Tumgik
goodtoknowstories · 3 years
Photo
Tumblr media
Far Eastern University is one of the most exceptional university  in the Philippines, because inside you will see a place full of beautiful art masterpieces deserved to be appreciated by anyone who visits the campus. It was even referred as a “Campus Museum” (Galamay,2014), not only because of the architectures but also because of the artworks. How? Let’s find out.
The infographic  shows some of FEU’s sculptures and mosaic made by national artists. First is the life size adult male replica in bronze of a tamaraw or Mindoro dwarf buffalo created by Peter De Guzman. It was erected on 2012 to honor the tamaraw month and  to launch the TAMS II movement to increase the population of tamaraws. Tamaraw is the symbol of FEU. Despite their short stature, they are known for their big personalities. Another fun fact is that they possess that aggressiveness you get from all buffalos, but in a miniature version. It’s like when you see those small dogs barking really loudly, saying: ‘I’m small, but I’m tough.’ (Global Wildlife Conservation, 2018).The second one is called the FEU Memorial Square that has the largest free ranging bronze sculptures created by National Artist for Visual arts, Vicente Manansala, who  was known for his cubist images. It is divided into four parts which represents education, patriotism, freedom, and justice which originated from the thoughts of Dr. Nicanor Reyes Sr. The next sculpture can be found inside FEU’s chapel (Our Lady of Fatima Chapel), which is made by the national artist for sculpture, Napoleon Abueva. This is his own interpretation of Pieta by Michelangelo made from fiber glass which he donated to FEU. The Pietà shows the Virgin Mary holding the dead body of Christ on her lap after his crucifixion, death, and removal from the cross. This is inspired by his travels around the archipelago and living with different urban, rural and tribal communities (Lakansining,2018). The chapel’s  façade is also made by a National Artist for Visual arts, Vicente Manansala, he was known for his cubist images on canvas. FEU commissioned him to create a Mosaic on Tiles of Our Lady Fatima the patroness of FEU Chapel. It is one of the rare works of Vicente Manansala in glossy blue shades. Lastly, The Sarimanok, prow and tail by Antonio Dumlao which FEU acquired to celebrate the 60th anniversary of the FEU Administration Building and auditorium. This artwork is unique for it is made from crushed glass form glasses of Pepsi, 7up, San Miguel beer and different glasses of wine. Sarimanok is a mythical bird that came from “sari” which means cloth or garment of different colors; and “manok” which means roaster. It is symbolized as an important part of the Maranao people’s cultural heritage, it is invoked in many rituals and it showcases their unique artistic geniuses (Hayleyscomet00,2020).
Every artwork has their own purpose and meaning, and they deserved to be seen by many. Just like how Far Eastern University continues to keep these artworks alive for years and hopefully up until the next generation to come.
#ArtsinFEU #FEUaCulturalOasis #FEUTamaraws
Made by:
Jan Benedict Majadas, Erika Adrielle Reyes, Isabelle Tan (Section 71)
References:
Roamer, T. U. (2014, July 29). A journey to the abode of the Tamaraws. The Urban Roamer. https://www.theurbanroamer.com/a-journey-to-the-abode-of-the-tamaraws/
R. (2017, November 29). FAR EASTERN UNIVERSITY CHAPEL, FEU Campus, Manila, Philippines. Philippine Catholic Churches. https://philippinecatholicchurches.blogspot.com/2017/11/far-eastern-university-chapel-feu.html
FEU Center for the Arts. (2019, February 14). FEU Virtual Art Tour by Mr. Martin Lopez. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=yi-sbBKGMiI Sarimanok – a rooster in the first of seven heavens. (2019, March 24). The Manila Times. https://www.manilatimes.net/2019/03/25/supplements/sarimanok-a-rooster-in-the-first-of-seven-heavens/530576/
Puchko, K. (2015, May 11). 15 Things You Should Know About Michelangelo’s Pietà. Mental Floss. https://www.mentalfloss.com/article/63602/15-things-you-should-know-about-michelangelos-pieta
De La Salle University. (2018, February 28). FEU’s artistic heritage: Renewing a sense of pride - 2009 Scholarum Winners. Medium. https://medium.com/2009-scholarum-winners/feus-artistic-heritage-renewing-a-sense-of-pride-3c7887d8af06 Bertulfo, M. E. N. (2020, July 23).
5 Amazing Virtual Philippine Museum Tours. FEU Advocate. https://feuadvocate.net/5-amazing-virtual-philippine-museum-tours/
Lakansining. (2018, January 18).  1999 Napoleon Abueva – Pietà, San Lorenzo Ruiz Parish, Culiat, Tandang Sora. Lakbay ng Lakan. https://lakansining.wordpress.com/2018/01/18/tandang-sora-avenue-quezon-city-san-lorenzo-ruiz-parish-culiat/09a-1999-napoleon-abueva-pieta-san-lorenzo-ruiz-parish-culiat-tandang-sora/?fbclid=IwAR0NzhHMJJZevDxkIuMSy6gLtKv2w8WXTFVwOLLbsk5JSqyWJn_YdO_IQkk
Hayleyscomet00. (2020, June 19).  The Legends of the Sarimanok. Christchurch City Council Libraries. https://my.christchurchcitylibraries.com/blogs/post/the-legends-of-the-sarimanok/?fbclid=IwAR2GxT-rJeN0QOh-0xrqQY015XlYoXRLDNBcu9ia-0loL0zHzl7zypUNNF8
Global Wildlife Conservation. (2018, December 20).  Tamaraw Tales: Introduction. https://www.globalwildlife.org/blog/tamaraw-tales-introduction/?fbclid=IwAR2H5znOcbAcfOJRVHczSuwWSIeIkr6IfDESNEq-lvyaXxK8uDS95NWwCus
0 notes
goodtoknowstories · 3 years
Text
Patungo sa Kaunlaran
Isa sa mga layunin ng isang bansa ay ang makamit ang kaunlaran. Ito ay makakatulong sa pagsulong ng agrikultura, ekonomiya at pagkakaroon ng makabagong teknolohiya. Sa kalagayan ng bansa natin ngayon masasabi na ba natin na maunlad na ang Pilipinas o may ika-uunlad pa ito? Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagtutuloy-tuloy ang pag-unlad ng ating bansa ay ang hindi natin pagpapayaman sa sarili nating wika, kultura at lipunan.
Sa artikulo na isinulat ni ginoong Andrew Gonzalez, inisa-isa nya ang sitwasyon ng bansang Indonesya, Malaysia, at Singapore sa paggamit nila ng pansarili nilang wika at kung paano nito napaunlad ang kanilang bansa. Ang bansang Indonesya ay isang halimbawang pangklasiko na kung saan ang kanilang wika  na Bahasa Indonesya ay naging tanda ng kanilang kasarinlan at kakanyahan. Ang wikang ito ay base sa Pasar Malay o Malay na ginagamit sa mga pamilihan. Nabanggit din na sa taong 1928, ang Pasar Malay ay wikang pampalengke lamang at ang gumagamit nito ay ang mga mangkakalakalan. Mayroon din isang batas ng buhay-panlipunan na kung saan kailangan pumili ng wika na naiintindihan ng lahat upang sila ay madaling magkaunawaan. Maaari nila ito ihalo sa tunay nila na wika ngunit dapat ay payak ito. Ang tawag dito ay pidgin na kung saan ang mga salitang ginagamit ay hindi ginagamitan ng mga panlapi kundi ang ugat na salita lamang. Ito ay ginagamit lamang nila sa simpleng pakikipagtalastasan, pangangalakal at pakikipagusap sa mga pamilihan. Noong naging malaya na ang mga Indonesyan sa pananakop ng mga Holandes mas lalong lumaganap sa buong bansa ang Bahasa Indonesya. Hindi na lamang ito pampalengkeng wika kundi ginagamit na din ito sa mga pamantasan, pahayagan at paaralan. Nagkaisa na rin ang mga Indonesyan sa paggamit ng wikang ito ngunit para sa kanila pangalawang wika lamang ito, dahil mayroon silang mga sariling wikang pamamahay. Katulad na lamang sa Pilipinas na may iba’t ibang pulo, ang Indonesya ay mayroon din. Ngunit kahit laganap na ang Bahasa Indonesya, kakaunti pa rin ang inilalathala sa wikang ito.Dahil dito kinakailangan pa rin ng Indonesya ng wikang pandaigdig, ito ay ang wikang Holandes at ang wika naman nila para sa larangang panlabas ay ang wikang Ingles.
Ngayon naman ay tutungo tayo sa sitwasyon ng wika sa bansang Malaysia. Pinili nila ang Bahasa Melayu bilang pambansang wika at nagpupunyagi din silang paunlarin ito. May pagkakahawig ang wika ng Indonesya at Malaysia kaya nagkakaisa na sila ngayon. Inalis din ng Malaysia ang wikang Ingles bilang wikang panturo sa mga pamantasan. Sumunod naman ang sitwasyon ng Singapore, ang bansang ito ay kilala bilang pinakamaunlad pagdating sa industriya at paghahanap buhay. Ang mga tao sa Singapore ay masisipag sapagkat naiimpluwensiyahan sila ng mga payo ni Konpusiyus. Binabatay nila ang kinabukasan ng kaginhawaan sa mataas na teknolohiya at sa paggamit ng agham sa mga bagong industriya. Sa konstitusyon o saligang batas ng Singapore ang kanilang pamabasang wika ay Bahasa Malay. Para sa kanila ang wikang pambansa ay isang tanda lamang at simbolo ng pagkabansa. Hindi sila nagsisi na ang pinapaunlad nila na wika ay Ingles dahil kailangan nila ito sa pagpapaunlad ng kanilang bansa. Kabilang din ang Japan sa mga mauunlad na bansa. Ayon kay Weil (2010) natuklasan ng mga Hapones na maari pa din nilang makamit ang bansang kagalingan kahit na may pagtanggi sa kaugnay na kaunlaran sa ekonomiya. Handa silang gumawa ng bahagyang sakripisyo upang mapanatili ang mga elemento ng pang-araw-araw na buhay. Itinuturing nilang pinakamahalaga ang pagkakasundo, kaayusan ng lipunan, kaligtasan at malinis na kapaligiran.
Makikita natin ang pagkakaiba ng mga bansa pagdating sa pamamaraan nila ng pagkamit ng kaunlaran. Kung ihahambing ito sa Pilipinas malayo pa ang landas na ating tatahakin upang mapantayan ang mga nabanggit na bansa. Ayon kay Crustaceansdaphnia (2017) ang pagkakaroon ng disiplina sa ating sarili ang una dapat nating gawin. Kailangan din natin imulat ang mga mata natin sa kung ano ang kalagayan ng ating bansa. Magsimula tayong muli kahit paunti-unti at simulan na nating pagyamanin ang sariling atin. Sa aking pananaliksik nakapanood ako ng isang bidyu interbyu ng isang guro sa Filipino tungkol sa mababang kaalaman ngayon ng mga kabataan sa wikang Filipino. Ayon kay Mila Villanueva (2016) kapansin pansin na kahit araw araw natin ginagamit ang wikang Filipino nahihirapan pa din tayong intindihin ito. Nabanggit din nya na nahihirapan din ang mga estudyante na umunawa sa mga simpleng panuto na nasa wikang Filipino. Isa ito sa suliranin natin ngayon sapagkat mas magaling pa tayo sa wikang Ingles kaysa sa sarili nating wika. Hindi ba dapat ay mas hasa tayo sa sarili nating wika sapagkat tayo ay mga Pilipino? Huwag sana natin kalimutan na ang sarili nating wika ang nagbibigay daan upang tayo ay magkaisa. Hindi naman masamang matutunan ang wika, kultura at pamamaraan ng iba ngunit gamitin lamang natin ito bilang dagdag kaalaman at gabay sa pagpapaunlad ng ating bansa. Naniniwala ako na sa ating kagustuhan na magkaroon ng progreso at pagbabago sa ating bansa, kakayanin din natin na makipagsabayan sa iba. Mangyayari lamang ito kung tayo ay magsusumikap at magtutulungan, palagi natin tandaan na ang lahat ng ito ay para sa magandang kinabukasan ng ating bansang Pilipinas.
References: - Artikulo ni Andrew Gonzales (”Ang Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Pagbubuo ng Kakanyahang Pilipino”) -  Crustaceansdaphnia (2017). Paano Uunlad ang Pilipinas. Retrieved from https://crustaceansdaphnia.wordpress.com/2017/01/10/paano-uunlad-ang-bansang-pilipinas/ - Weil, F.A. (2010).  The Surprising Wealth and Success of Japan. Retrieved from https://www.theatlantic.com/business/archive/2010/12/the-surprising-wealth-and-success-of-japan/67302/  - Youtube video: GMA Public Affairs (2016, September 2). link: https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o
1 note · View note