Tumgik
kalahating-makata · 2 years
Text
Hey, tumblr! Did you miss me? 😁
Ang dami kong kwento pero wala na akong time magsulat. Kinain na kasi ng reponsibilidad at ng pressure...
0 notes
kalahating-makata · 3 years
Text
Ang hirap sa opinisna kung lahat ng katrabaho mo "Boss". Lahat sila sumusweldo nang walang ginagawa. Samantalang ikaw, nagpapakahirap maitawid lang lahat ng kelangan sa opisina niyo.
Kapag timaan ka nga naman ng swerte e, ano? Nakakagigil! kumukulo dugo ko! Tapos yung department head wala ring pakialam kahit alam na niya yung mga ganap.
Hay, buhay!
0 notes
kalahating-makata · 3 years
Text
December 3, 2020
...there, there, the silent despair sits still like the night so gentle--A facade of peace, a vicious dilemma...
0 notes
kalahating-makata · 3 years
Text
November 21, 2020
It's past one in the morning. Ewan ko ba, but all my frustrations are running wild in my thoughts again...almost like an encore.
Ang hirap mag pretend na establish na ako. Na nasa okay na akong situation. It is true na hindi naman masaklap kalagayan ko... Pero lahat ng mga frustrations, ang hirap takasan.
Ilang years na nga ba? Since highschool, di ba? Di ko alam...haha...i cant really get lost of this feeling--selfpity. Pag paulit-ulit na nagrerewind sa utak ko yung feeling, di ko maiwasang masabi yung word na Unfair.
Bakit ganito? Pakiramdam ko di ako normal. Gusto kong maging katulad ng lahat, gusto kong maging kasing galing ng iba...but i cant.
Gusto kong ipakita na malayo na narating ko, pero bat ganun...ako pa rin yung nakatanaw sa mga likod nila?
Gusto kong sumabog sa inggit. Di ako makawala sa takot. Di ako pinagpala....di nga ba? Kahit ilang beses kong bilangin lahat ng magagandang bagay...mas may bigat pa rin yung mga bagay na gusto ko pero di ko makuha ay di ko kailanman makukuha.
Ang bigat.... Ang hirap... Ang lungkot... Nakakainis... Nakakatakot... Nakakahiya... Nakakabaliw... Di ko na alam mararamdaman ko. Kahit anong takbo, lagi pa rin akong nahuhuli ng kahinaan na to.
...malalim ang balon, ang hirap umahon...
-Kapitanchico
0 notes
kalahating-makata · 3 years
Text
2 November 2020
Nakakamiss yung mga araw na exam at quizzes lang yung lagi mong inaalala. Wala kang problema na babayarang mga bills at lalo na sa pera...
Nakakamiss yung may mahabang bakasyon after ng isang school year. Yung chill ka lang...petiks.
Maliligo sa dagat o sa swimming pool pag summer.
Mamamasyal sa mall at kakain sa labas nang hindi iniintindi yung bayad.
Maglalaro sa init ng araw.
Manghuli ng gagamba at tutubi.
Nakakamiss yung mga pasko na wala kang iniisip maliban sa magbukas ng regalo at sa handa niyo sa noche buena.
Yung ine-enjoy mo lang yung mga Christmas decors, yung Christmas lights, kumanta ng mga Christmas carols at magcountdown sa New Year.
Gigising sa malamig na umaga, lalo na kapag mag papasko at/o tagulan, ng may mainit na gatas o tsokolate.
Hindi ko alam, pero simula nung grumaduate ako at magtrabaho, ramdam ko yung pagkakaiba ng mga holidays...iba na ang UNDAS, Christmas, New Year, Holy Week, atbp.
Oo, masaya na may sarili ka nang pera, na may kapasidad ka nang punan yung mga sarili mong pangangailang, yung malaya ka na sa lahat ng gagawin mo...pero ibang-iba pa rin yung legit na masaya ka dahil masaya ka lang.
Kasi, sa totoo lang... ang hirap punan yung expectations ng society, pati na rin yung mga expectations mo sa sarili mo.
Nakakapagod... nakakapagod rin pala. Buti na lang at medyo mahaba yung holiday break namin at nagkaroon ng space para huminga..
Haibuhay!!! Tuloy lang tayo, bes!
...lumipas ma't di matanaw ang kahapong kumupas, katotohana'y gumuguhit sa pagkumpas ng oras, sa mundong alipin--bilanggo ng katwiran, magpatuloy ka sa sanga-sangang daan...
-KapitanChico
0 notes
kalahating-makata · 3 years
Text
October 26, 2020
Ang lakas ng ulan noong madaling araw, nag e-expect ako na sana walang pasok. Hay! Isipin mo naman nag duty ako Linggo tapos di ko pa sure kung pwede i-offset.
Anyway, ayun nga, ang lamig ng panahon dahil kay Bagyong Quinta, medyo nakakapraning kasi feeling ko, since malamig yung panahon, magakakasakit ako agad, e sa panahon ngayon sipunin ka lang onti COVID-19 na ang diagnosis sa'yo. 🤣
Anyway, hindi ko alam kung maaga lang akong pumasok o late lang mga kasama ko kanina sa trabaho. Medyo kinabahan ako--baka wala palang pasok, tapos ako lang hindi nainform.
Regarding to that, nagsuspend naman sila ng work ngayon pero 3 p.m. na--okay na rin kesa wala. Ang malala nakalimutan ko yatang mag time-out kanina. Huhuhu. Di bale na nga.
Pagkauwi, habang nag lalaro, naka-idlip ako... Wow, nagising ako gabi na. Ang sarap ng tulog grabe! Hahaha. Downside lang, di na ako ulit makatulog. 😔
Wala naman gaanong ganap ngayong araw, at least. Sana chill pa rin bukas. Feeling ko talaga magkakasipon ako, pero sana hindi. Seryoso, ang hirap magkasakit ngayon... Lalo pang mahirap yung mawalan ng sweldo.
Kelangan ko na muna sigurong pilitin matulog, Hahaha.. So... Tomorrow na ulit! 😬
0 notes
kalahating-makata · 3 years
Text
25 October 2020
Dear Tumblr,
Ang dami-dami nang nangyari... Ilang taon na rin nung huli akong magsulat. Lahat ng sma ng loob, hinagpis, kalituhan, kuro-kuro ay atbp, nakakatuwang basahin ulit..
Halos mag iisang taon na rin at di pa natatapos itong Covid-19 pandemic kaya medyo matumal ang pera😅
Halos isang taon na rin nung first time kong mag 'out of the country' at sayang di pa nasusundan...
Pero mataas pa rin hopes ko dahil next stoP namin JAPAN!! ❤️
Try kong maging active ulit, sarap lang kasing balikan yung mga past memories na kahit ako halos di ko na rin maalala 🤣
Anyway, kapit lang!!
-KapitanChico
1 note · View note
kalahating-makata · 7 years
Text
...ang susunod na kabanata
21 September 2017
..at iyon nga, ang lungkot…
Gusto ko nang umiyak kanina…Grabe ang intense ng checking ko. Noong una okay pa, kayang kaya, pero pagdating sa emergency procedures out na ako… Sad. Downer. Disappointed.
Dalawang check na lang e. Dalawa! Huhuhu
Hay, sobrang tense ko kanina kasi ayoko sa lahat yung napapagalitan. Maybe kasi ma-pride akong tao… Pero iba yung check ko kanina, nilamon ako buo. Parang sinampal sa mukha mo yung katangahan mo na may kasamang demand ng kahihiyan.
Wala…. nakakabobo lang.
Good bye na ba ako sa next level?huhuhu
Nalulungkot ako.
Pigil na pigil na yung luha ko kanina, nagbabadya na, pero sa tingin ko yung mga ulap na lang nagpakawala ng luha para sa akin. Kaya pala umaga pa lang nagluluksa na ang langit…
Di ko alam, parang di na ako makahinga. Para akong nalulunod, ako pa naman yung tipong hindi makalimot sa mga kapalpakan at kahihiyanng nagagawa ko.
Sigurado, hahantingin nanaman ako ng mga di magagandang alaala na nangyari ngayon.
Gusto kong makalimot, pero parang sugat, nagiiwan ng marka lahat ng pangyayari. Di ko alam, hanggang ngayon naririnig ko pa rin yung mga sigaw. Grabe, ang saklap…
Ang lungkot… ang lungkot lungkot…
0 notes
kalahating-makata · 7 years
Text
ABANGAN...
September 20, 2017 Bukas na ako magkkwento, PRESSURED ako now...
0 notes
kalahating-makata · 7 years
Photo
Tumblr media
WELCOME TO THE JUNGLE!!! 18 SEPTEMBER 2017 Di naman literal na jungle pero pwede na rin... Halos isang week na ako dito at di ka maniniwal pero for checking na ako!! Last year lang reinstatement ng license punta ko dito tapos ngayon isang kembot na lang F.I. na!! Boom Panis! Yun nga lang parang malaki pa kulang ko... di ko alam, sana matapos na to nang makauwi na ako... Home sick na rin ako....agad agad!! Hay! Gusto ko nang matapos to, nakakastress na rin...
0 notes
kalahating-makata · 7 years
Link
Want Something amazing? Click the link above!
0 notes
kalahating-makata · 7 years
Quote
Yung gusto mong malaman, yung gusto mong marinig, yung gusto mong makita kahit masakit....pero yun pala, pag nasaharap mo na, hindi mo pa rin kaya...
0 notes
kalahating-makata · 7 years
Quote
Temptation is not a sin but an invitation to do evil
0 notes
kalahating-makata · 7 years
Quote
Kailangan ko ng kausap. Gusto kong umiyak...
0 notes
kalahating-makata · 7 years
Quote
Yung pakiramdam na isa kang malaking RESET BUTTON... kahit anong gawin mo laging back to Zero
0 notes
kalahating-makata · 8 years
Photo
Tumblr media
When you see it... hehe September 26, 2016 Love is sweeter the second time around and so does pain hurts also twice as much... Disappointed na naman ako sa sarili ko.... ....Ang sakit! Natatakot na naman uli ako at tumaas na naman doubt ko sa sarili ko, pero sabi ko nga.... parang gusto ko nang bumitaw uli... pero never give up nga di ba?! Kakayanin ko, kelangan kong kayanin, kelangan kong pagbutihin. Ngayon magluluksa ako, pero bukas babangon na ako... Help me God!
0 notes
kalahating-makata · 8 years
Text
Alimpungatan
08 AUGUST 2016
…ano nga ba ang masmalalim, ang gabi o ang pag-iisip?…
Buong araw akong naglalaro ng Yu Gi Oh Duel Generation sa ipad ko kahapon, kaya kinagabihan, nabagot na lang siguro ako at maaga akong inantok.
Isa pa, may sakit rin si mama ngayon kaya tulog na muna ng maaga para makapagpahinga rin siya. Aww! Oo nga pala, maaga rin ang pasok ko ngayon, mga 4am, ako kasi flight watch ngayon e.
So, ayun nga. Maaga akong natulog, tapos... nang mahimbing na ang tulog ko, ilang oras na rin ang nakalilipas, bigla akong ginising ni mama (humihilik raw kasi ako 😅).
Nagising naman ako pero ang weird ng pakiramdam ko. Pagdilat ko ng mga mata ko pakiramdam ko ilang taon na ang dumaan at lumipas…
Para akong napag-iwanan ng oras, kakaiba yung pakiramdam… Naisip ko,
“Nasaan ako? Bakit andito pa rin ako? Bakit ganito pa rin ang buhay ko? Bakit parang lumipas at nasayang lang lahat ng oras ko sa mundo? Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Hanggang dito na lang ba itatakbo ng buhay ko? Ilang taon na…wala pa rin akong nararating, wala akong napapatunayan, wala akong magawa… kailangan ko nang magtrabaho uli, pero bakit pakiramdam ko alipin lang ako… ang lungkot, ang saklap ng buhay ko…” sabay pindot ng cellphone para icheck yung oras.
[Time 23:16]
Seryoso, hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Hindi naman ako nanaginip ng malungkot, at hindi rin naman ako nagdadrama…
Marahil.. O baka nga iyon talaga ang laman ng subconscious mind ko?! Iba yung pakiramdam, kahit ako nagtaka e.
Pero matapos maalinpungatan sabay tulog uli, ilang oras na lang kasi gigising na rin ako para pumasok. Kaya tulog muna habang may oras at pagkakataon.
Pagkatapos nun, naging maayos na uli takbo ng utak ko. Wala na yung weird na feeling at weird na pag-iisip ko. Normal na ang kondisyon at gising ko.
…minsan may mga bagay talaga tayong hindi lubos maisip kung ano, bakit, at paano…bigla-bigla, maya’t maya aatake parang multo.
O siguro, may mga bagay lang tayong lubos na kinatatakutan, kinalilimutan, tinatalikuran, at tinatakbuhan, kaya ayun sinusundan tayo sa madilim na parte, nagaabang ng oras, tamang pagkakataon upang manggulantang.
-KapitanChico-
0 notes