Tumgik
sunnahall · 2 years
Text
“SILENTLY”
Hello Tumblr, you might be asleep now pero pwede ba kita maabala saglit? Hindi kasi ako makatulog and wala ako malabasan netong nararamdaman ko ngayon :(
Ewan ko, ang bigat lang ng pakiramdam ko na naghalo yung lungkot at iyak dito sa sarili ko. Down na down ako ngayon, hindi ko mailabas kahit kanino tong nararamdaman ko
Akala ng iba okay lang ako, akala nila masaya ako sa tuwing nakikita’t nakakausap nila ako na makulit at maingay ako, akala lang nila yun. Pero eto ako, litong-lito sa mga nangyayari and di ko alam kung meron pa ako masasandalan sa mga oras na ito. Wala na kasi yung taong naging tagapag-tanggol ko nung oras na inaapi ako. Yung taong andyan at nasandalan ko nung mga panahong pati ako di ko alam gagawin ko sa nangyayari sa buhay ko, at yung taong minahal ko at yung lalaking pinagkatiwalaan ko ulit sa huling pagkakataon.
Ang sakit lang isipin at maramdaman na andito ako, andyan ka. Pero iba na, yung ikaw, yung ako, at yung TAYO parang wala na </3
Hindi ko alam gagawin ko na para bang gusto ko maayos, gusto ko mabalik yung dating tayo pero sa tingin ko nag-iba kana :( Di kita masisisi, parehas naman tayo nagkamali pero alam kong nasaktan ka din sa mga nangyari satin, kaya sige lang. Pahinga ka lang dyan, ako andito lang.
Lagi lang akong andito, maghihintay hanggang sa mag-heal na yang pain at hatred sa heart mo, ANDITO LANG AKO.
Hindi man ngayon, hindi man bukas, hindi man sa susunod na mga buwan o taon, naniniwala ako maaayos din to. Sa ngayon, hahayaan muna kita sa mga gusto mo gawin. Alam kong hindi na ako part ng buhay mo, hindi na ako isa sa priorities mo, at hindi narin ako ang mahal mo, pero uulitin ko, ANDITO LANG AKO.
Mag-enjoy ka pero laging mag-iingat, maging masaya ka hangga’t gusto mo, at magmahal ka ng taong sa tingin mo deserve mo at deserve ka.
Maraming sa lahat at Pasensya,
!$# 🥺❤️
JUNE 27, 2022
12:52AM
11 notes · View notes
sunnahall · 2 years
Text
“LOVE”
Hello Tumblr, it’s been 20 days since nagbahagi ako ng secret ko sayo. Pasensya ka na ha, masyado lang madaming ganap sa buhay ko ngayon. Merong masaya, pero mas nangingibabaw yung lungkot :( But just so you know everyday kitang binibisita at binubuksan, di nga lang tong secret natin pero yung diary ng iba. Yung sulat ng taong naging dahilan din ng pag sulat ko. Yung taong di ko aakalaing mapapagamit ako neto at yung taong di ko inexpect na darating sa buhay ko at mamahalin ko at sasaktan ako ng ganito :(
Hello Love, kumusta ka? Pasensya ka na dito lang ako may lakas ng loob i-approach ka kahit na alam ko di mo mababasa to. Pasensya kasi nagkamali ako na siguro nagawa ng galit kaya blinocked kita, pero sana maintindihan mo na may mali ka din sa nangyari. Na hindi tama na naghihinala ka sa mga tao na kapamilya mo at lalong-lalo na sa mahal mo. Nangyari na kasi to dati and may napatunayan ka ba? May mabuti bang naidulot? Wala diba? Nag-away lang tao at nagpataasan ng pride. Di ko rin ginusto tong nangyari pero wala akong choice, kaya pasensya kung lumayo ako. NASAKTAN ako ng sobra dahil di ko inexpect na mangyayari ulit to at pag-iisipan mo nanaman ako ng masama. Gusto kita kumustahin kung kumusta kana pero sana okay ka lang dyan. Gusto ko tanungin kung kumusta pakiramdam mo pero sana naaalagaan mo sarili mo. At gusto ko tanungin kung meron nabang iba pero sana siya na talaga. Tandaan mo magagalit at magtatampo ako pero andito lang ako palagi, hindi man tulad dati na laging kasama mo pero nasa gilid gilid lang nagmamasid sayo. Di ko alam mafefeel ko nung nakita ulit kita nung isang araw o kahapon ba yun sa syudad mo. Yung feeling na lahat ng galit at tampo ko nawala nung nakita kita :(
Pey mahal pa kita, MAHAL NA MAHAL :(
Pero natatakot ako na baka maulit nanaman, na baka paghinalaan mo nanaman ako sa wala naman akong alam at kasalanan :( Pero gusto ko din humingi ng pasensya at patawad sa naging actions ko na alam kong nasaktan ka din, nadala lang ako ng galit at tampo. Maybe not now, but someday sana mapatawad mo ako.
Iloveyou and Imissyou, LOVE.
JUNE 26, 2022
2:51PM
0 notes
sunnahall · 2 years
Text
“Happier”
Hello Tumblr 👋🏼
It’s been days since last kita sinulatan. Pasensya na-busy lang. Gusto ko lang ulit magpatago sayo ng secret kung okay lang? Salamat kasi ikaw nalang yung natitira kong sandalan sa ngayon, ikaw nalang nakakaalam ng mga secrets ko. At ikaw nalang nakakaramdam ng mga nararamdaman ko so SALAMAT.
Hello, matagal-tagal narin since huli tayo nagkausap at lalong matagal narin mula nung masaya pa tayo sa piling ng isa’t isa. Gusto ko lang malaman mo na andito lang ako lagi sumusuporta sayo, hindi mo man nakikita at nararamdaman pero ako alam ko at patuloy ko yun gagawin.
Hello, miss na kita SOBRA. Pasensya ka na kung ganito ako, hindi ko rin alam kung bakit ganito na GUSTO ko PERO natatakot na ako. Ewan ko ba, gulong-gulo yung isip ko kaya patawad at sana naiintindihan mo :(
Hello, nakikita kong onti-onti nakakalimot kana at naaaliw. MASAYA ako makita kang MASAYA, mabuti yan. Ang sarili mo at kalusugan mo unahin bago ang iba ha? Wag masyado pa-stress at magpuyat dahil di maganda yan. You’re a good person inside and out kaya DESERVE mo sumaya at mahalin ng sobra!
Good morning there and you have a great day, !$# 🤗❤️
JUNE 6,2022
6:15PM
0 notes
sunnahall · 2 years
Text
“Admiring you from afar”
Hi again Tumblr 👋🏼
Andito nanaman ako, makikisulat ulit ng nararamdaman sa mga oras na to at pakitago narin ng maigi hanggang sa balikan ko isa-isa yung mga secrets ko na nilahad ko dito.
Ilang araw narin ang nagdaan, marami narin nangyari at nagbago pero hindi ang pagtingin ko sayo. Alam mo yung pakiramdam ng SABIK nako makausap ka yung tipong halos magdamag tayo nasa call na kahit sa pagtulog rinig ko hilik mo? SABIK nako marinig boses mo, yung napaka-sexy mong boses lalo na pag seryoso ka sa sinasabi mo. SABIK nako mag-alala ulit sayo, yung pag nahihilo ka at inaatake ng high blood di na ako mapakali at lagi kitang tinatanong at pinagsasabihang magpahinga. At lalong SABIK nako makasama ka, gusto ko na mag december para makabalik ulit dyan sa Pinas para makita ka. PERO andito din ako sa point na TAKOT ako sa lahat. TAKOT na akong magtiwala, TAKOT na ako ma-stress sa mga bagay-bagay, TAKOT na ako umasa, TAKOT na ako magselos at TAKOT na TAKOT na akong masaktan ng paulit-ulit. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo, GUSTONG-GUSTO mo pero may PERO? Naguguluhan ako na di ko alam ang gagawin :(
Yung Tiwala at pagmamahal na binuhos ko, sinimot ko ewan kung asan na :(
Andito nanaman ako sa AKO na gulong-gulo ang isip at di makapagdesisyon ng maayos. Nahihirapan na ako dahil GUSTO ko pero WALA akong magawa kundi magpahinga at mag-isip ng hindi ko rin alam kung ano.
Kung iniisip mo na binabalewala kita, nagkakamali ka. Sa mga oras na gising ako at maabutan kitang naka-stream, nandun ako nanunuod. Sa bawat post mo ng mga quotes mo sa iyong pahina, andun ako nagbabasa. At sa bawat oras na nami-miss mo ako, mas nami-miss kita.
Gusto kong malaman mo na andito lang ako lagi sayo, hindi mo man ramdam pero ako alam ko. Sana maayos ang kalagayan mo at higit sa lahat sana MASAYA ka. Yun naman ang gusto ko sayo na maging masaya ka lagi with or without me.
P L E A S E, take good care of yourself and enjoy life. !$# 🤗❤️
JUNE 1, 2022
2:07PM
3 notes · View notes
sunnahall · 2 years
Text
“Guardian Angel”
Hello Tumblr 👋🏼
This is my first time writing here, wala na-inspired lang ako sa isang tao na nakilala ko na nagsusulat din dito. Actually I’ve heard about this app a long time ago, wala lang parang normal lang sakin na dumaan lang sa tenga ko then boom, nakalimutan and nawala din. I am writing this kasi gusto ko maalala to pagdating ng panahon.
Etong unang sulat ko na ito ay tungkol sa isang lalaki na nagsilbing savior ko nung mga panahong bumabalik nanaman ako sa “dating ako” na nababaliw at bulag sa pag-ibig kaya naloloko at nasasaktan. Mga panahong ginagago at inuuto nanaman ako ng mundo, mga panahong pinagsasamantalahan ang kahinaan ko, mga panahong di ko alam ang gagawin sa takot na kahit ako di ko lubos maisip kung bakit hinayaan kong mangyari yun. Hinayaan kong babuyin nanaman ako ng isang lalaki na putangina hindi ko naman deserve. Yung mga araw nayun hindi ko na alam gagawin ko, na tila para akong mababaliw na aabot nanaman sa susubukan kong saktan ang sarili ko ng paunti-onti hanggang sa mamatay, pero NAKILALA KITA. IKAW na nagsilbing panangga ko nung mga panahong binabato ako ng takot, IKAW na nagsilbing sandalan ko nung mga panahong nanghihina ako, at IKAW na nagsilbing kanlungan ko nung mga panahong pati sarili ko tinatakwil ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng pwede kong takbuhan ay sayo ako umabot. Hindi ko alam na magtitiwala ako sa hindi ko pa lubos na kakilala, hindi ko alam na lahat ikukwento ko sayo ng walang halong pag-aalinlangan, at hindi ko alam na aabot pa sa puntong mamahalin din kita ng lubusan. MAHAL KITA, OO! Hindi dahil sa niligtas mo ako sa kapahamakan kundi dahil MAHAL KITA AT SERYOSO AKO SAYO. Oo mahirap paniwalaan, you might say na dahil ikaw yung nandyan nung mga panahong kailangan ko ng kasama at karamay pero totoo yung nararamdaman ko. Hindi ako nagbibiro, MAHAL KITA! Minahal kita kasi naiintindihan mo ako, minahal kita kasi tanggap mo yung kahinaan ko, minahal kita kasi gusto mo ako magbago para sa ikabubuti ko, at minahal kita kasi panatag ako pag nandyan ka sa tabi ko. Oo, magkalayo tayo pero ginagawa ko naman lahat para iparamdam sayo na hindi handlang yung distansya nating dalawa. Binibigay ko din yung oras na meron ako para maramdaman mo na andito lang ako lagi para sayo. Alam ko na maldita ako at mataas pride ko, alam ko na baliw baliw ako, alam kong pikunin at mainitin ang ulo ko at alam kong nagseselos at nagtatampo ako minsan. Hindi ako perpekto pero handa naman ako magbago para sayo, kasi MAHAL KITA! Kaso di mo ako binigyan ng enough time para gawin yun, I AM TRYING THOUGH! Gusto ko din gawin yun para sayo, kaso alam kong hindi magiging madali yun pero I AM TRYING kung alam mo lang. Sana ma-realize mo din mga simpleng bagay na ginagawa ko para sayo, alam mo kung gaano kababa tingin ko sa sarili ko, na tingin ko wala akong patutungahan sa pag-ibig at napaka-walang kwenta kong tao. Ikaw yung meron ako pero bakit onting tiwalang makakaya ko magbago hindi mo nahintay :( na pag mga times na down ako, gusto mo down ka din. Na pag nagkakamali ako, gusto mo dagdagan pa ng pagkakamali. Nasasabi mo na para “matuto” ako kaya mo ginawa/ginagawa pero mali yun. Kung sa tingin mo na mali ako, hihingi ulit ako ng patawad at pasensya sayo. Alam kong di mo pa ako mapapatawad completely ngayon, but I hope someday you will. Keep in mind na minahal kita hindi dahil sa ikaw yung nandyan kundi dahil IKAW yung pinili ko.
May 30, 2022
9:20PM
2 notes · View notes