Tumgik
#pundare
smokebug · 6 months
Text
corkscrew rulez is making me think very cursed thoughts re: a swedish dude which is hysterical because our language walks such a tenuous line between "completely non-threatening" and "please stop yelling at me" that trying to attribute this to Dude is wreaking havoc upon my neurons.
pundare från orten som är trött som fan på sin kärring
9 notes · View notes
wittykahitcorny · 1 year
Text
Di naman lingid sa iba na sikat ang bayan namin na Hagonoy dahil sa high tide. Nakakalungkot lang talagang isipin na matapos ang ilang taon at dekada ay di na kami makaahon. Lalo ngayon na tuloy ang reclamation para sa airport sa Bulakan na apektado rin kami. Nabili na rin ng San Miguel Corp ang ilang lupa dito sa Hagonoy na patatayuan ng SKYWAY at EXPRESSWAY na ikokonekta sa ginagawang airport.
Panay pataas ng kalsada, after 2 to 3 years aabutin na ulit na high tide. Naiiwan na mga kabahayan at mga kalye. Sabay sa pagtaas ng ibang barrio ay paglubog naman sa iba. Kawawa yung iba na walang budget para pagawa or pataasan ang bahay nila.
Mahirap tanggapin na kailangan mong lisanin ang bahay at lugar na yung kinalakhan, mga kamag anak, kaibigan, experiences at alaala. Pero tuloy ang agos ng buhay kelangan mong labanan ang alon.
Gustuhin man naming isalba ang ancestral house namin, pataasan at ayusin ay mahihirapan na kami. Maitaas man namin to ay baha pa rin ang aming nasa paligid. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakapag pundar na ako ng bahay sa ibang lugar dito na hindi binabaha.
Sana naman dumating ang panahon na makaahon at hindi tuluyang lumubog ang aking bayang sinilangan. Ang bayang pinagpala ng langit, buhat sa kandungan mo'y kay tamis. Hagonoy ay tula at awit, ng damdaming pumipintig.
Tumblr media
Yung left side bahay namin. Yung right side sa lola ko. Bahay mo ba to lang ang peg. Yung green markings ang patunay kung gaano kataas ang baha. Mas mataas pa minsan ang baha dun lalo na pag may ulan, bagyo o malakas hangin.
Usually 3 to 5 days lang walang baha tas 1 week baha. Tas 3 days ulit wala tas 1 week ulit meron.
Pag summer afternoon ang high tide.
Pag tag ulan morning ang high tide.
Pag magpapasko naman ay gabi ang high tide.
Ganyan ang cycle ng high tide sa lugar namin.
Tumblr media
Yung pader namin ginawan ulit ng pader 😅
Tumblr media
As of Feb 26 ganito na ang hitsura ng ginagawang pagtataas ng kalsada. Need naming bagbagin ang terrace para dun gumawa ng hagdan at daan para makapasok sa bahay. Di na kami makakadaan dun aa dating pintuan kasi mahirap gumapang.
5 notes · View notes
sunb0rn · 1 year
Note
Gusto ko lang i share... Yung feeling na napag iiwanan kana ng buhay. Yung mga ka batch at kasabayan mo noon nakakapag pundar o nakapag build na sila sa buhay kahit papano tapos eto ka medyo fucked up ang buhay. Kahit ikaw naman tong unang nag sikap noon, unang nangarap at unang nagplano sa buhay. Ewan ko ba parang minsan pag sobrang planado mo mga bagay-bagay naleleche talaga eh no. Pero wala naman akong pinag sisisihan ngayon. Baka kung nasunod lahat ng gusto ko noon wala ako dito ngayon. Sana masarap ang tulog nyo 🙂
good morniingg byyy! *yakaaap and saaaame (pero more of napagiwanan sa ibang bagay)
sana maganda ang morning mooo.
5 notes · View notes
year-2024 · 2 months
Text
MARCH 6,2024
Naisip ko, ito ang WILL NI LORD.
Nasabi ko noon na hindi na ko makakabalik. Nangangarap kami ni Jun na kami naman ang magtatayo ng sarili namin design-build. Sarili kong apprentice, sarili nyang trainee na engineer. Meron kaming truck o kahit l300 muna, pwede mag hire ng purchaser per project lang muna or driver.
Ang sarap mangarap.
Sarili naming lupa. Patag. Malawak. Bagong bahay. May bodega para sa mga materyales.
Meron akong gulayan.
May studio din ako.
Meron kaming opisina.
May barracks kung kinakailangan.
May malawak na parking para sa trucks at sariling sasakyan.
May guest house.
Mayaman na kami.
Malusog at healthy ang aming mga magulang.
Kahit dumalawa sila at matulog sa amin, walang problema.
May kasambahay na pwedeng tawagan.
May mga sariling tao na pinagkakatiwalaan.
May mga taong may malasakit.
May mga tao kaming tapat naming kasama sa pag-unlad.
Ang sarap mangarap.
Sabi ko, kelangan naming mag step-up.
Na kahit mag-mmigrate sila sa US, walang kasiguraduhan kung kelan.
Habang andito pa, bakit hindi natin tuparin ang pangarap natin na ito.
Kagaya ng nangyare saming pagpapalayas sa 25th nung Jan4,2022. Sapilitan kaming inalis sa lugar ba iyon. Wala ng iba pang idadahilan para manatili. Nasaktan na kami at nagalit. Punong puno ako ng galit sa kanilang ginawa. Kaya ang nasabi ko, magsisisi sila sa ginawa nila. Yayaman kami, makikilala na magaling na arkitekto at engineer. Yayaman kami at makikita nila ang success namin. Magsisisi sila. Maiisip nila ang mali nilanh ginawa samin. Karma na ang bahala sa kanila. Hindi ko naman hihilingin na may mangyaring masama sa inyo. Ang sinasabi ko lang, pagsisisihan nyo.
2024 na ngayon.
Nagbabalik loob na sila. Gustong makita ang anak namin. Kasama sila lysa na nag-stepup ng buhay, nakita nila. Gusto nilang makita ng malapitan. Paunti-unting nagbabalik loob.
May bandang nagsasabi sa akin na ito na yun. Ito na siguro yung pag-sisisi nila. Nakita nila na kahit nalayo kami, kahit tumayo na talaga kami sa sarili naming mga paa, nangungupahan at nagsosolo, nakapag-pundar pa rin kami at umasenso. Nagkapamilya. Ngunit ang hiling ko rin ay sa pag-asenso na ito, sa mga blessing na ito, sana ay maging blessing din kami sa pamilya namin at sa ibang tao. Hindi lumaki ang ulo namin at maging mayabang.
Kaya ngayon na aalis na ako sa JEQ. Halos 10years at 11months. Naging tahanan ko na rin. Araw araw akong nandon. Dun ako natuto na maging arkitekto.
Dumating na ang araw na kelangan ko ng umalis.
Pero ngayon, aalis ako para sa anak ko.
Para bagong chapter ng buhay ko.
11:39pm. Wednesday.
0 notes
kateyiswell · 7 months
Text
2021 - Our Travel Year
Birthday nya, I surprised him. Pumunta ako sa apartment nya and spent the day there. Syempre di nawala ang birthday sex haha. Simple lang naman ang celebration namin. Umorder ako ng designed bento cake while he bought pansit na isang bilao. Bento lang kasi dalawa lang naman kaming kakain pero pansit good for five ata kasi mahilig sya. His boss called at nagsabi na magpapadeliver din ng cake from a known cakeshop. Nung kumain kami ng cakes, mas masarap daw yung order ko. Haha. Tumawag ulit si boss para iconfirm kung dumating yung cake. Pinagmalaki nya sa boss nya na kasama nya ako that day. Biglang sabi ni sir, dapat daw nagleave na sya para nakagala kami. Eh mas preferred nya na pumapasok ng kahit anong okasyon, kaching kaching kasi.
Then, Valentine’s day nya ako inaya lumabas. May pupuntahan daw kami na kainan sa may bandang Laguna. Mega kilig na naman ako syempre. Ang tagal ng byahe, bandang Cavinti ata yun. Pagdating namin, napagkamalan pa kaming married couple. Kilig yarn. meron binibigay na chocolates with heart sa resto. Simple lang din kinain namin (chicken, rice, pansit) pero akala ko sagot nya, ako pala magbabayad. After nun inikot namin ang loop from cavinti to laguna to qc. Sa sobrang pagod nya magdrive, naisipan namin magpamassage. Dun namin nakita yung best friend nya, magpapamassage din with his partner. Ayun double date afterwards. Boys na ang sumagot ng dinner naming apat. Nung naiwan kami ng girl sa table, tinanong nya ako kung girlfriend daw ba ako ni guy. Nagsmile ako tapos hindi. Tapos sabi nya, eh parang mas sweet pa raw kami kesa sa kanila, HHWW p raw kami. Sa isip ko, ay gurl tanong ko rin yan. After chika, umuwi na rin kami. Masaya ako to spend the day with him. Next weekend naman, double date ulit kami kasama yung isa sa former border nya. Masaya rin na experience. Feeing couple talaga kami.
On my birth month, inaya nya ako sa mag mall daw kami. Yun pala, bibilhan nya ako ng bag! First time ko makakareceive ng mamayaling gift from him to think na super tipid nya pang tao. Nahihiya pa nga ako nung una, sabi ko, okay lang kahit wag na. But he insisted. Sya na rin pinapili ko ng design and color. Super happy ako at nakasmile hanggang pag uwi. Inggit ang mga kapatid ko kasi may paregalo pa raw na bag si kuya. Dito ko nastart isipin na baka may nararamdaman na sya sakin.
Come end of April hanggang early May, nagkaroon ako ng Covid. Ang dami nyang sinabi like dapat daw di na ako nagpatest, ingat daw ako sa quarantine facility. Nainggit lang ako dun sa kasabayan ko sa quarantine facility, lagi kasi syang dinadalaw nung jowa nya. Sakin kaya, kelan me dadalaw? Haha
Nung malapit na matapos ang contract nya sa apartment, iniisip nya if ieextend pa nya or hahanap ng iba. At ayun na nga, lumipat ulit sya ng bahay. From apartment to condo. Since bihira na raw yung nagrerent dahil nga pandemic, sya na muna mag occupy nun. Less gastos daw since motor rent na lang yung iisipin nya.
Nabawasan yung pagkikita namin since hindi naman ako pwede magstay sa condo nya. Isang reason is yung tatay nya ang kasama nya sa condo. Also, naghigpit din sa protocols kaya di ako makapasok sa unit. Isang option nya rin ay kung ibebenta na raw nya ang unit. Pero naisip nya, sayang and may sentimental value sa kanya yun. Syempre unang pundar nya. Hindi sila nagkasundo ng papa nya, pinaalis nya rin sa condo. Masyadong malalim galit nya dito. Kung di raw kasi nakadispalko ng pera ang papa nya, sana raw magkakasama pa silang pamilya. Pero sa tingin ko, factor din yung cheater ang papa nya, based sa kwento nya. Syempre, kung ako sa mama nya, di ako papayag ng ganun. Sinabi nya rin na may dinate syang ibang babae. Hangout lang daw. Nagselos ako syempre. Di ako natuwa sa ginawa nya, pero di naman kami diba. Ano naman karapatan kong magselos.
Anyways, pinaayos nya yung unit. Good for girls na yung condo. At sinabihan nya ako na ako mamamahala sa condo since tiwala sya sa akin.
November that year, napagplanuhan namin ng North to South expedition. Hindo lang ako kampante sa trip na gusto nya. One night lang kasi kami sa Ilocos, bababa na agad ng Bicol. Ayaw nya makinig sakin.
By December, few days before Christmas, sinundo nya ako samin. Dala ko na yung mga gamit ko na ilalagay sa condo, dun na kasi ako magrerent dahil by next year, balik office na kami. Dun sya sa loob ng bedroom while ang pwesto ko sa bunk bed. We went around the city after that then hinatid nya na ako. We celebrated Christmas separately. Nasa condo sya nun pero nagpadeliver ako ng food para sa kanya.
Day after Christmas, tumuloy na kami pa-Ilocos. Nagulat pa si mama, kasi sobrang agad daw namin umalis. Di nya alam na mag-i-Ilocos kami. Nun ko lang sinabi sa kanya. Smooth naman ang trip namin pero pagdating namin ng Ilocos Sur, nagstart na ako mainis sa kanya. Sabi nya, balikan na lng namin next year, since Ilocos Norte talaga yung diretso namin. Ayaw nya magstopover para sana makakita kami ng other view. Di ko na matandaan yung pinuntahan namin, pero may pinagstopover-an kami na gilid ng dagat. Mas marami pang picture yung sasakyan nya kesa samin dalawa. Wala ka kong ka roma romantic effort si guy. Gabi na kami nakarating ng Norte. Super plakda man, nakaisa pa kami bago matulog. Kinabukasan, maaga kami umalis. Dumiretso kami ng Bangui windmills. Pinagsasabihan nya ako na ang pangit ko raw kumuha ng picture nya. Pero nung pinakita ko sa kanya, ginawa nya agad profile photo sa fb account nya. Then dumiretso kami sa may bridge pa Cagayan. Okay naman sana kaso umuulan. Di kami nakapag picture ng bongga. Video na lang from the car. Nagkakainisan na kami nung pauwi na ng Manila. Paano ba naman, wala pa kaming kain. 6pm na kmi nakapagdinner. Nung madaling araw naman, nagrequest sya ng cup noodles. Huminto kami sa bakery, pero ayaw ko bumaba kasi sobrang antok pa ako. Dun na kami magstart mag away.
Pero sinunod ko na lang sya. Tumuloy sya magdrive pero minsan huminto hinto kami sa tabi para makaidlip sya. Nung medyo may gising na ako, dun ko napansin na di na sya umiimik. Medyo natakot ako kasi bak ibaba nya ako sa TPLEX wala naman akong kakilala dun. Saka bukiring malawak pa yun. Di pa ako marunong magdrive noon kaya nagsosorry ako sa kanya na di ko sya mapalitan magdrive.
Pagbaba namin ng Manila, sa Condo na kami nagstay. Tipid di ba? Akala ko palalayasin nya ako sa condo dahil nga sobrang inis na sya ng umaga na yun. Nalaman din namin na baha na pala sa may Bicol region. Di na kami tumuloy dun, instead nag Tagaytay na lang kami. Buti na lang at medyo okay na ang mood nya. Sa condo ulit kami natulog after non. Kinabukasan hinatid na nya ako sa bahay namin. Happy naman daw sya kasi maayos daw ako magplano ng trip. Sana lang next time ay marunong na ako magdrive para may kapalitan sya. Gusto naman daw nya, papunta ng province nila sa Samar ang next gala namin. Kaso pag dinala daw nya ako dun, baka isipin daw ng mga kamag anak nya ay girlfriend nya daw ako. Hindi ko alam yung irereact ko sa statement nya.
The day before New Year, ininvite ko ulit sya. Nagdala sya ng donuts and pizza sa bahay. First time ito ever kaya may kilig pa rin. Sabi ko nagpapalakas siguro sa family ko. Medyo happy naman kami kahit papano. Before sya umalis, hinug nya pa ako sa labas ng bahay namin. Tapos biglang bumitiw, baka raw kasi may makakita samin. Nakoconfuse talaga ako sa mga sinasabi nya at ginagawa nya…
0 notes
akocphanie · 8 months
Text
So we did a little conversation earlier. Nandun kame sa kwarto nung mom niya habang binabantayan si sandro, sabe ko "sabihin mo sa mama mo dto na lang tayo" sabe niya "may problema dto pag naulan" sabe ko, edi paayos naten. Sabe niya "oo nga noh? Sbhn ko lumalaki na kase si sandro" sabe ko "oo nga sabhin mo" akala ko pa namam agree siya na lumipat kame ng kwarto kase maliit yung kwarto niya para saming tatlo, tapos ending hindi pala. Tapos na brought up niya yung bahay ko sa trese, sabe niya mamaya biglang sabhn doon na tayo tumira sa trese. Natatakot nga ako doon e, kase baka mamaya pag maniningil kung anong gawin sakin" (plano ko kase paupahan yun para may income) sabe ko, "hndi yan tsaka sabe ni mama tirhan daw muna NATEN yun bago paupahan para hndi babuyin" sabe niya "eh tapos maglilipat pa" Tapos brinought up ko na nga din yung t.v ko na gsto kong dalhin dito sakanila para may t.v din kame. Kase dba pag may pamilya ka na, nakikita mo sarili mo na nagpupundar ng gamit at all. Kaso nagalit siya then realized na prang wala siyang pangarap sa buhay. Kontento na siyang nag gigym lang tapos naglalaro ng mobile game. Plano ko pa naman mag pundar ng aircon, kaso prang narealized ko don ko na lang ibubuhos sa bahay ko. Hndi ko nakikitang tumanda yung sarili kasama siya. Oo gsto ko buo at kumpleto pa din kame, kaso wala e hndi ko siya makitang mag effort. Walang pangarap sa buhay. Gusto ko na tlga siyang hiwalayan.
Plus one thing pa pala, 3 days ago, sabe ko sakanya wala na ko pera so wala nako ma proprovide na pera pang gym niya, kase nga balik ko pa sa 3rd week pa ng september dahil naka mat leave pa nga ako, so im expecting na gagawa siya paraan pra magkaroon man lang siya ng pang gym, kahit pang gym niya na lang e. Kaso wala tlga. Sabe niya saken wag na daw ako mag pills just to provide him a money na pang gym niya. Sa loob loob ko, talaga ba? Ulti mo pang gym mo iaasa mo dakin kahit walang wala nako.
Since wala na nga ako pera shempre I decided to change yung milk ng baby ko. So from s26 (premium milk) to bonna (affordable milk) muna, snabe ko yun sa mom niya, dba dpat ihelp niya ko na makapag provide sa baby namen kaso wala tlga asa tlga siya sa parents niya. Ayun nag tae tuloy baby namen dahil sa kakapalit ko ng gatas. Buti na lang to the rescue parents niya. Pina check up niya yung baby namen tas bnilhan niya pa ng gamot at vitamins. Plus sila pa bumili ng milk ng baby namen.
Tapos ending prang sinisisi niya pko na bakit binonna ko pa yung baby namen. 🤣
Hays, can someone help me and reach me how to run away in this kind of relationship? Kase dko na talaga alam pano ko siya pipilitin mag trabaho 😂
0 notes
makemycitybreak · 9 months
Text
Imagine om jag va pundare
0 notes
bigbagoda · 9 months
Text
Cobra Kai
Min vän A-L var här med sin japanska hund. Vi lagade östasiatisk mat och kollade på en hel säsong av Cobra Kai. Miguel hamnade i koma, Johnny började supa.
I övrigt får jag kolossalt ont i fötterna av att stå upp på jobbet. Och jag börjar få riktigt låg tolerans för pundare/alkisar som kommer in på jobbet. Försvinn! Jag vill aldrig mer ha med er att göra.
0 notes
chongmike · 1 year
Text
Papa’s LOVE
I was born on a poor family we live in conconig west, Sta. Lucia ilocos sur ,My father is a farmer and my mother is a house wife our life is simple we eat 3times a day and we lived together no stress and no problem as a child thinking that life is easy just play ,eat, sleep that was that life is easy , We studied elementary school in NORTH CENTRAL SCHOOL me and my ate walk 5km from our house to school and my baon is just five pesos sometimes nothing just water after our class we walked again to go home and after that i just felt that i am different from my classmates since then on i dream high so that my parents will never experience a hard life.
Time lapses I graduated in elementary and I continued my studies in our town in Sta.Lucia Academy my life in highschool isn’t easy for me highschool life are full of different types of students , a bully ,the rich kid ,the nerd and i am the one who stayed on the front side who always sleeppy feels tired in early morning i have to woke up Early and do my responsibilities going to farm and help my father and collect grass for our goat so that they won’t be hungry , after that i go to school riding my father’s bike i do also diskrte like construction and farming and many more life isn’t easy for me but it’s not an hindrance for me to dream high to have good life someday, when i finish 1st year highschool i feel inlove with the sports cycling when i ride my bicycle i feel free i also make money doing this sports my parents specially my father always supports me doing this kind sports until I graduated highschool and i pursue my cycling career and all my hardworks paid off i become one of the best player in our province i joined a lot of cycling events in or out our province gov. Ryan also recognize me when i joined the biggest race in our country Philippines. And gave pride to our province i also recognized by media like bombo radio and many more I received a lot of recognitions and awarded as best rookie when the pandemic came we lost our side hustles and i also stop my college life for 1 year during pandemic i stop for a reason to help first my family needs after the pandemic and life going normal . And I enrolled again online school then implemented limited face to face i also do both academic and work for us to survive my father also work harder after his work on a tobacco company as a driver for 30 plus years he is also a farmer I admire his dedication to gave us good life he is so good person I love you papa 😭this word that I cannot say to him when he was alive . Last February my father died he was diagnosed with cancer which a late stage cancer we fight for his recovery for 5 months we sacrificed all our ipon and all the things that imwe pundar when i was working and doing my side hustle which online selling and many more i said to him we have a lot of money because he always said that we have nothing to spend on his hospital bills but we fight for his recovery for his life and for our happiness but on the last month for his medication his doctor’s call on all of us all his relatives and family for no reason he said but I feel that my father will not going to be cured I cried and i cried all of us we know we gave all as we can just to cured him but god didn’t let him to suffer from pain . My father prove that on his sufferings that he is a good person because when his burial there are too many people who attended his burial also when he was sick all of his good freind visited him and gave him support and many more. We never loose our faith on god we thank god for blessings he gave to our family guidance,safety and happiness also i thank to god that he gave us a good father so we grow a good person and a better person . This story of my father is not enough to describe all his kindness and sacrifices to us and to other person he meet all his good memories will never faid they always remember him all his lessons to us will stay in our heart and soul . What ever happened in our life never changed the goals never change your goodness to other instead be a better person that’s all thank you .
#papalove#remembered
#loveofafather
1 note · View note
dieseltyrese · 1 year
Text
ayoko na magmahal, hahaha, puro na lang ako pundar, nakakapagod na rin, sarili ko nalang muna, isang taon rin yon, akala ko meron, hahahahahahaha, ANG TANGA ko nanaman, sino ba naman magkakagusto sakin diba? HAHDJAHJDHAJ hindi naman special, im too normal HJAHDJAH akala ko naman yun na, grabe all in one, 2023 sinira mo ko.
0 notes
krysrynzmdrn · 1 year
Text
basta for this year, happy rako kay naka pundar ko maski ginagmay gd og maka help ko kay nanay og tatay gamay diria sa balay
0 notes
islaaaxx · 1 year
Text
Finally first pundar!!
0 notes