Tumgik
#dedz
lakanamihan · 1 year
Text
Some general updates
I finally finished writing The Beauty Collector (na inabot ng 1 year bago ko nasimulan; while inabot naman ng 2 years bago finally matapos). It’s posted up on my WP and AO3 accounts.
Also, I’ve decided to republish DEDZ NA DEDZ as a socmed AU ulit. At sinusulat ko siya sa bago kong Twitter account: @/lakanamihan.
You can always find me on my personal blog, my AFF, AO3, and Twitter accounts. But also, meron din akong mina-manage na writers community on Twitter, TAGIMPAN Writers Community, na pwedeng sumali both fanfic and original fiction writers. May mga friendly activities dun na mainly friendly conversations about writing in general, at kung anu-ano pang mga topics that makes writing enjoyable for both writers and readers. Medyo IA pa ang community dahil konti pa lang ang members. Pero sana dumami na mga tao dun, para maging masaya ‘yung experience, at lumago pa lalo ang TAGIMPAN.
Currently working on finishing my latest fiction, Ang Gabing Nahulog Ang Buwan, which is both original and fanfic (kasi ginamit ko lang na portrayer ang ALAMAT members, but it’s still my original storyline. Honestly lahat naman ng fic na sinusulat ko, I only think of the idols as actors I would cast if ever na pelikula or series siya. Kaya laging OOC ang mga characters ko. Clout-chaser lang talaga ako LMAO).
Meron na akong isusulat right after kaya sana matapos ko siya nang maganda at maayos, ASAP. Naka-post na sa Twitter ‘yung description nitong bago kong isusulat, pero hindi ko pa pina-publish sa AFF at AO3 kasi hindi pwedeng mag-drafts sa AO3. Sabay ko kasing pino-post, like sa AGNAB, para hindi ako nalilito. It’s entitled YMT × 3.
‘Yun lang updates so far.
links:
Ang Gabing Nahulog Ang Buwan: AFF, AO3
The Beauty Collector: Wattpad, AO3
DEDZ NA DEDZ: Twitter
YMT × 3: Twitter
TAGIMPAN Writers Community: Twitter, CuriousCat
My personal blog: @pamelasomething
My Twitter account: @/lakanamihan
1 note · View note
archivemess · 2 months
Text
my dad keeps vaping and now our whole living room smells like strawberry
1 note · View note
q-anth4rax · 1 month
Text
dedz
Tumblr media
21 notes · View notes
umawka · 4 months
Text
dedz sa problema
10 notes · View notes
katelcorn · 10 months
Text
Tumblr media Tumblr media
i just saw missed connections on netflix. nakita ko lang sya sa tiktok and thought it was interesting and tama ako. ang galing ni miles. nakakainis sya but i feel for her
tapos just last night i was talking about the possibility of me being an old maid and yung tita ng character ni miles is a literal old maid. but u know what?! it's okay! when she said "eh ano naman? choice ko to" it hit different. SOOO different. i'm also single by choice but a lot of the time i feel pressured by everyone to get into a relationship. minsan gusto ko mag-give in jowain nalang kung sino sino. thank God for my strong self control. kaya when she said that i felt so empowered. walang kulang sakin, walang mali, i'm so contented with myself
what makes it so interesting pa is how they presented mae's hoarding personality. sobrang feel na feel ko yun. yung line na feeling nya ba kapag tinago nya lahat ng boxes na may memories ng loved ones nya, kasama nya pa rin sila? napaisip talaga ko cuz i keep so many boxes filled with memories i share with so many people in the past. sobrang relate ako sa paghhoard nya ng memories lol ibig sabihin lang naman nun inability to let go. ang hirap kasi bitawan, kapag may physical objects ka they make the memories real. kapag nawala feeling ko naghallucinate lang ako
grabe din yung obsessive tendency nya. stalker-ish vibe. same kami na nagffantasize ng tao to the point of obsession. iba lang yung kanya kasi i don't act on my thoughts. sya naninira talaga ng relationship. i hate how she attacked the girl just cuz she can't get the man. i get it! you're alone and want someone to be with you pero mali talaga what she did. i loved chie's character tho, strong independent woman! love that for her!
also sobrang delusional nya. again nakakarelate na naman ako. sometimes idk if nagdedelusion ako or maladaptive daydreaming lang. pero aware pa naman ako na hindi totoo yung scenarios sa isip ko so hindi naman sya borderline psychotic. si mae kasi idk ang delusional nya talaga nakakatakot sya. anyways skl sunday morning aga ko nagising around 6am yata? kaya bumaba ako to do some chores tapos while doing the dishes naimagine ko yung crush ko kinakasal sya LOLLLLLL i wont go into details basta something happened to me na medyo similar kay mae sa movie but as i said aware ako na imagination lang yun so di pa naman ako as delusional as her
ayun ang ganda ng ending!! nabigay nya naman yung closure na kelangan ko. akala ko may reveal na dedz na pala yung ex nya pero mukang di naman? pero mas maganda sana if patay na nga sya pero inis ako di sinabi reason why sya may scar and why sya nagresign. ayun lang yung kulang it feels like there's an itch in my brain i can't scratch tuloy
but yea this is just to say that your trauma isn't an excuse to hurt people. minsan lang talaga may mga nagagawa tayo na di natin alam nakakasakit na especially when factors like mental health issues are at play.. it's sad that when a mental health issue affects other people we immediately give up on them. di naman sya bad thing kasi u need to take care of yourself too but i hope we're kind to people like them as well.. but who am i to talk when i give up on a lot of people din naman. sana lang the movie raised enough awareness and sana mas inemphasize yung importance ng mental health. nagulat kasi ako sa twitter tinatag nila as romcom yung movie. asan yung comedy dun? di nga ko natawa sa whole duration ng movie, so feeling ko di sineryoso ng ibang nanood
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
tihgnari · 2 years
Text
good news i found out a way to have dark mode 🤪 bad news it takes a lot to edit HDVSHD dedz
13 notes · View notes
xayystrength77kg · 2 years
Text
Nothing too crazy for tonight’s dedz 😮‍💨
Tumblr media
7 notes · View notes
pilosoponyoping · 2 years
Text
gusto ko mag drive ngayon kahit umuulan, tapos kung sakaling mabangga edi dedz HAHAHHAAHA
5 notes · View notes
pyonaaaaa · 6 months
Text
quiz sa micro 😔 dedz na me huhu
0 notes
solacecali · 7 months
Text
owki final theory: nagpanggap lang si mang abe na dedz kasi nandon si carlos. pero isa lang talaga mamamatay sa team resbak, and si alexa ‘yon. like it’ll be awful but idk but kasi may leak 😭😭 lakas tuloy ng kutob ko
0 notes
Text
edi dedz na dedz na naman ako nyan?? tangina naman cams 🤦🏻‍♀️
0 notes
lakanamihan · 1 year
Text
Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Aspiring writer Tomas Francisco unwittingly finds himself in an extraordinary ordeal smack-dab in the middle of an out-of-this-world—literal!—love polygon. Pinagbintangan ba naman siya ng anak ng Sun God na sinulot ‘yung jowa nitong anak ng Moon God??? He needs help! At dapat extraordinary, God-level of help din! But now he crosses paths with the heir to the Death God’s throne, and he’s also looking for the missing Moon descendant!!
And to top it all off, mababalitaan niya pang he’s the reason why the princess is missing. He’s the Bakunawa’s present reincarnation! And he, too, has a destiny to fulfill sa wild goose chase na ito! Are they going to take each other out? On a date or with a gun, alin kaya ang mauuna????
Lintek, naguluhan din ako!
Starring silly goofy poet Tomas, forlorn lover pre-colonial King Taneo, and R-Ji as both a rockstar cool guy and neutral evil Deity of the Underworld.
Status: On-going
Author’s note: Okay. Eto. Ahm... Ik di pa tapos yung Dedz pero hear me out... hinahanap ko pa writing style ko okay hdjdjdj!!*@*# Naisip ko lang tong plot for shits and giggles so easier to create siya for me.
Anyway na-inspire lang ako ng Tomas brain rot ko to come up with the plot. Matatapos ko din lahat ng on-going fics ko padayon lang. Claiming it! 🤞
1: Umagang nasa langit pa ang araw
Mabagal ang buhay sa probinsya. Mahinang humahaplos ang malamig na hangin sa pisngi kapag ganito pa kaaga. Maingat pa sa balat ang tapik ng araw. Uyyy, tapik lang. Maya-mayang tanghali, sa katirikan niyan, maglalapot ka talaga na parang natutunaw na kandila. Maaga nang nag-umpisa ang trabaho sa bukid.
Pero hindi magsasaka si Tomas.
Ang umpisa ng umaga niya ay umagang nagmamasid mula sa veranda. Nakaupo siya sa pasimano. Hawak niya ang tasa ng kape. Nakatitig lang siya sa malawak nilang bakuran. Mugto ang mata niya. Walang-malay na napalamukos ng kumukunot na noo ang bente-singko anyos na binata. Nang maalalang binata pa rin siya ay lalong kumunot ang noo niyang lalo niyang nilamukos. Malalim ang kinuha niyang hininga. Tanginang ‘yan. Wala na ngang jowa, wala pang masulat, isip niya.
“Nangungulila na nga sa irog. May kakapusan pa man din sa tula.” Pinaglaruan niya ang mga letra sa isip. Iniba-iba ang porma. Binuo, pinatay, inilibing, tapos ay binuhay ulit. ‘Yan ang trip. Wala siyang maisip na magandang opening sa kwentong gusto niyang simulan, pero ni ayaw lumabas sa blankong Word document ng mga istorya. Kahit sa papel, hindi epektibo—kulang sa potency, ayon sa kanya, ‘yung mga letrang nag-aappear sa harap niya.
Ilang umaga na siyang ganito. Ilang gabi. Ilang madaling araw. Sa loob nitong nagdaang linggo. Ang huli niyang koleksyong nabuo, wala pa ring publisher na gustong kumana. ‘Yung koleksyong mas nauna pa doon, maganda ang naging run, lalo na nung nakaka-gig pa siya sa mga Open Mic nights at Spoken Word performances. Pero four years ago na ‘yun. At ngayon, gusto niya nang sumulat ng isang kompletong nobela. Isang ganap na libro.
“Saan ba ako huhugot ng plot?!” ungot ni Tomas.
Inum-om niya ang kape nang isang tunggaan. Nasamid, pero dahil sa pagkabugnot ay ininda niya na lang. Ibabalik na dapat niya sa kusina ang tasa pero may pumukaw sa kanyang atensyon. Sa langit, sa liwanag ng umaga, sa likod ng isang malaki at malusog na puting ulap, may kumislap. Mabilis lang, parang side mirror ng jeep na natamaan ng sinag ng araw. Pero malamang hindi side mirror ‘yun dahil una, wala siya sa highway at pangalawa, hindi naman bumabiyahe pa-himpapawid ang jeep. (#NoToJeepneyPhaseout! -author)
Sinipat niya ang layo. May kutob siyang kapag sinundan niya ang pinagmumulan ng ilaw, makakarating siya sa may bandang ilog. Malapit lang sa dati nilang tinatambayan noon ng mga pinsan niya nung bata pa sila. Sumilip siya sa loob ng bahay at tinanaw ang kusinang walang tao. Mag-isa na siya ngayon. Nilamon siya bigla ng kalakihan ng isang medium family-sized na bahay ngayong mag-isa na lang siya. Masyadong ganap ang mga puwang at espasyo. Na-miss niya bigla ang yumao niyang nanay. Isang linggo na rin pala ang nagdaan...
Pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng lungkot, napukaw muli ng kakatwang liwanag ang atensyon niya. Kumislap na naman ito. At sa mangha niya, napansin niyang parang lumalaki ang kislap. Parang lumalapit.
“Sa ilog nga ‘yun.”
Wala nang pag-aatubili. Tinatawag talaga si Tomas ng sinag. Hindi na niya nga naihatid pa sa lababo ang tasa ng kape. Dali-dali siyang nagtungo at isinara ang gate. Tinahak ang mga bahayan hanggang sa makarating sa mga bukid. Lampas nito, ang highway na patungong bayan. Pero sa kaliwa ng daanan ang pakay niya, direktang palayo sa bayan, kundi papunta sa ilog.
7:23 AM ang nakasaad sa relo sa kaliwang pulsuhan ng kamay ni Tomas na nakasalag sa sikat ng araw na tumatama sa mata niya. Sinipat niya ang asul na langit. Namataan niya ang malusog na ulap. Sapul sa retina si Tomas nang masaktuhan ang muling pagkindat ng dilaw na liwanag.
“Aray! Shet,” kinusot ni Tomas ang kanyang mata. “Curious lang naman ako, eh. May balak pang mambulag 'to.”
Sa isip niya, baka—teka, ano nga bang inaakala niyang pinagmumulan ng ganitong klase ng liwanag? Naisip niyang baka something flying—like drones, o ‘di kaya ay jet na may reflector. Baka kidlat... Pero habang hinahalungkat niya ang utak sa kung ano ang posibleng pagmulan ng liwanag, bigla na lang nahati ang malusog at maputing ulap sa gitna.
Gumagalaw ito kahit na walang hanging nagpapagalaw dito. Sobrang tahimik ng paligid. Sa sobrang tahimik ay para na ngang huminto ang oras. Tumigil ang mundo.
Napaigtad si Tomas. Pakiramdam niya ay parang may humihila sa kanya para lalong lumapit sa mismong kinatitirikan nitong nahating ulap. Pinilit niyang huwag magpadala sa pwersa.
Dahan-dahang iniluwa ng nahating ulap ang nagtatagong liwanag sa gitna nito. Parang...tao?
“Huh?!”
Is it a bird? Is it a plane?? Hindi—tao talaga siya! Kung hindi pa makumbinsi si Tomas sa bruskong porma ng katawan nitong mala-God of War, ang kutis-golden brown nitong balat na akala mo ay perpetually na naka-golden hour, at mahaba at itim nitong buhok na lumalarawan sa pang-Primetime King nitong mukha, ay ewan ko na lang!
“Hindi ko alam kung mai-insecure muna ako o matatakot eh! Bakit naman parang nagpakita yata sa’kin si Adonis?” reklamo ni Tomas sa sarili. Para ibsan ang kaba, bumaling siya sa lalaking mabilis nang papalapit nang papalapit sa kanya. Batak ang mga hita at binti nitong exposed sa suot na gintong bahag habang tumatakbo at gusto yata siyang i-running tackle attack. “Hindi ako si Richard Gomez, sir! Kamukha ko lang. Hindi ako ‘yung umagaw ng title mong Adonis ng ‘Pinas! Tsaka problematic ‘yun. ‘Wag mo nang alalahanin!”
Walang epek! Sa puntong ito, kumbinsido si Tomas na kung hindi siya nagha-hallucinate dahil sa puyat, ay baka mimumulto siya ng nanay niyang hindi niya naabutan sa huling gabi ng lamay nito bago ito ilibing.
“Ma naman! Akala ko ba napatawad mo na ako?” hinaing ni Tomas sa langit. “’Di ba napag-usapan na natin ‘to? Nasa barko pa 'ko nun, tumatawid pa ako ng dagat! Hindi ako naka-biyahe agad kasi may bagyo nga, ‘di ba? Tsaka, ‘di ba nung biglang kumalma ‘yung dagat, tsaka umaliwalas ‘yung langit, ‘di ba sign na ‘yun na napatawad mo na ‘ko? ‘Di ba, Ma? Walang buwan nung gabing ‘yun, tandang-tanda ko. Ma, nag-agree ka talaga sa’kin, pramis! Hindi ako nagsisinungaling!” Saglit na natahimik si Tomas. Bakas ang guilt sa bahagyang napangangang bibig. “Hindi na usually!” mabilis niyang disclaimer.
“Ikaw!”
Halos malulon ni Tomas ang Adam’s apple niya. Bukod sa kaba, dumagundong din kasi ang boses na parang kulog na natutong mag-Tagalog ang pinanggalingan ng salita.
"A-ako??" nauutal na tugon ni Tomas. Magkaharapan na sila ng ginintuang abs. Sa malayo ay mukhang higante ang anyo nito. Pero sa malapitan ay hindi na nagkakalayo ang height nila. Lumiit ba ‘to? O lumaki lang ako?
“Nasaan si Dayang Mariya?”
May gumuhit na lungkot sa likod ng matikas na mukha ng lalaki pagkasabi nito ng pangalan. Maria. Maria? Sino naman ‘yun?
“Sino ho?”
Sa pagkakatanda naman niya ay wala siyang kilalang Maria. Baka short for something? Ewan. ‘Di siya sure.
"Mama ko ho ‘yung kausap ko, sir, hindi kayo. Baka nagkakamali lang po kayo—"
Isang kalunos-lunos at nagmamakaawang sentimetrong pagitan ang nagpatahimik sa bibig ni Tomas—ang pagitan ng hindi pa nawawakwak na leeg niya at ng dulo ng talim ng espada ng lalaki. Tila hinugot lang nito ang sandata sa hangin at nag-appear na lang ito bigla sa kanyang kamay. Maingat na nilunok ni Tomas ang, quite possibly, ay second to the last niyang hininga kung lalo niyang mainis ang kausap niya.
“Wala nga akong kilalang Maria!”
“Mariya,” giit ng lalaki.
“Mariya nga! ‘Yun nga sabi ko!”
“Wala ka namang binatbat. Hindi pa nga nalalapatan ng aking kampilan ang ‘yong leeg, nakaluhod ka na sa lupa,” padurang bitaw ng lalaki. “Anong ginawa mo kay Mariya? Saan mo siya dinala?!”
“Wala akong kilalang Mariya, okey!? Kaya pwede ba ilayo mo na ‘yang espeda mo. Tsaka kung papatayin mo ako ngayon, lalong wala kang mapapala dahil wala ka nang mapagtatanungan kung nasaan ‘yang Mariya mo!" Okay, white lie ‘yon. Dahil pwede namang maghanap ng ibang manoy dyan sa tabi itong si Prinsipe Abs kung, *sign of the cross*, papatayin niya si Tomas. Pero ‘yun na lang ang naisip niyang sabihin para iligtas ang sarili.
“’Di umamin ka rin! Ikaw nga ang kumuha sa kanya!”
Nagsasayaw na sila sa isang bilog ng nag-iiwasang leeg, at iba pang body parts, at dulo ng matalim na kampilan. Sa huling mga salitang binitawan ng kausap niya napahinto si Tomas. “Kumuha?”
Huminto rin sa pag-amba ng kanyang sandata ang lalaki, pero hindi nito inalis ang dulo nito sa mukha ni Tomas. “Nagsumamo ka sa Langit, bago mawala ang pinakamamahal kong si Mariya. Nakatakda kaming mag-isang-dibdib. Pero dahil sa mga tawag mo...” napahinto ang lalaki. Napaismid sa tila mahapding pakiramdam, dala siguro ng pait ng mga salitang namimintana sa mga labi nito. Dahan-dahan niyang pinalaya ang mga salitang iyon. “Iniwan niya ako sa seremonya. Hindi siya dumating.”
“Bro...” Natameme si Tomas. Ngayon, maging siya ay nararamdaman ang sakit sa puso na kasalukuyang pinagdadaanan nitong si Boy Borta. “Ayos ka lang?”
“Ikaw ang dahilan!” muli nitong iniamba ang patalim nang manumbalik ang galit kay Tomas. “Ikaw ang dahilan ng pagbaba ni Mariya dito! Ngayon, nasaan siya?! Ibalik mo sa’kin si Mariya!”
“Paano ko naman ibabalik sa’yo ang wala sa’kin?! Medyo ‘di ka nag-iisip eh,” pabalang na sagot ni Tomas. “Wala tayong mapapala kung puro ganito. At this point, hindi na rin ako natatakot sa kampilan mo na ‘yan. Puro ka naman amba.”
*Shwing!*
Akala ni Tomas, tinnitus lang. ‘Yun pala, hinati na ng matalim na espada ang hangin sa pagitan nito at ng kanyang mukha. May naramdamang parang kagat ng lamok si Tomas sa kanan niyang pisngi. Unti-unti itong humahapdi.
Hinawakan niya ito. Basa. Tinignan niya ang kamay niya. May dugo.
“JOKE LANG EH!”
Napaupo na lang si Tomas nang muli na namang iniangat ni Boy Galit ang hawak nito. “Okay, okay! Ganito na lang.”
May plano si Tomas. Una, kukumbinsihin niya ang lalaki na magtulungan na lang silang hanapin ang runaway bride. Pangalawa—wala nang pangalawa. Dahil ang totoo, sa oras na makawala siya sa dulo ng espada nitong si Boy Kampilan ay ipagbibigay-alam niya agad sa awtoridad na may nagwawalang lalaking humahabol sa kanya. Kalaboso ka agad, Boy Pantene. Kalbo ‘yang long hair mo.
Pero wala sa plano ni Tomas na hindi makikinig ang lalaki. At nakipag-unahan na ang sarili niyang mga paa upang ilayo siya sa kapahamakan.
Takbo, Tomas! Tumakbo ka hangga’t may lupa. Hindi niya na sinubukan pang lumingon. Basta, kumaripas lang siya ng takbo.
Sa likod niya, habang papalayo siya nang papalayo, nakatayo na lang ang lalaki na tumatanaw sa kanya. Maya-maya, bigla itong nawala.
Nawala ang lahat—ang ulap, ang lalaki, ang kampilang nabahiran na ng dugo ni Tomas. Nawala rin ang kislap ng umagang iyon. Tila kumulimlim ang paligid. Mistulang nawala ang araw sa gitna ng kalangitan.
0 notes
joellynnn · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1.22.2023
okay, so josielle im her photography practice era eme
morning, i messaged darren, before going to UP, i messaged him again if he wants to have dinner.
NO REPLY. ugh, pero oks
tas nakita namin siya sa A2, may kasamang girl 🥲 pero oki, gets naman. i am fine with unrequited love pero if may iba na girl na involve, syempre bounce ako hahaha pero di pa naman confirmed so tuloy eme. i asked kiel din, and wala naman daw
dw, chill lang ako kanina, di naman halatang dedz na dedz ako coz sabi ko lang, “hi, gusto mo kumain”
hindi raw, edi sabi ko nalang, “okay ingat” HAHAHAHAHAHAH
hay, the things i do for love
0 notes
lottie-blr · 1 year
Text
Haynako. Bad vibe talaga yung feeling sa office. Kapag hindi ka sipsip kawawa ka, hindi ka valuable, hindi ka worth it, hangin ka lang ganon.
Syempre, anong gagawin ko? Ipagtatanggol ang sarili ko diba?
Nung nakaraan, offended lang ako. May gc kami ng prospect nominees for awarding. I-thumbs up or what kapag tapos na. Thinumbs up ko na nga halos lahat kasi isahan ako kung gumawa ng title. Para sabay-sabay din sa pagsend.
Tapos yung boss ko, niloko ako. Syempre, gagawin mong joke yung isang bagay para hindi ma-offend diba. Pero ang output eh maooffend ka pa din. Sabi niya, “uy natapos mo na, sinendan mo na ba yon or pinag tthumbs up mo lang?” REALLY? Super offensive. Like ijojoke mo yung work loads???? Tumawa lang ako nito pero offended ako :( saka ayaw mo ba ng masipag at mabilis gumawa na empleyado????
Okay. Dito sa boss namin, tanggap ko na kung hindi niya ako na aappreciate a graphic artist. Tumutulong na ako sa gawa ng coor tapos hindi pa din ako na aappreciate? Really? San na tayo lulugar ha?
Kahit saan mo ako ilagay na position, kaya kong gawin yung work. Pero kung hindi ka naaappreciate ng boss mo? Wala na. Hahahahaha 😭
Tapos ito pa, kung hindi ka sipsip sa boss, pwede kang baliktarin anytime kahit na tapos mo na yung work etc. basta hindi naaayon sa standard nila, sasabihin nila “wala” or what yung hindi makapag hintay.
Basta kung hindi ka sipsip, dedz ka na
0 notes
moonwonuu · 1 year
Note
BFF MO TAPOS PINSAN NIYA UNG ISA. double dedz hahaah kaya Yan mhie! I beleaf in youu 😂✊🏼
baka na i-tulak ko na yang si jeonghan sa kadaldalan mhie 😭😩 i-expose ba naman 😂😂😂😂😂😂😂
1 note · View note
unbiasedph · 2 years
Text
‘Tibay talaga ni Enrile!’ Juan Ponce Enrile, trending sa Twitter
Tumblr media
“Tibay talaga ni Enrile!” sey ng netizen Trending topic ngayon sa Twitter ang Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile ilang minuto matapos maiulat na pumanaw na si dating Pangulong Fidel V. Ramos. Pumanaw si dating Pangulong Ramos ngayong Linggo, Hulyo 31, sa edad na 94. Habang isinusulat ito, wala pang detalye kung ano ang ikinamatay ng dating pangulo. Samantala, pinag-uusapan ng mga netizen sa Twitter ang 98-anyos na si Enrile. “Tibay talaga ni Enrile.” ADVERTISEMENT “Enrile nalang talaga ang matibay” “Nagtetrending si Enrile tapos Rest in Peace lol before ko inopen yung trending tag nag rerecollect nako about enrile‘s life tapos si Ramos pala yung natsugi kaloka talaga kayo” “The immortal Juan Ponce Enrile (98yo) outlived another Philippine President. Grabe mas matanda pa sya kesa kay Fidel Ramos (94yo) pero nauna pang na tigok si FVR.” “Ang tatag ni Enrile“ “gago kayo akala ko si enrile nmatay kase siya yung trending next sa rip SJSJSJSJJS anw rest in peace FVR” “RIP FVR. Enrile when?” “Gago talaga pinoy. Trending nanaman si Enrile“ “namatay na siya buhay pa rin si Enrile“ “Sa bawat may pumapanaw na involve sa politika di maiiwasan maisip si Enrile…. hahaha” “Hoy gago dedz na si fvr pero si enrile buhay padin” “tangina akala ko si enrile na yung namatay kasi trending tas si fvr pala” “Bilib talaga ako sa will to live ni Enrile.” “si enrile talaga last man standing. lakad matatag si lolo lmao.” “Juan Ponce Enrile and Imelda Marcos outlived the other key players of Edsa People Power: Cory, Marcos Sr., Fabian Ver, Jaime Cardinal Sin, Salvador Laurel, and now FVR.” “Ano kya vitamins ni Juan Ponce Enrile?” “Naguluhan ako sa trending sorry i thought Enrile died na si FVR pala” Kamakailan, itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. si Enrile bilang kaniyang chief legal counsel. Nagsilbi ang bagong chief legal counsel sa gobyerno sa loob ng mahigit 50 taon. Naging acting finance secretary siya mula 1966 hanggang 1968, justice secretary mula 1968 hanggang 1970, at minister ng national defense mula 1972 hanggang 1986. Umupo rin siya sa Senado sa loob ng apat na termino at naging ika-21 Senate President ng 15th Congress noong 2008 hanggang 2013. Nagsilbi rin siya bilang kongresista ng unang distrito sa Cagayan. At noong 2019, tumakbo siya bilang senador ngunit siya ay natalo. Read Full News @ Manila Bulletin Read the full article
0 notes