Tumgik
Text
PAKIKIBAKA SA PAGBABAGO NGLIPUNAN
People Power, iba’t-ibang kilusang protesta, paglaban para sa karapatang ng mga naapi.. Naitatanong ko sa sarili nuon, “ano kaya ang napapala nila? Binayaran kaya sila upang magprotesta?” Marahil nuon ay hindi ko lubos na nauunawaan ang mga ito, tila ba isa lamang silang maiingay na dekorasyon sa kalsada kungminsan pa nga’y nairita ako sa kanila sinisisi sa pagpapalala ng trapik sa bansa, tinatawag na sagabal dahi lamang sa pagsasayang ng kanilang mga oras. Noong una hindi ko lubos na maunawaan kung bakit ganoon na lamang sila gumgugol ng oras at pagod, walang kasiguraduhan kung sila nga ba’y pinapakinggan ng mga nasa itaas o di kaya’y nagbibingi-bingihan na lamang ang lahat at nagkukunwari. Hindi lahat ay may paki-alam,hindi ko maunawaan ang lohika ng mga rallyista at protestante na nagbibigay ng sobrang pagod at oras para bumuo ng effigy, magbilad sa ilalim ng sikat ng araw, mag-martsa na kung hindi nakahubo ay nakapaa, makipagsiksikan sa dami ng tao, makipagbuno ng lakas, makigiit laban sa mga awtoridad at opisyal, at magsusumigaw alang-alang sa bagay na ipinaglalaban. Inakala ko na pagsasayang lang ng oras, pagod at lakas ang ipagsigawan ang paniniwala mo kahit hindi naman lahat, handang makinig. At hindi lahat, itutoon ang atensyon nila sa’yo, sa inyo. “Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit.” Maraming bagay sa paligid natin ang kapuna-puna. Nakikita natin pero nagbubulag-bulagan. May naririnig pero ayaw pakinggan. Nasasaksihan natin pero hindi natin pinapahalagahan. Ngayon ko talaga napagtanto ang kahalagahan ng Social Movement. Tayong mga mag-aaral, nag-aaral tayo hindi lang basta para matuto kung ‘di para mamulat sa katotohanan. Dapat gamitin natin ‘yung edukasyon para labanan ang mali. Sabi nga ni Antonio Tupan Jr., “Education is crucial to achieve popular understanding and values change in a systematic and broad manner.” Pribilehiyo ang edukasyon sa paraang iminumulat nito tayo sa tama at sa katotohanan. Sa susunod na makakita ako ng mga nagra-rally sa harap ng campus namin, hindi ko na iisiping walang saysay ang oras, pagod at lakas nilang magbilad sa ilalim ng sikat ng araw at magsumigaw sa karapatang kanilang ipinaglalaban para ipamukha ang nakikita nilang mali at subukang itama ito. Napakalaking epekto ang pwedeng idulot ng Social Movement. Ng pakikibaka, ng pakikisali, ng pakikialam. Sabi nga ulit ni Tupan, “Social Movements have a crucial role to play in defining to the public the key issues of conflict and their resolution.” Sa susunod na makakita ng mga nagra-rally sa harap ng campus namin, may pagpapahalaga na kong tingin sa kanila. Kasi naiintindihan ko na sila. Baka ‘di pa ngayon y’ung tamang oras para makisangkot ako pero ang mahalaga, maipamukha ko sa inyo ang kabuluhan ng pagkakaisa para ipaglaban ang nakikita nating mali.
1 note · View note
Text
PAKIKIBAKA SA PAGBABAGO NGLIPUNAN
People Power, iba’t-ibang kilusang protesta, paglaban para sa karapatang ng mga naapi.. Naitatanong ko sa sarili nuon, “ano kaya ang napapala nila? Binayaran kaya sila upang magprotesta?” Marahil nuon ay hindi ko lubos na nauunawaan ang mga ito, tila ba isa lamang silang maiingay na dekorasyon sa kalsada kungminsan pa nga’y nairita ako sa kanila sinisisi sa pagpapalala ng trapik sa bansa, tinatawag na sagabal dahi lamang sa pagsasayang ng kanilang mga oras. Noong una hindi ko lubos na maunawaan kung bakit ganoon na lamang sila gumgugol ng oras at pagod, walang kasiguraduhan kung sila nga ba’y pinapakinggan ng mga nasa itaas o di kaya’y nagbibingi-bingihan na lamang ang lahat at nagkukunwari. Hindi lahat ay may paki-alam,hindi ko maunawaan ang lohika ng mga rallyista at protestante na nagbibigay ng sobrang pagod at oras para bumuo ng effigy, magbilad sa ilalim ng sikat ng araw, mag-martsa na kung hindi nakahubo ay nakapaa, makipagsiksikan sa dami ng tao, makipagbuno ng lakas, makigiit laban sa mga awtoridad at opisyal, at magsusumigaw alang-alang sa bagay na ipinaglalaban. Inakala ko na pagsasayang lang ng oras, pagod at lakas ang ipagsigawan ang paniniwala mo kahit hindi naman lahat, handang makinig. At hindi lahat, itutoon ang atensyon nila sa’yo, sa inyo. “Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit.” Maraming bagay sa paligid natin ang kapuna-puna. Nakikita natin pero nagbubulag-bulagan. May naririnig pero ayaw pakinggan. Nasasaksihan natin pero hindi natin pinapahalagahan. Ngayon ko talaga napagtanto ang kahalagahan ng Social Movement. Tayong mga mag-aaral, nag-aaral tayo hindi lang basta para matuto kung ‘di para mamulat sa katotohanan. Dapat gamitin natin ‘yung edukasyon para labanan ang mali. Sabi nga ni Antonio Tupan Jr., “Education is crucial to achieve popular understanding and values change in a systematic and broad manner.” Pribilehiyo ang edukasyon sa paraang iminumulat nito tayo sa tama at sa katotohanan. Sa susunod na makakita ako ng mga nagra-rally sa harap ng campus namin, hindi ko na iisiping walang saysay ang oras, pagod at lakas nilang magbilad sa ilalim ng sikat ng araw at magsumigaw sa karapatang kanilang ipinaglalaban para ipamukha ang nakikita nilang mali at subukang itama ito. Napakalaking epekto ang pwedeng idulot ng Social Movement. Ng pakikibaka, ng pakikisali, ng pakikialam. Sabi nga ulit ni Tupan, “Social Movements have a crucial role to play in defining to the public the key issues of conflict and their resolution.” Sa susunod na makakita ng mga nagra-rally sa harap ng campus namin, may pagpapahalaga na kong tingin sa kanila. Kasi naiintindihan ko na sila. Baka ‘di pa ngayon y’ung tamang oras para makisangkot ako pero ang mahalaga, maipamukha ko sa inyo ang kabuluhan ng pagkakaisa para ipaglaban ang nakikita nating mali.
1 note · View note
Text
“Ang isang tao’y hindi ipinanganak na babae, bagkus sya’y nagiging babae dahil sa ipinapatong na esensya at  mababang pagpapakahulugan sa kanya ng lipunan”, ang pagkamulat ng napakaraming tao sa maling kamalayan, ang paggamit ng gahum ng mga uri ng mga lalaki ay hindi dinadaan sa santong paspasan kundi sa pamamagitan ng maling kamalayan. Isa sa mga halimbawa nito na minulat tayo sa maling kamalayan ang pagtatanim sa isip ng kababaihan na  ‘dapat ang mga kababaihan ay nasa loob lamang ng bahay’, ‘dapat ang kababaihan ang gumagawa ng mga gawaing bahay’, dapat ang mga kababaihan ay hindi nagsusuot ng maiiksing damit’, dapat ang kababaihan ay sumusunod lamang sa mga kalalakihan”, sa sistemang ito nawawalan ng karapatan ang mga kababaihan sa kanilang mga sariling kagustuhan at tila nagiging sunud-sunuran na lamang sa kung ano ang idinidikta sa kanya ng lipunan.Ang kababaihan ay nakukulong sa patriyarkal ng pamamaraan at itinuturing na second sex lamang. “Ang tunay na lalake ay hindi dapat naglalaba, nagluluto…” Madalas nating maririnig ang mga katagang “kababae mong tao--”, ‘kababae mong tao laro ka ng laro sa labas” samantala iyong mga kaibigan kong lalaki ay ‘di ko manlang sila narinig na sinasabihan ng mga ganoon nang mga matatanda. Isa pang halimbawa ng maling kamalayan ay ang pag-iisip na kapag ang lalaki ay nagkaroon ng maraming anak sa iba’t ibang babae ay natatawag silang “macho o pogi” o ‘di kaya’y nakakataas itong kanilang ego samantalang ang mga kababaihan kapag nailagay sa parehang sitwasyon ay naiiba ang pagtingin at nagiging negatibo ito dito’y mapapansin natin na ipinapasok ng mga lalaki sa utak at sensibilidad ng mga babae ang maling kamalayan para hindi pumalag ang babae,kug minsan panga’ynagkakaroon ng Women Objectification na kung saan ay ginagawa lamang bagay ang mga kababihan na maaring iregalo sa lalaki. Ang mababang pagpapakahulugan ng lipunan sa mga kababaihan ay nagresulta ng progresibong mga aktibidad na kung saan naglalayon na magkaroon ng pantay na pagtamasa ng karapatan ng mga kababaihan, Second Wave Feminism, na kung saan ito ang naging daan uoang umusbong ang isang mas pilosopikal na porma ng Feminismo na hindi lamang tumatalakay sa ekonomiko at legal na aspeto ng kababaihan dito ay namumulat din ang mga maling kinagisnan natin  at unti- unting naitatama ang mga maling kamalayansa lipunan mula sa mga malilit na detalye hanggang sa malaki na kung saan nagkakaroon ng pag-unlad ang bawat indibidwal.
0 notes
Text
TRANSFORMATIVE EDUCATION
Education is the most powerful weapon which you can use to change the world” Hindi nga naman maitatanggi ito dahil madalas ang mga edukadong tao ang nagiging daan sa pagbabago ng kaisipan sa mundo, ngunit sa kabilang banda madalas kapag tinatanong tayo ng mga tao sa paligid kung bakit tayo pumapasok sa paaralan at nag-aaral ang madalas na isina-sagot ay para makakuha ng magandang trabaho o di kaya’y yumaman, at madalas ding itinatanim sa atin sa murang isipan ng mga magulang ay “mag-aral ka para may maganda kang kinabukasan”. Namumulat tayo sa kaisipan na kaya tayo ay nag-aaral dahil sa pera, para makakuha ng magandang trabaho at magandang kinabaukasan. Kahit ako, sasabihin kong nag-aaral ako para sa mga magulang ko. Para makapagtapos ng kolehiyo, para makahanap ng magandang trabaho, at para makabawi sa mga paghihirap nila. . Kahit sino marahil sa atin, sasabihing nag-aaral tayo para sa sarili natin at sa mga taong mahalaga sa atin. Ngunit sa kabilang banda nag-aaral tayo’t nagtitiyagang makapagtapos ng pag-aaral at kumita ng pera hindi lamang para sa sarili natin o sa pamilya, kung ‘di pati na rin sa lipunan, sa bayan at sa bansa. Ang pagsusumikap na maging propesyonal sa mga larangang nais natin ay hindi lamang para sa kabutihan natin at ng mga minamahal natin ngunit para na rin sa bansa, sa Pilipinas. Subalit ang parehong gampanin din ang marapat sisihin sa paulit-ulit at ‘di mabago-bagong siklo ng pagkonsinte ng edukasyon sa kahirapan at iba pang isyu sa bansa. Nag-ugat ito sa hangaring makag-prodyus ng sapat na lakas paggawa. Sa kagustuhang makalikha ng mga mamamayang kayang makipagsabayan sa ibang bansa alang-alang sa imahe ng pagiging “globally competitive” at makisabay sa ika nga’y industrialisasyon. Bagay na maisisi naman natin sa walang kamatayang tanikala ng kolonyalismo. Ilusyon lamang ang kalayaang ibinigay sa atin ng Amerika noong 1946 dahil kapalit nito ay ang pagkakabihag natin sa kanilang impluwensyang lumalason sa tunay na saysay ng ating pagka-Filipino. Hindi lamang ang kultura at pag-iisip, ngunit maging sa mga patakarang ipinatutupad, sa pamamaraang pinalalakad sa ekonomiya ng bansa, tayo ay nasa ilalim ng kanilang kontrol. Balik sa edukasyon, ang sistemang kasalukuyang pinapalakad ng mga paaralan at pamantasan sa bansa ang isa sa dahilan kung bakit ‘di tayo makalaya sa kolonyalismo. ‘Di na lingid sa atin na ang mga instititusyon sa Pilipinas ay sa pangunguna ng mga kapitalistang politika at anak-mayaman na nais lamang panatilihin ang estado nila sa lipunan. ‘Yan ang isa pang hindi nakikitang epekto ng misedukasyon sa bansa. Sa katunayan, hindi naman pinauunlad ng mga “globally competitive” na nalikhang manggagawa ang kalagayan ng bansa. Sa halip ay pinapanatili lamang nito ang ‘di matibag-tibag na tatsulok sa lipunan. Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay paulit-ulit lamang gumagawa ng mga naaabusong manggagawa habang nakikinabang ang mga elitista. Pinagtitibay lamang nito ang mekanismo ng pang-aapi sa masang naghihirap. Dapat isakatuparan ng edukasyon ang tunay na kalayaan at pagbabago. Hindi dapat ito maging isang sistema lamang para punan ang kagustuhan ng globalisasyon. Hindi lamang dapat maging mahalaga ang edukasyon sa atin para lang din sa atin, dapat na ang edukasyon ay maging isang kasangkapan para baguhin ang lipunan. Edukasyong hindi lamang iniiwanan sa bata ang pagkatuto at kakayahan, kung ‘di edukasyong totoong nakakapagpabago sa kanya upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng lipunan. Edukasyong nakakapagdulot ng mabuti at malakihang pagbabago. Ito ang “Transformative Education.” Layunin ng Transformative Education na baguhin ang kabataan upang maging aktibo at mulat sa nais nilang landas tungo sa pagbabago ng lipunan. Indibidual na may kakayahang tukuyin ang tama sa mali, mag-isip isip at maghusga. Ngunit di sapat na mulat lang, dapat may paninindigan at may kagustuhang gumawa ng sapat na aksyon. Base sa kanyang sariling paghuhusga, dapat makabuo sya ng sarli niyang pasya kung anong marapat na gawin. Ang kagustuhang ito ay dapat namang maging kusang loob. Dapat na sariling pag-uudyok na niya ang pagnanais na gumawa ng hakbang nang hindi naiimpluwensyahan o nadidiktahan ng iba. Upang tuluyang maisakatuparan ang Transformative Education, dapat magkaroon ng maayos na namamahala sa paaralan. Dapat isa syang pinuno na kayang gabayan ang mag-aaral at mga guro sa dapat nilang tunguhin. Isang pinunong may pamamaraan upang hikayatin ang bawat isa na makisama sa pagbago sa lipunan at paunlarin ito. Dapat rin ay may gurong mulat na sa isyung ating kinahaharap. Nasa balikat ng mga gurong ito ang pagtuturo sa mga mag-aaral sa dapat nilang gawin at ipaunawa sila sa katotohanan. Hindi lamang sila basta guro kung ‘di isa ring aktibong miyembro ng lipunan na patuloy na lumalahok sa mga gawain sa labas ng paaralan sa ngalan ng bagong lipunan. At huli ay ang kurikulum. Walang saysay ang mga nabanggit sa itaas kung walang maayos na kurikulum na magiging basehan ng mamamahala at ng mga guro sa paggabay sa mga indibidual. Ang kurikulum na ito ang magbabago sa bulok na sistema ng ating edukasyon. Bubuo ito ng bagong sistemang malayo sa impluwensya ng kapitalista at elitista, o sa tanikala ng kolonyalismo at ng iba pang baluktot na kaisipan. Susi ang ang sistemang ito sa pagpapaunawa sa bawat mag-aaral ng tunay nating kalagayan. Ito ang magiging daan upang hindi lamang sila maging mulat sa katotohanan ngunit may kusang loob din na paninindigan at labanan ang wala sa katuwiran. Malayo-layo pa ang ating lalakbayin upang makamit nang ganap ang Transformative Education na babago sa ating sarili, sa kapwa natin, sa lipunan at sa bansa. Sa kasulukuyang estado ng Pilipinas kung saan bulok ang sistema ng edukasyon at unti-unti inuubos ng anay ng kolonyalisasyon ang diwa ng pagka-Filipino, mahihirapan tayong ituwid ang mga baluktot na paniniwa. Kailangan nating magsimulang muli sa una. May mga iilan nang nagtangka at sa kabutihang palad ay nagtagumpay silang bumuo ng transformed school na ‘di papadala sa kasalukuyang agos ng sistema. Ngunit kung may iilan lang na nais makiisa, hindi tayo kailanman magtatagumpay ng kabuuan. Hindi sapat na alam mo lang ang problema, dapat ay may kusang loob kang tumayo para sa pagbabago. Kung mananatili tayong tahimik sa kabila ng nagsusumigaw na maruming katotohanan, walang mangyayari. Nawa’y maisip natin sa lalong madaling panahon na oras na para sa tunay na pagbabago. Naiiba ang pagpapakahulagan natin ng Edukasyon at sa halip ay ginagamit natin upang makamit natin an gating mga sariling interes
0 notes
Text
         “Hindi puwedeng sabihin kong ako’y manunulat lamang, at mga paksang tungkol lamang sa manunulat ang tatalakayin ko. Isa rin akong tao at kung basta na lamang inaagawan ng karapatan ang isang tao, basta na lamang ikunukulong, binibimbin sa kulungan nang walang kaukulang paglilitis at hindi pinalalaya ni ipinagsasakdal, dapat na mahigpit na tutulan ng sinuman ang bagay na ito” mula sa Literatura ng uring Anakpawis, koleksyon ng mga akdang  mga kahirapan na nararanasan ng uring anakpawis o mga manggagawa. Ang paglaganap ng kapitalismo sa ating bansa na nagreresulta ng pagkakalipin at hindi pantay na pagtamasa ng karapatan. Kapitalismo na kung saan ay naka ayon sa indibidwalismo at pera imbes na nakabatay sa panlipunang kapayapaan at kasaganaan, nagkakaroon ng sariling interes na pagpapayaman sa sarili at mas pumapabor sa mga negosyante at ang pangunahing nagiging biktima nito ay ang mga mahihirap. Sa trabaho, lantaran ang karahasan laban sa mga maralita at manggagawa. Ang trabaho na may pinakamalaking posibilidad ng pagkamatay o aksidente ay ipinapagawa sa mga mahihirap na tanggap ang minimum na sahod. Bukod dito, wala ring katiyakan ang kanilang trabaho dahil na nga sa kontraktwalisasyon. Kumpara sa CEO at iba pang kasapi ng Board. May mga benepisyo pa sila kagaya ng stocks buwan-buwan, pabahay, o libreng edukasyon para sa mga anak. Unti-unti, naiuugnay ng mga nasa labas ang CEO at ang mga taong matataas ang sahod sa katalinuhan at kapangyarihan, at tinitingala sila ng publiko. Samantalang ang mga maralita ay babansagang tamad, di bale na kung ilang oras ang inilaan nila sa trabaho. Nawawalan ng halaga ang paggawa dahil isinusukat na lamang ang kalidad nito sa perang natatanggap ng gumawa at hindi sa talento. Sa isang sistema kung saan pinapalago ang kultura na yaman, impluwensiya, at titulo ang basehan para maging kapani-paniwala, di namamalayan ng karamihan na ang demokrasya nilang tinatawag ay simpleng ilusyon na lamang na pinaiiral ng kapitalista upang maiwasan ang paghihimagsik ng mga maralita’t manggagawa. Naging matagumpay ang pagkalat ng kapitalismo hindi dahil mainit itong sinalubong ng mga manggagawa, kundi dahil kaya nitong umatake mula sa iba’t ibang direksyon. Isa itong sistema na nakabatay sa walang katapusang paglawak at paglaki na ang pangunahing armas ay dahas at panlilinlang. Nakikita natin ito sa pagtrato ng mga korporasyon sa manggagawa, sa malawakang komodipikasyon at pagbalewala sa kalikasan, sa panlilinlang sa mamimili, at sa katangian nito na piliting buksan ang mga mahihirap na bansa at gawing merkado. At upang magpatuloy ito, nariyan ang mga aral na burgesya na ginagamit ang mga unibersidad para sa pansiriling interes, upang pag-aralan kung paano makakakuha ng mas malaking kita gamit ang murang pasweldo sa mga maralita.
         Ang pagkamulat ng napakaraming Pilipino sa mala-piyudal at neokolonyal na lipunan at pagkakaroon ng progresibong pagbabago sa paghihikahos ng marami at pagpapakasasa ng iilan ay isa samga tinig na naisiparating ng Literatura ng Anakpawis, ika nga magpapatuloy ang paghihimagsik hanggang hindi maayosang sistemang umiiral sa lipunan, hanggang ang demokrasya ay nakabatay hindi sa higit na nakararmingpapatuloy ang paghihimagsik hanggang hindi maayosang sistemang umiiral sa lipunan, hanggang ang demokrasya ay nakabatay hindi sa higit na nakararming mamamayanna napagsasamatalahan ng iilng nasa kapangyarihan.                                                                                                                                                                                                                                                                                                              
0 notes
Text
Pelikula sa tunay na Mundo?
Marami sa ating mga Pilipino ang nae-engganyo sa panunuod ng mga drama, telenobela,o pelikula bilang pampalipas oras, o di kaya’y pagbibigy ng pansamantalang aliw sa atin. Madalas pa nga’y dito natin nauubos ang ating mga oras o pera, dahil sa sobrang pagkalibang ay nakakalmutan o hindi na natin nagagawa ang ating mga ginagawa o kung minsan pa nga’y isinasasdya nating ipagpaliban ang ating mga gawain para lamang makapanuod tayo ng ating inaabangang teleserye sa TV. Isa na ritong halimbawa ay ako bilang isang mag-aaral, alam kong napakarami ko pang dapat basahin at tapusing mga gawain, ngunit sa hapon ding iyon ipapalabas ang “Kadenang ginto”sa telebisyon inuna kong alamin kung ano na ang mangyayari sa buhay nila Romina at Cassie matapos silang palayasin sa mansyon ni Daniela, nang hindi namamalayan na ang oras sanang iyon ay inilalaan ko sa pag-iisip at pagbabasa ng libro. Pangalawa’y sa pera, ang pera sanang iyon ay aking inilalaan sa pampa-xerox ng libro ngunit dahil nga sa impluwensya na maganda at nakakakilig ang palabas na Hello, Love Goodbye at nais kong pansamantalang maaliw ay ipinambili ko ang pera ng ticket, matapos nuon ay bumalik ako sa reyalidad na wala na akong pera pampa-xerox ng libro na aking babasahin.
               “Kung gayon na nga kasidhi ang pagkahumaling ng Pilipino sa pelikula, karampatan lamang at napapanahon na ating suriin ang values o pagpapahalagang matatagpuan sa pinalalaganp na pelikula. Sapagkat sa ayaw nati’t sa gusto, ang mga pagpapahalagang ito, at pati na ang pananaw na kaakibat ng mga ito, ang siyang humubog at patuloy na humuhubog sa kamalayan ng karaniwang Pilipino sa ating panahon.” Mula sa teksto ni Nicanor Tiongson napakaraming impluwensya ng Pelikulang Pilipinosa ating pagkatao, dito’y nakukuha at nagagaya natin ang kaisipan ng pinagbibidahang kwento. Isa na ritong impluwensya ay ang Maganda ang Maputi, Madalas nakikita natin sa ating mga telebisyon na ang mga bidang gumaganap na magaganda/gwapo ay mga mapuputi, at madalas na gumaganap bilang kontrabida o di kaya’y ginagawang komedyante ang mga mayroong hindi kanais-nais na itsura na kung saa’y ginagawang katatawanan madalas ang kanilang kulay bilang Moreno o maitim. Naging implikasyon ito sa napakaraming Pilipino na ang magaganda lamang ay mapuputi, dahil dito napakaraming Pilipino ang nagkukumahog pumuti, upang sila ay masabing maganda o di kaya’y magmukang sosyal. “Iba na ang Matangkad” kahit likas sating mga Pilipino ang pagiging maliit, at kayumanggi ay kagaya ng kaisipang kolonyal ang pagtingala natin sa kagandahang mapuputi. Sa mga kadahilanang ito, nagkakaroon ng inferiority complex na nagdudulot ng kaisipang ang pilipino’y isang pangit na lahi at di karapat-dapat na mapanuod sa mga pelikula. Resulta din ito ng estetikong kolonyal na dulot ng pagkasakop sa atin ng mga Amerikano, Espanyol at ng iba pang bansa na nai-impluwensyahan tayo ng mga katangiang pisikal na mayroon sila. Isa na ring impluwensya nang pelikula sa ating mga pag-uugali ay ang kaisipang “Mabuti ang Inaapi”, marami sa mga bida ng pelikulang Pilipino na nagpapabugbog, o naghihirap isang mahirap na babae/lalaki ang nakakilala ng mayaman at ito’y kanyang mapapangasaw at maga-ahon sa kanyang kahirapan at mamahalin sya habang buhay na tila ba isang reyna/hari. Ang mga nagpapa-alipusta dahil umaasa sa kaisipang, okay lang magpa-api dahil sa huli’y nasa sakanila ang huling halakhak, na nagbubunga nang pagiging masokismo ng napakaraming Pilipino at nagdudulot sa kanila ng pagkakaroon ng mababaw na kaisipan sa paraan ng pagharap ng mga suliranin sa buhay. Hindi na gumagawa ng paraan upang solusyunan ang mga problemang kinakaharap nya sa buhay sa halip ay inaasa na lamang niya ito sa iba at naghihintay ng swerte na darating sa kanyang buhay. “Hindi na niya itinatanong, kung bakit hindi mapigigilan ang pagtaas ng presyo ng bilihin, kung bakit tumutulo ang kanyang bubong, kung bakit basahan ang kanyang damit, kung bakit buto’t balat at tiyang butete ang kanyang anak. Sa katagang sabing mabuti ang kahirapan, bakit natin ito susugpuin?”
               Hindi naman masama ang aliw o pagka-aliw sa mga pelikula, dahil isa itong uri ng sining. Ngunit madalas ay ginagawa natin itong daan upang sa halip na solusyunan ang ating mga suliranin ay ating tinatakasan at sa halip ay iniisip nating magiging parehas ang takbo ng ating buhay gaya ng mga nasa bida sa pelikula. Ang reyalidad ay napakalayo sa kathang-isip.
0 notes
Text
Ang buhay sa Internet
Marahil marami sa atin ang naglalabas ng saloobin sa ating iba’t ibang social media account, gayang twiiter, facebook, instagram at ibapa. Madalas koi tong napapansin sa mga kabataan, lalo na sa partikular na isyung nangyayari sa ating lipuna, mapa-showbiz, political, ekonomikal at madalas mangyari sa ating mundong ginagalawan. Isa na rito ang umugong na isyu na Bea-Gerald-Julia maramiang naglabas ng saloobin kasama na dito ang pambabash kay Gerald at Julia na kapwa napabalitang nagloko sa relasyon, at ang pagpapahayag ng suporta ng mga netizen kay Bea, bilang sumasalamin na niloko at iniwan, ang iba pa nga’y panay ang post sa social media ng kanilang galit at inis sa nangyayari, at ang  iba naman ay nakikisawsaw na lamang sa isyung ito dahil ito ang trending o sikat at nais lamang makisunod sa uso, habang kasabay ng paglabas ng isyung ito’y ang paglaganap ng dengue sa ating bansa at ang pagdami ng mga namamatay na madalas ay bata. Ngunit mas pumatok sa masa at mas naging maugong sa pagtuligsa ang isyung Bea-Gerald-Julia isyu na maari pa ngang umabot sa senado kung tutuusin. Sa aking binasang akda sa panulat ni Eliserio na Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet, napakaraming tao ang nagsasalsal sa publiko at patuloy na namboboso. Ginamit niya ang salitang Pagsasalsal sa metaporikal na paraan bilang pagpapahayag o pagblo-blog ng saloobin sa publiko at ang pamboboso bilang ang mga tao na nakakabasa ng kanyang mga akda. “Ang blog ay talaan sa internet kung saan maari silang magsulat tungkol sa kanillang mga tagumpay, kabiguan, galit sa mundo, reklamo tungkol sa pag-aaral, ngunit ang punto ng proyekto’y upang matuklasan nila kung paano gamitin ang cyberspace upang talakayin t palaganapin ang mapagpalayang kaisipan” hindi kagaya ng nasa midyum na telebisyon na kung saan ay nasasalang o di kaya’y nakokontrol ang mga nais ipalabas gayang lamang sa isang partikular na istasyon sa TV na ABS-CBN na pag-aari ng Lopez, ng namatay si Gina Lopez ay ibinalandra dito ang mga nagawa o nai-ambag nya sa lipunan bilang pagbibigay galang, ngunit marahil kung isang ordinaryong taong iyon na may kasing prinsipyo ng katulad ng kay Gina Lopez ay sa tingin mo ba magkakaroon ng  bonggang pag ala-ala na katulad ng sakanya? Kagaya na lamang din ng pag-endorso ng Abs-Cbn sa mga kandidatong dilawan tuwing sasapit ang eleksyon, dahil hindi lingid sa kaalaman ng nakakarami ang koneksyon ng mga Aquino at Lopez. Sa puntong ito, nais ko lamang ipahayag na hindi gaya ng telebisyon ang blog marami ang napagtatakpan at pili ang nailalabas na nakabatay sa interes ng matataas na tao kung minsan pa nga’y ang nangyayari ay ang balita ang nagiging pang-aliw sa reyalidad at ang importante ay tila nagiging patalastas na lamang para sa nakakarami. Sa usaping pagbla-blog, kung ang sentro nito ay puro pag-iyak lamang para sa atensyon ay itinuturing lamang ito mahusay na libangan, Napakaraming tao ang nais magpaboso upang maka hakot ng panandaliang atensyon at katanyagan. Isa sa katangian ng pagba-blog ay ang subersibong potensyal,na kung saan layuning ipahayag ukol sa mga partikular na isyung panlipunan maaring tumutuligsa
0 notes
Text
Ang kapangyarihan ng Wika
Sa araw-araw nating pamumuhay hindi maitatanggi na madalas nating nagagamit ang salitang Ingles, sa kung paano natin kausapin ang mga bata na gusto nating sanayin sa salitang Ingles, ultimo ang ginagamit ng lullaby ay salitang Ingles gaya ng kantang “Twinkle, twinkle, little star..”na kung saan mas minumulat natin sila ng mga salitang banyaga. Ang wika ay isang paraan o kasangkapan ngkomunikasyon at ito rin ang sumsalamin sa kultura ng isang bansa. Ang wikang Filipino pero madalas talikdan nating mga Pilipino na kung saan mas madalas nating ginagamit ang wikang Ingles at kung minsan pa nga’y kinakalmutan at mas pinipili natin ang Ingles. Bakit? Dahil ba ito’y nakakasosyal pakinggan? Na kapag ito’y iyong ginamit ay nangangahulugan lamang na mayroon kang mataas na kapasidad ng pag-iisip? Na angat ka sa iba at sa lipunan? Ang Ingles ay ang ating koneksyon sa mundo, ito ang susi sa pandaigdigang impormasyon. Karamihan sa atin ay mayroong pag-iisip na ang Ingles ang daan sa pag-asenso, na kapag nagsasalita ng Ingles ay mayroong mas malawak na opurtunidad na umasenso sa buhay at kapag hindi naman ay marahil utusan lamang o di kaya’y hindi nakapag-aral. Marahil ay kailangan nga natin ang Ingles, subalit sa kabilang banda nagkakaroon tayo ng maling kamalayan sa paggamit ng Ingles  naisasantabi natin ang ating sariling wika. Isa sa ginagamit na pang-argumento ng nakakarami ay dahil lubos nating kailangan ng wikang Ingles dahil sa kalagayang pang-ekonomiya ng ating bansa, isa sa maling paniniwala ng nakararami sa atin  at halimbawa na lamang nito ay ang bansang Thailand na kilala bilang bansang hindi naman gumagamit ng wikang Ingles at iilan lamang ang nakaka-alam nito ngunit gayunpaman pumapangalawa ang Thailand sa Japan pagdating sa computer technology sa Southeast  at South Asia, isang patunay lamang ito na kahit hindi nila prinaprayoridad ang paggamit ng wikang Ingles ay namamayagpag padin sila sa  sa larangang pang-ekonomiya. “Ang Thailand ay isang tigre, samantalang tayo na ipinangangalandakan ang ating Ingles ay isang basang sisiw lamang” mula sa akda ni Conrado de Quiros na Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan. Hindi naman masama ang pagamit ng wikang Ingles ngunit palagi nating tatandaan na ito ay pumapangalawa lamang, at ginagamit bilang pangalawang lingguwahe. Ang pag-aaral ng Ingles ay hindi lamang pagkabisa ng mga salita at paggamit nito, kaakibat nito ay ang pagkalulong natin sa kanilang mga kultura at ang maganda at hindi mga magandang epekto nito sa ating kultura bilang Pilipino. “Ang paborito ko paring kwento rito ay isang director na teatro na minsan ay tinanong ng isang estudyanteng pa-wers-wers: “Talaga bang epektibo ang Filipino sa teatro?” Smagot ang direktor, “Putang ina mo.” Namutla ang estudyante at dali- daling umalis. “Tingnan n’yo,” sabi ng direktor sa kanyang crew, epektibo ang Filipino sa teatro.”
0 notes
Text
“Sabihin mo kung sino ang mga kaibigan mo, at sasabihin ko kung sino ka”, madalas nating naririnig ang mga katagang ito sa tagal ng panahon. Isa sa mga halimbawa nito ay kung mayaman kang kaibigan nagiging astang mayaman kana din. Napakalaking impluwensiya ng mga taong araw- araw nating nakakasalamuha sa ating pagkatao dahil maaring  matulad o magaya natin ang ilan sa kanilang mga katangian, personalidad, mga pananaw sa buhay at kung paano sila mag-salita at mag-isipSa usaping sistema ng edukasyon sa ating bansa nagunita kong lubos na napakaraming Pilipino ang tila nag-aasal mayaman sa kabila ng kahirapan sa buhay  at mas pinipiling ikubli ang tunay na estado sa buhay at mamuhay ng marangya at kumilos ng nai-iba kaysa sa kinagisanang pamumuhay sa harap ng maraming tao. “Sabihin mo kung sino ang mga kaklase mo, at sasabihin ko kung sino ka. Anong batayan ng ganitong pagbabago sa kasabihan? Kung susuriin natin ang papel sa ating lipunan ng mga pribadong paaralang pantangi, makikita natin na ang paaralang pinapasukan ng estudyante ay nagpapahayag ng kanyang katayuang ekonomiko sa lipunan. Samakatuwid, kung ang mga kaklase niya ay mayayaman, malamang na siya ay mayaman din. O kaya, at ito ang kagila-gilalas (o kalunos-lunos depende kung saan panig nagmula), siya ay nag-iisip o kumikilos na parang mayaman”.   Napakaraming Pilipinong mahihirap na mayroong damdamin at pag-iisip na kung kumilos ay mayroong damdamin at pag-iisip na kagaya sa mga taong mayayaman, Magkaiba man ang katayuang ekonomiko sa lipunan at ang kanilang pinapasukan (pribado at pampublikong paaralan) ay iisa naman ang kanilang pananaw sa buhay, dahil sa paraan ng paghubog ng edukasyon sa kanila. Isa sa epekto ng tagilid na ekonomiya ng ating bansa ay ang paglitaw ng iba’t ibang pribadong paaralan na may mataas na pamantayan sa usaping salapi, na nagkakadahilan ng hindi pantay na pagtingin sa sistema at kalidad ng edukasyon at n gating lipunan, Isa na rito ay ang paglitaw ng mga eskwelahang UST, ATENEO, DE LASALLE, atibp. na mayroong mataas na kalidad ng edukasyon dahil sa mataas na matrikula na at tanging mayroong matataas na katayuang ekonomiko rin ang maaring makapag-aral o mga iilang piling hindi ganoong kataas ang kalagayang ekonomiko na estudyante lamang na pinalad makapag-aral, dahil rito nagkakaroon tayo ng standardang
0 notes
Text
Hindi lingid sa kaalamn ng lahat na napakaraming bansa ang sumakop sa ating bansa at isa na rito ang Estados Unidos taong 1898-1975. Bakit nga ba gustong-gusto tayong sakupin ng mga Amerikano noon? Ang Estados Unidos noong mga panahong iyon ay nagsisimula naring magpalawak ng kolonya at para maisakatuparan ang mga layunin nitong makilala bilang isang pwersang pandaigdig, kinkailangan nitong magkaroon ng isang kolonya. Sa Layuning Pampulitikal naman ay nais nilang mapalawak ang lupaing sakop at magsimula ng bagong Pilipinas, at upang makapagtatag ng Base Militar ditto sa Pilipinas dahil sa istratehikong lokasyon nito (dahil ang Pilipinas ay itinuturing na “Doormat of Asia”) at sa Layunin ng Pang-ekonomiya naman ay upang makapagtatag ng mga pamilihang Amerika at mapagkunan ng mga hilaw na sangkap at gawing bagsakan ng tapos na produkto ang bansa. Gumamit din ng estratehiyang “Divide and Conquer” na pananakop ang mga Amerikano na kung saan  ang kapwa Pilipino mismo ang kumakalaban sa sarili nila, hinihikayat at sinisilaw nila ito sa kanilang kapangyarihan upang makontrol nila ito nang sa gayon ay Pilipino na mismo ang umaayon at sunud sunuran na tila ba nagiging tuta ito, naibibigay ng mga Pilipino ang katapatan at nakakalimutan ang kapwa Pilipino, Naging tuso sila at itinaboy ang Espanyol sa Pilipinas upang sila ang kumontrol nito, lumitaw ang kanilang tunay na layunin ng sila ay patuloy na nanatili sa Pilipinas sa kabila ng pagtataboy sa mga Espanyol.
               Ang mahabang pagkakasakop sa atin ng Estados Unidos ay nagdulot ng hindi magandang epekto sa ating bansa, isa narito ay ang sistema n gating Edukasyon, “Edukasyong Kolonyal”, ginamit ito ng mga Amerikano upang sakupin tayo ng hindi namamalayan, minamanipula tayo ng hindi namamalayan at binabago ang paraan ng ating pag-iisip at nagkakaroon tayo ng maling kamalayan sa mga bagay. Ito ay humubog sa kamalayan ng mga Filipinong produkto ng sistemang Edukasyong itinayo ng mga Amerikano, gumamit sila ng wikang Ingles bilang wikang panturo upang sa pagsapit ng panahon ay ang lubos na makikinabang ay ang mga opisina ng mga pamahalaang kolonyal, marahil ay maroon itong kinalaman sa kalagayang pang-ekonomiya ng ating bansa dahil ang wikang Ingles ang isa sa mga nagiging daan upang tayo ay makapagtrabaho abrod at kumita ng mas malaking halaga. Isa naman sa hindi magandang epekto ng globalisasyon sa Pilipinas ay ang pagbagsak ng mga maliliit na negosyo ng mga Pilipino dahil nga mas maraming Pilipino ang nais mangibang bansa o dikaya’y magtrabaho sa mga pamahalaang kolonyal para sa malaking kita kumpara sa pagtra-trabaho sa ating sariling bansa, tuluyang paglobo ng utang panlabas, at edukasyong nakabatay sa demand o pangangailangan ng lakas-paggawa at hndi pantay na opurtunidad. Bakit laging sumasang-ayon ang pinuno ng ating bansa sa dikta ng dayuhan? Marahil ay masyado nang dumpedepende ang mga lider ng ating bansa at tila natatakot tumayo sa sarili nilang paa, isa pa sa mga dahilan ay ang natatakot sa pagkawala ng kapangyarihang kanilang tinatamasa.
0 notes
Text
Komesalisasyon sa Edukasyon
KOMERSYALISASYON, KOLONYAL, “EDUKASYON  ANG NAKAPAGPABAGO SA LIPUNAN”, i-ilan lamang ito sa mga tinalakay sa napanuod na bidyong “misedukasyon”. Bakit nga ba labis ang epekto ng komersalisasyon sa sistema ng edukasyon? Napakarami sa porsyento ng mga Pilipino ang hindi nakakapag-aral ayon sa datos ng 2016 Annual Poverty Indicators Survey o APIS ng Philippine Statistics Authority o PSA, Isa sa bawat sampung Pilipinong edad anim (6) hanggang dalawampu’t apat (24) ay “out of school child and youth.” Lumabas sa 2016 APIS na 3.8 million ang out of school children and youth o OSCY sa bansa o sampung (10) porsyento ng tatlumpu’t siyam (39) na milyong Pinoy na edad 6 hanggang 24. Sa naturang bilang, mas marami ang babae kumpara sa mga lalaki. Karaniwang rason ng mga hindi na nagtuloy sa pag-aaral ay maagang pag-aasawa, mataas na matrikula at kawalang interes sa edukasyon.Sa buong bansa, 53 percent ng mga OSCY ay kabilang sa mga pinakamahirap na pamilya. Isa sa mga sanhi nito ay ang komersalisasyon sa edukasyon, ang komersalisasyon sa edukasyon ay ang labis na pagsingil at pagtaas ng mga bayarin sa eskwelahan, at ang pagsasa alang-alang sa kung gaano kalaking  pera ang makukuha sa mga bayarin ng mga mag a-aral kaysa sa pagbibigay ng tamang edukasyon ng mga eskwelahan na nagreresulta sa mga estudyante na mahirapan sa pag-aaral at ang mas higit pa doon ay tumigil sa pag-aaral. Ang komersalisasyon sa edukasyon ay ang pagkakait ng karapatan sa edukasyon ng mga mamayan. Ayon nga sa bagong halal na politikong si Vico Sotto, “hindi ninyo dapat tanawing utang na loob sa mga pulitiko yan. In fact, KARAPATAN ninyo yan dahil hindi naman nila pera yan eh. Iyan ay galing sa BUWIS na pinagpagurang bayaran ng lahat ng mamamayang Pilipinong naghahanapbuhay.”. Ang edukasyon ay karapatan ng lahat ng mamayan at maari ring maging sandata ng ating bayan sapagkat ito ang nagsasanay at humuhubog sa bawat bagong henerasyon ng mamayan na  siyang magmamana at mamumuno sa lipunan sa hinaharap.
Isa na rin sa nagiging dahilan ng misedukasyon ng Pilipino ay ang kolonyal na pag-iisip bunga ng pagsakop sa atin ng napakaraming bansa. Ang kolonyal nating pag-iisip na kung saan ay mas pinapahalagahan natin ang kaisipan ng ibang bansa at ang pagtataboy sa mga sumisimbolo sa ating lahi, na lihim tayong kinokontrol ng mga dayuhan sa paraang hindi na nating namamalayan na unti- unti na nating malimot ang ating pinagmulan at tumatanggap na lamang tayo ng mga kamalayan  na galling sa kanila at nawawala ang ating pagiging Pilipino, una na rito ay ang pagkontrol sa pamumuno ng ating bansa at sa sistema ng edukasyon, hindi nila tayo hinahayaang humawak sapagkat ayon sa kanilang paniniwala ang edukasyon ang pinakamabisang paraan upang lubos tayong makontrol ng mga dayuhan ng hindi natin namamalayan, hindi naman masama ang pagkatuto sa kaisipan ng mga dayuhan ngunit palagi nating isa-isip ang ating bayan, at ang pagbuo natin ng sariling kaisipan at kamalayan nang hindi nagpapadikta sa mga dayuhan.Sa aking mga napanuod ang aking sinasang-ayunan ay ang “Edukasyon ang nakapagpabago sa bayan”, Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na lubos na napakahalaga ng edukasyon, ito ang pagkatuto nating mga Pilipino at pagkamulat sa hindi lamang sa mga pang-akademikong bagay ngunit pagkatuto rin sa mga pangyayari sa ating bayan, at pagiisip ng maaring maging solusyon, ika nga ni Jose Rizal “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” sapagkat nasa kamay ng mga kabataan ang kapalaran ng mga susunod pang henerasyon na maaring makapagbago at makapagpa-unlad sa bayan,  sa edukasyon dito ay nasusubok ang ating kritikal na pag-iisip na isang malaking tulong upang makapagpabago sa bayan.  Ang usaping ito ay talaga namang napapanahon sapagkat hindi lamang ang mga nakaraang henersyon dito ang apektado, kundi pati na rin ang mga susunod pang henerasyon, kung hindi ngayon ay kailan pa natin balak baguhin ang ating mga maling nakasanayan at kolonyal na pag-iisip nating mga Pilipino? Hanggang kailan din natin ipipikit ang ating mga mata at magpasawalang bahala na lamang sa reyalidad ng buhay?
1 note · View note