless and helpless; when we fall hard in life, He is already ahead down the pit and have his arms ready to catch us. The LORD is near to those whose hearts are humble. He saves those whose spirits are crushed. (Psalm 34:18 God’s Word Translation).
God meets us in the lowliest of place.
11 notes · View notes
Photo
Tumblr media
Ang Kopa ng Kapakumbabaan
Words by Chiqui Maravillas
"Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y Kaniyang itaas sa kapanahunan." - 1 Peter 5:6
Ang linggong ito ay naging kombinasyon ng mga biyayang nagdulot ng saya at naghubog ng aking karakter. Hindi na ako nasosorpresa minsan sa kabutihan ng Diyos sa aking buhay ngunit kapag dinadala ako sa pagsusulit ng karakter, nasosorpresa ako at minsan naiaangat tungo sa takot ang sorpresang ito. Napaka hirap ng pagsusulit na ibinigay ng Diyos sa panahon ng buhay ko ngayon. Hindi ako makatulog. Hindi ako maka devotional ng maayos. At nawawala sa isipan ko ang mga importanteng bagay - nakalimutan ko nga din na kakayanin ko ang panahong ito dahil sa lakas ni Hesu Kristo. Parang nilamon ako ng takot na hindi ko ito kakayanin.
Ilang araw akong walang nagawa. Napasabi nalang ako na hindi ko kaya at baka magbabackslide nalang ako. Pero yung totoo - sino ang niloloko ko? Talaga, magbabackslide? Think again. Sino ang nagpapahirap lalo sa sitwasyon ko: ako o ang Diyos? Ako, ako, ako. Yan ang tamang sagot. Pero hindi ko ito na-acknowledge agad.
Hanggang marinig ko ang aking sarili na idinasal ang mga salita ni Paul sa 2 Corinthians 12:7-8 (Paul's Thorn in the Flesh) at ang kay Hesus sa Matthew 26:39 (Garden of Gethsemane). May tinik si Paul na nais Niyang ipatanggal, at may kopa si Hesus na kung posible ay nais din Niyang ipatanggal - ngunit hindi ayon sa Kanyang loob kundi sa atas ng Diyos. Ganito ang ginusto at hiningi ko - na tanggalin nalang ng Panginoon ang tinik at kopa ko. Pero alam nating lahat na nanatili kay Paul ang kanyang tinik at na-accomplish ni Hesus ang purpose ng Kanyang kopa sa pamamagitan ng kamatayan sa Krus. Sa pagtanggap nila ng mga paghihirap na ito, dulot ng kababaan ng loob, inangat sila ng Diyos sa Kanyang Kaharian. At dahil hindi natanggal ang kopa ni Hesus at Siya'y namatay, lahat ng tao ay sasamba sa Kanya (Philippians 2:9-11). God indeed exalted and lifted Him up!
Nasa posisyon pa rin ako ng pagsusulit at nananatili ang aking kopa. Ngunit dahil sa Salita ng Diyos at sa ehemplo ni Paul at Hesu Kristo, nabigyan ako ng kapakumbabaan upang tanggapin ito hanggang sa hiningi ko ang lakas ng loob, mas matibay na pananampalataya, knowing full well na matapos ko itong malagpasan, ipapakita ng Diyos sa akin ang Kanyang kaluwalhatian at ako'y mai-aangat sa tamang panahon na may kasamang kasiyahang hindi maikokompara sa sakit na dulot ng tinik ko ngayon (2 Corinthians 4:17).
2 notes · View notes
Photo
Tumblr media
ANG KAAKIT-AKIT NA KATANGIAN NG DIYOS (#wtsphdevo humility) Words by @mrvlscee Para sa akin (o sa marami sa atin), ang pinakamaakit na katangian ng tao ay ang kababaang-loob. Napansin ko na sa pagpapakumbaba mas nagiging compelling ang isang indibidwal. Isang ironya nga na kung sa kababaan ng loob ayaw ng tao makakuha ng atensyon, siya ay mas lalong napagmamasdan at natitingala dahil sa katangiang ito. Ang pinaka obyus na halimbawa nito ay ang pagiging kaakit-akit ni Hesus sa Kanyang pamamalagi sa mundo. Marami ang humanga at naakit sa Kanya hanggang sa maisip ng mga taong ito na susundan nila si Hesus kahit saan Siya mapunta. Kahit ang mga pagan at Gentiles na hindi pa nakakakita kay Hesus ay nababalitaan ukol sa Kanya, sa Kanyang mga milagro at mabubuting gawa. Dahil dito, pinupuntahan nila ang bayan o rehiyon na pinaroroonan ni Niya, alang-alang sa kanilang desperasyon na masaksihan kung anong klaseng tao talaga ang nababalitang Messiah. Ganito ka compelling si Hesu Kristo - at dahil lamang iyan sa kababaan ng Kanyang loob. May kaharian ang Diyos natin sa langit ngunit bumaba Siya dito at naging mahirap upang tayo ay maging mayaman (2 Corinthians 8:9). Bumaba Siya rito hindi upang mapaglingkuran kundi upang maglingkod (Matthew 20:28). Sa pag-aaral ko ng Bibliya lalo na ng mga ebanghelyo sa buhay ni Hesus, mas lalong napapamukha sa akin kung gaano ako ka liit sa sandaigdig at napakarami ko pang dapat matutunan. Ang puso ng Panginoon ang laging nagpapa-alala sa akin na ako'y hindi mas higit o importante pa sa kahit sinuman. Wala akong karapatang maging mapagmataas sapagkat inituring ng Diyos mismo ang Kanyang sarili na walang-wala, tanggap ang anyo ng pagiging alipin (Philippians 2:5-7). Nawa'y araw-araw tayong mahamon sa kababang-loob ni Hesu Kristo. Sana'y sa lahat ng bagay mas mabigyan nating pansin ang kahalagaan at interes ng iba bago ang ating mga sarili at kagustuhan, at nawa'y ang ating mga kabutihang gawa ay patungo sa pakinabang ng iba at sa kaluwalhatian ni Hesu Kristo. Sa wakas, nawa'y ang kabababang-loob ng Diyos ang magpapagana sa atin na maglingkod at magmahal ng kapwa.
0 notes
Photo
Tumblr media
Humility Type and edit by @clarizagueta The Lord detests dishonest scales, but accurate weights find favor with him. When pride comes, then comes disgrace, but with humility comes wisdom. The integrity of the upright guides them, but the unfaithful are destroyed by their duplicity. Proverbs 11:1-3 NIV
109 notes · View notes