Tumgik
millenialsadvice · 7 years
Text
To Buy or Not to Buy
Starbucks promo. Buy 1 take 1 PIZZA. New movie at the CINEMA. Travel goals. New OOTD pang instagram. At CRAVINGSSSS! Would I buy or not? Tingin sa wallet, may budget pa ba? “abot pa” Tiis tiis lang hanggang sweldo de peligro.
Paano nga ba hindi ma-fall sa expense temptation?
 1.)    Timbangin kung kailangan
“Need versus want” ika nga.
Una sa lahat, question yourself, ito ba ay pangangailangan or dala lang ng emosyon? Sa pag dedesisyon natin sa buhay, lalo na pagdating sa finances, hindi dapat emosyon ang pinapairal. Maging wais sa pag gamit sa pera, ang tao dapat ang kumokontrol sa kanyang finances at hindi ang kabaligtaran. Kung ang budget mo ay kapos, at ito ay mabibili naman sa ibang mga araw, learn to say “no” or “not today” pagdating sa mga entertaining expenses. Mas pagtuunan ng pansin ang mga MAS mahalagang bagay o priority expenses.
 2.)    Sahod minus savings = expense
Hindi na ito bago sa pandinig. The best way to maximize the potential of your earnings, is to prioritize your savings and live within your means. Meaning to say, pagkakuha ng sahod, hindi ito panahon para mag party party at mag rush sa department store or online shop para gumastos kahit pa sabihin nito na “Great Discount”, “Super Sale”, “Mega SAVINGS.” Kasi una sa lahat hindi ka nag save, kundi gumastos ka. Kung ang original price ng isang item ay 999 at mabibili mo ito sa halagang 499, hindi ka naka-save ng 500 pesos kundi gumastos ka ng 499 pesos. So the next time na mag decide ka to buy something, ask yourself if this is within your means. If hindi kaya, huwag mag risk.
 3.)    Timing
There is a time for everything. A time to buy and a time not to buy.
Make a financial calendar to track your daily, weekly, monthly expenses. It will help you to track when is the best time to spend your extra money for that want. Cheat day kumbaga.
 4.)    Beneficial
Everytime you are spending into something always challenge yourself by asking, “Is this beneficial?” Beneficial in a sense na mag bebenefit ka in the long run. Example, investment. Invest in learning books or seminars/workshops that will edify you as a young professional or dun sa area kung saan ka gifted. Spend on those things that will help you to learn mature decisions in life.
 5.)    Discipline
At yun nga, kahit matapos mo basahin ito at malaman kung anong dapat gawin, it will all boils down sa, “gagawin mo ba talaga?” Your discipline on how to manage your finances depends on you. Because you are the lead role in your life. You decide when you will be disciplined to be on top of your finances.
  And so today, I leave to you the decision. Whether you would buy or not to buy.
0 notes
millenialsadvice · 7 years
Text
To love or not to love?
“Mahal mo o Mahal ka?”
Mahal mo trabaho mo o mahal ka nito?
Gaano katagal nag i-stay ang isang empleyado sa kanyang trabaho? Paano nga ba nasasabi na mahal nila ang kanilang trabaho? At bakit may umaalis? Palipat lipat? O paanong ang iba, kahit ayaw nila sa work nila ay natutunan pa rin na mahalin ito? Isa ka ba sa mga nag iisip isip sa araw araw na pag pasok mo, gusto mo na mag resign? Ano-ano ang mga signs na hindi mo mahal ang trabaho mo? At paano mo mamahalin ito?
  1.) Palagi kang late
  Kamumulat pa lang ng mata mo, ayaw mo na bumangon. Feeling mo may sakit ka, kaya halos parang hinihila mo ang sarili mo makabangon ka lang. Hindi ka naman nag OT(overtime) kagabe pero pakiramdam mo, puyat na puyat ka! Hindi ka papasok ng maaga kasi, halos hindi nauubos ang workload mo.
  Ano ang dapat gawin?
Bago ka matulog, o bago matapos ang araw, ihanda ang iyong mga gamit para sa kinabukasan na pagpasok sa opisina. Maglagay ng note sa sarili na, ‘hindi ka tatamarin ngayon araw kasi ikaw ang pinaka-magaling na empleyado. 3-months from now, promoted kana’ Sometimes, what we need is a little motivation from ourselves. Kasi hindi mo yan mahihintay sa ibang tao. Ikaw ang gumagawa ng path mo to success, so a little effort to motivate yourself is a BIG help.
  2.) Kapapasok mo pa lang gusto mo na umuwi
  Mabagal ang takbo ng oras para sa iyo. Feeling mo marami ka ng nagawa pero bakit parang nagpapahinga ang orasan? Wala ka na ibang magawa kundi antayin na mag bell ang ring *ding *ding *ding “oops uwian na”
  Ano ang dapat gawin?
Make a to-do list, this will help you to track your productivity during the day. Set your goal ano ang gusto mong ma-accomplish, and reward yourself if you hit or make it above the set goal. This will help you feel more excited about your Job. And you will never even realize na uwian na! Plus, your performance will become evident, and maybe an inspiration to your coworkers. Malay mo ma-promote ka pa (yun ay kung gusto mo).
3.) Excited ka na mag break
  Hindi naman sa patay gutom ka pero pagod na pagod na ang utak mo sa pag tatrabaho. Mas ganado ka makipag kwentuhan kesa harapin ang monitor mo at magtrabaho.
  Ano ang dapat gawin?
Tignan mo checklist of the day mo kung meron ng check, mas magiging motivated kang mag work kasi nakikita mo na may silbi ka sa kumpanya at malaki ang nakokontribute mo para dito. Pero syempre mag break ka pa din pag time to break na, baka ma-addict ka naman mag work.
  4.) Mabagal ang productivity
  Kasi nga tinatamad ka na. Ayaw mo na gawin kahit may energy ka pa.
  Anong dapat gawin?
Orasan mo sarili mo at i-note sa checklist mo kung gaano mo katagal na-accomplish yung task. Make sure lang na tama. Kesa naman mabilis ka nga pero mali mali naman? Sayang effort. Compare your stats daily and see your improvement and how much you’ve grown.
  5.) Wala kang pakialam sa kumpanya
  Iniisip mo lang sarili mong net value. Na gagawin mo lang ang work depende sa laki at liit ng pasahod sayo ng kumpanya. Una sa lahat ikaw ang pumili ng kumpanya na yan, at dyan ka nag apply meaning gusto mo dyan mag trabaho (unless wala kang ibang choice?)
  Ano ang dapat gawin?
Bilangin mo ilan ang empleyado ng kumpanya. Intindihin mo na sayo nakasalalay ang kabuhayan ng ibang empleyado, kasi konting pagkakamali mo lang ay maaring malaking impact sa kumpanya. At kapag nalugi ang kumpanya, may mga mawawalan ng trabaho, na tanging dito lang kumukuha ng araw araw na pagkakakitaan. Kung wala kang pakialam sa kumpanya, wala ka ring pakialam sa buhay ng kapwa mo. Kaya kahit konting malasakit, i-consider mo. Isipin mo na hindi ka lang nakakatulong sa kumpanya kundi sa buong empleyado ng kumpanya, (because it is a group effort).Yung increase nyo, bonus nyo, 13th month pay nyo ay dahil sa group effort ng lahat.
  Kaya next time na magrereklamo ka tungkol sa trabaho mo? Isipin mo na marami pa ang hindi matanggap tanggap sa trabaho. Yung slot na meron ka, ipagpasalamat mo because not everyone has the chance to be hired. And when you have realized how important your role to the company, you will begin to do an extra mile to be a performer. Gone are the days that you are just conforming to your daily routine, ikot ikot lang, kaya ka nagsasawa, kaya ka tinatamad. Refresh your status, and change your perspective about your Job. Find the angle where you can be motivated, inspired and excited. Then you will just begin to love it and outstand in your career!
0 notes