Tumgik
ianvillapa21 · 5 years
Text
BROKEN HEART
Part 1 “Di ko kayang makitang kasama mo siya”
Pipikit na lang ako.
Tatahimik na lang ako.
Iisipin ko...panaginip lang ang lahat ng ito.
Iisipin kung masaya tayo.
Nakangiti ka habang naglalakad tayong magkahawak ang kamay. Sumusulyap-sulyap ka pa sa akin. Sinasambit mo ang mga katagang gustong-gusto kong marinig mula sayo.
Yayakapin mo ako dahil hindi mo gustong mawala ako sayo.
Titingala ka at titig sa mga mata ko pero bakit ganun. Hindi na ako yong taong iyon.
Sino siya?
Sino siya?
Halos maubos ang tinig ko sa katatanong hanggang sa wala na akong maibuga pang boses. Gusto kong kumilos at hilain kang palayo sa kanya.
Pero...
Sino ako?
Sino na ako sayo?
Unti-unti na akong nilalamon ng lupa pailalim. Nararamdaman ko na ang pag-igsi ng hininga ko.
Ang sakit na nararamdaman ko, ang humuhukay ng libingan ko.
Di ko kayang makitang kasama mo siya.
0 notes
ianvillapa21 · 5 years
Photo
Tumblr media
                                                TAYO-TAYO
WALANG PATUTUNGUHAN AG UAPANG ITO! Minsan nanaisin mo na lang umalis, lumayo o kaya naman ay takpan ang iyong tenga.
MAHAL MO PA BA?
Masakit maalala ang akala mo ay totoo, tunay at higit sa lahat ay minahal ka rin. Nga pala gusto kitang pasalamatan sa dalawang rason. Una. Salamat dahil nakilala kita.
Kkahit papaano ay naranasan ko kung paano maglakad sa lugar na kahit kailanman ay hindi ko pa narating at inakalang mararating.
Lugar kung saan masaya, makulay at maraming bubbles, ang cheesy, at ang korni pero para akong nasa isang amusement park with all rides are free.
All extreme rides na exclusive lang para sa malalakas ang loob ay nagawa kung sakyan. 
Bilib ako sa sarili ko dahil nagawa ko ang akala ko ay di ko kaya. 
Ikaw ba? Nagawa mo rin ba yong di mo kaya? 
Pangalawa. 
Salamat kasi ipinakita mo sa akin kung ano ba talaga ang halaga ko. Taon? Buwan? Oo, araw! Tama. Araw lang ang halaga ko sayo. Yong bawat sandali na kasama mo ako, kayakap, katabi at kausap...sino ka doon? Alin ba doon? Pero salamat...kahit paano naman ay worth it. Makahulugan at makabuluhan. Oo nga e, nagawa mo akong mapaisip na akala mo ay nasa isang quiz show. saan ba ako nagkulang? Mapapailing ka na lang sa sayang nararamdaman mo. saya na kaya kang paiyakin. nang huling beses kitang makausap wala na lang akong ibang magawa kung hindi ag makinig, titigan at pakinggan ang paalam mo. gusto kitang pigilan, yakapin at sabihin wag kang lalayo please. pero magmakaawa man ako ay huli na siguro. space na nagkaroon ng tuldok sa huli. space na lumawak. astronaut na ba ako, pakiramdam ko ay nawalan ng balanse ang buhay ko at tuluyan ng lumutang sa kawalan. nasaan ka na ba? sa kamay ng taong nagpapasaya sayo? sa kamay ng taong pumalit sa akin? mali ba? ah, hindi pala pumalit. kung hindi iyong tunay na nagmamay ari ng iyong puso. nawasak ako sa sandaling malaman kung masaya ka na, di dahil sa akin. nawasak ako sa sandaling bumagsak ang katawan ko sa malamig na semento habang isinisigaw ang pangalan mo at lango sa alkohol. mas giniginaw ako sa mga salitang binitiwan mo ng gabing iyon. mas nasasaktan ako sa bawat araw na inaalala ko habang katabi ka. hindi ang pagkawala ng presensya mo ang ikinakalungkot ko kung hindi ang mga alaalang di na mauulit pang muli. sabihin mo na ag lahat sa mukha ko pero hindi magbabago at hindi mawawala na mahal pa rin kita. sabihin mo rin sa akin, na mahal mo pa ako na kahit alam kung hindi ka na babalik sa akin ayy naging mahalaga rin ako sa buhay mo. ikaw na rin ang nagsabi, nagbitiw ng mga pangakong di kita iiwan pero heto tayo, nasa dulo ng pangako. wala akong matandaang ganito wala akong matandaang pangakong tulad nito? nagkamali na naman ako. nagkamali na naman ako sa mga narinig ko, sa pag-aakala kung di na ako muling masasaktan pa. tayo-tayo lang ang may alam. ikaw na pinili ang taong tunay na nagpapasaya, siya na pinili ang taong alam niyang masasasaya siya. tayo? sino ba ang makakapagpasaya sa atin? ang taong namili ng taong ikapagpapasaya ng kanyang sarili at ng taong alam niyang mas sasaya siya. sila yong mga taong pinili natin na hindi tayo ang pinagpilian. tayo. tayo yong mga taong nagmahal ng sapat, nagpakita ng totoong motibo naglaan ng sapat na oras at nanatiling tapat.
0 notes