Nature Lover
O kayganda ng mga bagay sa ating kapaligiran. Makikita natin ang mga bundok, dagat, na makapagbibigay sa atin ng liwanag dahil sa ganda ng mundo. Nakapagdudulot ito ng peace of mind at nakakarelax, anumang problemang dumarating sa buhay. Masasabi ko na well satisfied ako sa mga lugar na aking napuntahan. Katulad na lang ng Bahay na Bato sa Luna, dito ko nakita ang gamit na yari sa iba’t ibang uri ng bato. Matatanaw din dito ang ganda ng dagat at ulap.
Napuntahan rin namin ang malawak na taniman ng strawberry farm sa Benguet. Sa kabila ng lamig ng panahon, mawiwili ang lahat na mamitas ng fresh strawberry. Nakita din namin ang mines view, ang matataas na bundok doon at ang mga bahay na nakatayo sa kabila ng peligro na kanilang kinakaharap.
Narating din namin ang Tagaytay, doon napagmasdan ko ang Taal Volcano at matataas na bundok. Pumunta rin kami sa Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. Dito makikita ang tamaraw falls at ang white beach. Kakaibang kaligayahan ang dinulot sakin ng pamamasyal naming ito.
Aking napagtanto na karapat-dapat nating mahalin ang ating kalikasan sapagkat ito’y bigay sa atin ng poong maykapal. Huwag abusuhin ang kabundukan upang di tayo bahain at magkaroon ng landslide. Ingatan at alagaan natin upang makalanghap tayo ng sariwang hangin, mga pagkain at malinis na tubig. Kailangan lng ay sipag at tiyaga upang umunlad, uminam at gumanda ang ating kalikasan dahil diyan magbibigay ito ng magandang bunga at para na rin sa susunod na henerasyon.
0 notes
Part of my Life
Animal lover ka ba? Hayop man silang nilalang ngunit meron din silang buhay at pakiramdam na dapat pahalagahan. Aking ipinagmamalaki ang aking napakatalino ngunit tusong alaga sapagkat ang nais niya ang laging masusunod. Nandiyan yong ugali niya na bawat papel, libro, cabinet ay unti-unti niyang puputol-putulin hanggang masira.
Meron din siyang interest sa mga cellphone, ipad at laptop. Napag-alaman ko na ugali ng katulad niyang ibon ang ganito, base sa aking nasaliksik. Siya ay si UMARU, isang blue black mask lovebird.
Gayunpaman, siya ang nagbibigay ng liwanag sa aming bahay, nagbibigay ngiti sa aking mga labi. Napagtanto ko na mahirap ang nag-iisang anak lamang subalit dahil sa kaniya naibsan ang boring sa aming bahay. Mahal na mahal ko siya.
Kakaiba siya sa lahat ng ibon na aking nakita sapagkat nagagawa ko siyang pakainin sa aking palad,napaiinom ng tubig at kusang dumadapo sa aking katawan.
Tunay na napakaswerte niya dahil nakalalaya siyang lumilipad sa loob ng aming bahay. Mapalad ang ganitong uri ng mga ibon. Maaari natin silang alagaan sa tamang paraan bagkus ay wag paglaruan at pagmalupitan, anumang ugaling meron sila. Mayroon silang karapatang mabuhay. Marami diyan ang nagsasawalang bahala sa ganitong bagay sapagkat di sila animal lover.
Alagaan natin sila, itrato ng tama. Bigyan sila ng tamang tirahan, atensyon at pagmamahal. Buksan natin ang ating mga kaisipn upang pagdating ng araw ang susunod na henerasyon ay mayroon pang ibong masisilayan.
1 note
·
View note