Tumgik
mangoopudding · 3 years
Text
Lilipad man ngayong umaga'y
Dadapo din.
Ngiting nakakapagod ay pano hahawiin.
Pagkat pangangamustay pamamaalam din.
At sa aking pagyapak
ay muling titiklop
Sa dilim ng aking pakpak.
0 notes
mangoopudding · 3 years
Text
Sadness creeps like darkness.
Yet you smile as if your enlightened.
Keep going.
You're almost at the the end of the tunnel.
0 notes
mangoopudding · 3 years
Text
Sa aking pangangapa'y may makakapitan din.
Na syang magtatanggal ng talukbong.
Dahan dahang hahakbang.
At sa muling pagtayo'y maglalakbay.
Tatawirin bawat sulok ng daigdig.
At sa daa'y matatanaw.
Ang di mapupunding liwanag.
0 notes
mangoopudding · 3 years
Text
Nagtitimping pagiisip at damdamin.
Muli bang lilingon o tuluyang lalayo.
Lumbay sa aking pagngiti, ngayo'y nangungubli
San ibabaling ang umaaapaw kong pagibig.
Matatagpuan bang muli.
Ang ngiti sa aking mga labi.
0 notes
mangoopudding · 3 years
Text
Panaginip
Sa aking paggising, sana’y muling mahanap ang sarili.
Nakasanayan ko na ang magisa.
Ngunit sayong paglisan, ay nadala mo ang katahimikan.
Walang imik sa paligid ngunit ako’y nabibingi.
Nakaupo ang lahat ngunit animo’y may kaguluhan sa malapit.
Nais kong matulog, ngunit sa aking pagpikit,
ang nawalang pagibig ang panaginip
1 note · View note