Tumgik
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Pag-alis
Ang bawat bayani'y may kwento ng paglisan
Kwento ng pag-alis, kwento ng pag-iwan.
Hindi ginusto, ngunit kinailangan,
Upang pangarap at misyon ay makamtan.
Sa kanyang pag-alis bitbit ay sandata
Mga ala-ala at pagmamahal ng ina
Gaya ng kay Abyang Alunsina
Paggabay na nakita sa kanyang mga mata.
Sa kanilang paglisan dala'y sandata
Mga ala-ala at pagmamahal ng pamilya
Misyon na laan sa inang bayan
Paglilingkuran ng buong katapatan.
Si Labaw Donggon na ubod ng galing
Mga sundalong matapang at magiting.
1 note · View note
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Ang galang si Labaw The Explorer ay nakatuklas din ng tila ba isang labanan, kompetisyon sa larangan ng isports; kung saan isang pagdiriwang ang nagaganap ng itanghal na ang nanalo sa paligsaghan. Naghihiyawan ang mga tao: "broski ko yan", "kadugo ko yan", "Woooh!". Damang-dama ni Labaw ang sayang nararamdaman, hindi lamang ng naging kampeong atleta, bagkus ng mga taong nandoon at sumusporta sa kanya. Bayani kung maituturing si Kuyang Kampeon, ibang ispirito ng kasiyahan at inspirasyon ang naibigay niya sa mga tao roon. Para bang sila na rin ang nanalo sa patimpalak na iyon. Napaka-espesyal, hindi niya maipaliwanag ang kanyang natunghayan na kagalakan, may sumagi nanaman sa kanyang isipan. Kanyang naalala ang naging pagdiriwang noong dumating ang oras na nakamit na niya ang tagumpay nang napasakanya na si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata, magkatulad na magkatulad sa kanyang nakikita ang galak na kanyang naramdaman. Ang mga ganitong pagdiriwang sa tagumpay ng ating mga atleta ay patunay na buhay ang sensibilidad sa ating bayan ng pagiging isang pamilya at isang komunidad nagsasama-sama at nagkakaisa. Ang tagumpay ng isa ay tagumpay at lubos na kagalakan din ng nakararami.
#BroDudePareChongImProudOfYou #MabuhayAngMgaAtletangPilipino #TaasNooPilipino #IsangTagumpayNaPinagdiriwangNgBuongBayan #LDIsProud #LabawTheExplorer #NoonAtNgayonIisaAngKwento #LabawDonggon #PinoyFanArt
1 note · View note
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
"Mahabang Labanan"
Pagkalipas ng maraming taon
At pagdaan ng maraming henerasyon,
Ang labanang ito’y walang humpay
Gagawin ang lahat upang magtagumpay.
Nagmukhang walang katapusan,
Bagaman sa huli, natalo si Saragnayan
Gaya lang ng pagkatalo ng Tsina
Sa pinag-aagawang mga isla
Buyung Baranugun at bansang Pilipinas
Mga bayani at mga tagapagligtas.
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
abyang_ginbitinan: Hindi naging madali ang napagdaanan namin bilang isang pamilya na umaasang makauwi ang minamahal naming tatay na OFW. Ngayon, masasabi mong malaya ka na. Excited na kami makita ka muli!! 😭💗
  doronoon.anggoy: @abyang_ginbitinan Salamat kay Bathala! 😍 Mag-ingat kayo nila Asu Mangga at Barunugun sa byahe...'wag kalimutan magdasal....
  bynghumadapnon: Kuya!! Makakaabot ka pala sa kasal ko hehehe 😁
  byngdumalapdap02: @bynghumadapnon Oo nga! Buti malaya ka na, makakadalo ka na rin sa kasal namin ni Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon 🙂 
  labaw_donggon: @bynghumadapnon02 @byngdumalapdap02 Aba parehas kayong ikakasal?? Hindi ako magpapahuli dapat ako rin! @NYSD Will you marry me? 😊💕
Fanart by Dino Rivera
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Sa wakas
Sa wakas ay natanggap din
Ang tinanim ko'y pwede nang anihin
Sa wakas ay maganda na ang trabaho
Ngayo'y permanenteng empleyado
Sa wakas ay mapupuno na
Alkansya kong si Tigmaula
Sa wakas ay may id na
Ramdam kong regular na
Natanggal man sa trabaho
Sa wakas may pagbabago
Pagkatanggal aa trabaho'y ikinamatay ko
Sa wakas ay buhay na ako
Ako si Lando Dimaguiba
Misyon ko'y tapos na
Sa wakas ay tagumpay na --  GIF by Cheska Galang
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Lumaban, naghirap at nagtiyaga
Ngunit walang nilaga
Isang malaking pagkasawi
Isang malaking pagkakatalo
Aanhin ang uniporme
Kung walang salaping maidadako 
Tatlo kong trabaho'y mawawala rin
Anim na buwang pangako'y tapos ko nang tuparin
Tila nawalan ng asawa
Ako'y tila wala nang halaga
'Di na mabuhat ang bigat
Ako'y nakahanap ng katapat
Tila nakulong sa lambat
Dalamhati at pighati 
Aking dinadamdam
Papaano, papaano
Papaano ako makatatayo muli
Di ko sukat akalaing
Trabaho ang papaslang sa akin
Matapos silang pagsilbihan
Ako'y di man lang sinuklian
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Sa patuloy na paglalakbay ni Labaw, nakatuklas naman siya ng isang siyudad na natatangi ang kagandahan at ibang klase ang kaunlaran na tinatamasa. Labis na nabighani ang bayani sa kanyang nakikita sa kapaligiran. Napatigil sa paglalakad si LD ng kanyang marinig na may kaganapan sa gitna ng lungsod, malakas na boses mula sa isang babae ang umaalingawngaw mula rito, isa palang politiko ang nagsasalita sa harap ng publiko. May kakaibang "feels" ang ating bayani sapagkat kanyang napansin na, nakikinig talaga ang mga tao, tutok na tutok sa babaeng nasa podium; kanyang napagtanto na mayroong kakaiba sa babaeng ito. Napaisip siya na marahil ay may pamlang din ang politikong ito. Iba kasi ang hatak niya sa mga tao, para bang mahal na mahal nila ito, ibang pag-asa ang dinulot nito, bayani kung kanilang ituring. Napaisip si LD, anong hiwaga kaya ang mayroon sa kanya? Siguro nananalaytay sa kanyang dugo ang integridad, malasakit, at serbisyo tulad nang nakaburda sa kanyang kasuotan. Tunay na namangha ang bayaning epiko sa kanyang natunghayan sa gitna ng lungsod. Mahiwagang bagay lang ba ang pinahihiwatig ng sining na ito? O marahil tinutukoy nito na hiwaga na lamang din sa ating lipunan na magkaroon ng ganitong klaseng lider? #PamlangNgBagongPanahon
#YourGurlLivesUpWhatSheDress #SanaLahat #TunayNaServantLeaderAngKailanganNgAtingPanahon #BagayLangAngSiyangDapatNaMahiwaga #KapitLangBesMayPagAsangDarating #LDofThePresentPlease #LabawTheExplorer #LDFeels #NoonAtNgayonIisaAngKwento #LabawDonggon #PinoyFanArt
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
WOOOOOOOH GRADUATE NA AKO! AT WALA AKONG HIYANG ISIGAW SA BUONG MUNDO ITO!
Pagkatapos ng apat na taon ng dugo at pawis, buong puso ko nang isisigaw na ako ay isang graduate sa Unibersidad ng Lungsod ng Halawod.
Umpisa pa lamang, alam ko na kung anong gusto ko. Isa lang ang ninais ko sa buong buhay ko sa kokehiyo, at ‘yon ay makapagktapos nang may nakasabit sa aking leeg. Pero grabe, ‘di ko inakala na tatlong medal ang makukuha ko, at yung huli pa ang pinakamahirap na kunin sa lahat.
Maraming nagsasabi na ang pagtatapos ay parang katapusan ng isang epiko. Baka siguro mukha lang akong gwapong bida sa isang istorya, pero napagtanto ko na, oo nga, dito sa ating graduation nagtatapos ang isang epiko- ang epiko ng ating buhay sa kolehiyo. Lahat tayo, nagkaroon na siguro ng sariling pag-alis, paglaban, pagkamatay, pagkabuhay, pag-uwi at pagdiriwang- mga bagay na makikita rin sa isang epiko. Alam ko na iba’t iba ang ating mga pinagdaanan. Siguro ako lang ang nakaranas ng pagkabuhay habang yung iba ay naghihirap pa rin hanggang ngayon. Baka ako lang ang nakauwi sa aking pamilya at may iba pang hindi pa puwedeng umuwi o wala pang mauuwian. Hindi lahat parepareho. Ngunit sa graduation nating ito, dito tayo lahat nagkakaparehas dahil dito natin kaya manlang sabihin na tayo ay nagdidiriwang at tayo na ay sa huling parte ng epiko ng ating buhay sa kolehiyo.
Kahit gaano pa nag-iiba ang pag-alis, laban, o pagkabuhay nating lahat, maisasabi ko na tayo nga ay tulad ng bayani sa isang epiko. Hindi dahil kasing kisig o ganda natin ang mga ginagawang bida ng epiko, pero dahil tayo na rin ang nagsisilbing bayani ng sarili nating kuwento. Tayo ang rason kung bakit nakaabot tayo sa punto natin ngayon. Tayo ang rason kung bakit naka-graduate tayo.
Ito na ang huli ng epiko, pero hindi pa huli ang ating kuwento.
Sa susunod muli mga katoto Labaw Donggon, BS Hanap Asawaconomics, 2018
1. Ginbitinan Exemplary Academics Recepient
2. Doronoon Best in Conduct
3. Malitong Yawa Summa Cum Laude
#Graduate #SalamatSaLahat #HeroAko
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Mahal kong Anak,
Alam kong marami kang inaabala, ngunit kamusta ka naman? Sana nasa mabuti kang kalagayan.
Nag-aalala lamang ako dahil paminsan-minsan lang ang iyong pagtawag. Kahit ganoon, rinig ko ang taghuy ng iyong pag-iyak. Nararamdaman ko na naghihirap ka dahil ina mo ako. Lagi mo dapat tandaan na nandito ako lagi para sa iyo. Diba diwata ang turing mo sa akin nung bata ka pa. Ngayon na wala ako sa tabi mo, ang mga pinsan mo ay nandiyan. Parang duwindi na nangungulit.
Kausapin mo naman kami, anak. Nag-aalala na kami.
Narinig ko kakalabas lang ng mga marka mo sa unang semestre. Kamusta rin yun naman? Sigurado akong mataas kang nakukuha. Lagi ka kasing nag-aaral tuwing nasa bahay ka. Nakakandado ka sa sarili mong kwarto habang hindi pumapanaw yung sinag ng araw na makikita sa baba ng pinto mo. Mataas man o mababa, proud na proud kami sa iyong mga natupad at pagsusumikap.
Higit sa lahat, alalahanin na nandito kami lagi para sa iyo, at huwag kang mahiyang kausapin kami kapag may problema ka at pagdadasalin ka namin palagi.
Miss you ‘nak!! Love you!
Ang iyong minamahal na ina Alunsina
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Makasalanan o inosente? Ito ang katanungan
Sa aking kalagayan, ang magawa lamang ay lumaban
Maliit ang liwanag na aking nasusulyapan dito sa kadiliman
Mga anak, aking huling pag-asa, huwag niyo akong kalimutan
Umabot ng pitong taon ang aking paglilitis
Ilang buwan ng galit, pagsawa, at pagtiis
Nasa isip na lang ang pagsasayang labis
Umuwi sa pamilya ay isa na lamang na pagnanais
Fanart by Dino Rivera
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Abyang Charo,
Kay hirap talaga ng buhay kapag wala sa piling ng pamilya. Wala nga ako sa panganganak ng aking mga minamahal na sina Ginbitinan at Doronoon. Hayyyy, kumusta na kaya sila? Sa hirap ng trabaho at buhay, halos wala na akong oras para sa sarili na pati ang pagpapagupit ay hindi ko magawa. Minsan, ako’y nakatutulog na lamang sa kulungan ng baboy. Sa kabila ng kahirapang ito, ang pamilya ko ang dahilan kung bakit sa dami-rami ng aking pinagdaanan sa mundo sa ilalim ay tuloy pa rin ang aking pagpupursigi. Kahit gipit na gipit ang buhay na naninirahan na lamang ako sa lugar na kasinliit ng ilalim ng lutuan, sa bawat pukpok ng pako at sa bawat pagputol ng kahoy, sila'y nasa puso at isipan. Lahat ng paghihirap ko ay isinasangalangalang ko sa aking pamilya.
Salamat sa pakikinig, Abyang Charo.
Nagmamahal,
DingDong Wabal, Dubai
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Baranugun: Tay, ang astig naman ng mga ref magnet na pasalubong mo sa amin! WOOOOW, makarating ka po sa Dingli? Paano po kayo nakakita, Tay? Di ba ang dilim po roon?
Asu Mangga: Oo nga, tama si Baranugun! Kahangahanga po talaga kayo, Tay! Nakakuha ka pa po ng souvenir sa may Tigmaula? Paano po ba iyon?
Labaw Donggon: Paglaki niyo, mga anak, mas marami, mas malayo at mas magaganda ang mga mapupuntahan ninyo. Pero sa ngayon, kukuwentuhan at tuturuan ko muna kayo...
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
THIS, JUST IN! 
May natagpuan na ebidensya na tumutukoy sa isang petmalung labanan na naganap noong taong 1241!  
Makikita sa mga tweet na ito ang malayang pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng #Hokage na si Labaw Donggon! #LandiLife pa nga raw e! Saksi pa sa serye ng tweets na sa sobrang intense ng labanan, sumali pa ang sumunod na henerasyon na sina Baranugun at Asu Mangga. #LakasngHatak mo, Labaw! #KabataanBayanihan  
Isang Internet troll pa ang nakisali! EJK pinaglalaban, asawa naman ang pinaguusapan! #HaHatdog #SigeAway #MamaMoAlunsina #ThankU,Next 
Sino kaya sa tingin niyo ang dapat maging #WinnerWinnerPorkDinner? #TeamSaragnayan ba kayo o #TeamDonggon?
Hanggang sa muli! #ThrowbackTigmaula out! 
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Video
Narrator: Muling nagbabalik si Labaw Donggon upang labanan ang Terror Prof. Sa tulong ng kanyang mga asawa ay nanumbalik ang kanyang lakas at kalusugan. Labaw: Narito ulit ako! Ngayon ay mas handa at mas malakas na ako! Terror Prof: Tignan lang natin! Kung natalo kita dati ay siguradong matatalo ulit kita! Narrator: Magsimula na ang labanan!
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Video
Narrator: Sa kabila ng lahat ng hirap na dinanas ni Labaw Donggon, sa huli ay nagtagumpay pa rin siya. Tayo na't dinggin ang kanyang sigaw! Labaw: Labaw! Labaw! Yaaaaah!
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
Ang paglaban para sa hustisya at kalayaan sa bayan o ang paghanap ng asawa para sa sariling kahilingan? Dalawang tao mula sa ibang panahon ngunit pareho silang maituturing bayani. Sa kasalukuyan, ang mga modernong bayani ay ang mga tao nakikita natin araw-araw. Hindi kailangan ng natatanging misyon upang maging bayani. Ang karaniwang tao ay maaaring isang bayani dahil sa kanilang mga ambisyon para sa higit na nakakabuti.
0 notes
pinoyepikofanart · 5 years
Photo
Tumblr media
ABANGAN ang laban ni Labaw Donggon at Rodrigo Duterte. Sino kaya ang mananalo, si Labaw at ang kanyang mahiwagang pamlang kasama ang kanyang tropang kontemporaryong Pilipino, o si Duterte at ang kanyang baril, kasama ang kapulisan, si Mocha, at ang DDS?
0 notes