Tumgik
fruthieeee · 2 years
Text
05/31
To my almost other-half.
I love everything about you, mahal ko.
Masaya akong nakilala ka, masaya akong nakita at nakasama ka sa maikling panahon, masaya akong naramdaman ko ang pag mamahal mo, at masaya ako na kahit papaano ay naibahagi ko ang pagmamahal ko sa’yo.
Gusto ko lang malaman mo na sobrang willing ako na mahalin ka, intindihin ka, alagaan ka at pati na rin ang bumyahe. Gusto ko matutunan at alamin ang mga bagay-bagay na hindi ko pa alam with you. Yung mga sugat mo para hindi ko magawa sayo ang mga nagawa nila, para alam ko kung paano ka mamahalin at aalagaan.
Alam ko na wala tayong label— pero hindi ko iniisip kung may label man o wala, kasi alam ko nararamdaman ko, at pure ang intensyon sayo.
Tumblr media
Everytime na iniisip kong mawawala ka o mapupunta ka sa iba, hindi ko kayang makita. At doon ko narealize na mahal na pala kita, hindi ko lang maamin sa sarili ko.
Yung mga araw at gabi na nag ccrave ako sa presensya mo, sa yakap at halik mo, doon ko napagtanto na gustong-gusto kita— na gusto kitang makasama.
Halos wala na akong nakikitang mali o kulang sayo kasi kuntento na ako kaso pasensya kasi hindi yun yung naramdaman mo.
Mahal ko, malapit na matapos ang gabi na ‘to pero patuloy ko pa rin pinapaniwala ang sarili ko na babalik ka pa, patuloy ko pa rin niloloko ang sarili ko na kakausapin mo pa ‘ko.
Binigyan ko ng ilang araw ang sarili ko, sinaktan at pinaasa nang paulit-ulit pero siguro tama na ‘to, mamahalin na lang siguro kita mula sa malayo.
I was willing to stay, sobra, to work things out, to learn more of you— us. And that’s what hurts the most.
We deserve— you deserve a love without trust issues and insecurities.
At katulad ng buwan, kontento na akong hinahangaan at minamahal ka sa malayo.
Para sa susunod na magmamahal sa kanya;
Paki-ingatan sya, piliin mo sya kahit may mga pagkakataon na mahirap na piliin sya. And please, h’wag mong sayangin ang isang katulad nya.
Kelangan nya ng assurance, na ipaparamdam mong sya lang. Overthinker din sya, kaya h’wag mong hayaan na matapos ang gabi na hindi kayo ayos.
Mahal na mahal ko yan kaso wala na akong chance para madama pa ang pagmamahal nya. At ngayon, palalayain ko na rin ang sarili ko katulad ng pagpapalaya ko sayo.
3 notes · View notes