Tumgik
filipino101-blog · 10 years
Text
Ang Morpolohiya at ang Morpema
Sa unang kabanata, na patungkol sa ponema, nalaman natin na ang Pilipino ay may 21 ponema sa kasalukuyan (5 patinig at 16 katinig). Napag-aralan na natin ang patungkol sa Ponolohiya kung kaya’t dadako na tayo sa ikalawang antas ng pag-aaral ng wika.
Alam naman natin na ang pag-aaral ng wika ay may apat na antas: ang ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at semantika.Bilang panimula sa pagpapakilala ng paksa sa kabanatang ito, ano nga ba ang karaniwang pakahulugan natin sa salitang wika? Karaniwang sinasabi ng ilan sa atin na ang wika ay tungkol sa salita. Ngunit, ang salita ay isa lamang sa yunit ng wika. Kumbaga, sangay lamang ng wika ang salita.
Ating natunghayan na ang ponolohiya ay nakatuon sa ponema, na kapag ito’y pinagsama-sama ay nakabubuo tayo ng makabuluhang tunog. Ang tatalakayin nga natin ngayong araw ay tungkol sa morpolohiya.
    Ano nga ba ang Morpolohiya?
  Ito ay isa sa mga apat na antas ng wika kasama ang ponolohiya, sintaksis at semantika.Nakatuon ito sa makaagham na pag-aaral ng morpema ng isang wika at kapag ito’y pinagsama-sama ay makabubuo ng salita. (Santiago at Tiangco: 2003)
Tumutukoy sa pagbuo ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita. (Aganan, 1999)
Kaugnay nito, tinatawag din ito na estruktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba pang wika. (Paz, 2003)
Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpemaupang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan
***Batay sa mga kahulugan ng morpolohiya, iisa lamang ang kinahantungan nito. Ito ay ang pag-aaral o pagsisiyasat kung paano nabubuo ang mga salita mula sa iba’t ibang morpema, gayundin ang estruktura’t ugnayan nito sa iba pang salita.
  Kung ating mapapansin, kanina pa natin binabanggit ang katagang morpema na siyang kaugnay ng morpolohiya.Kung ang ponolohiya ay may ponema o makabuluhang tunog, tuon naman ng morpolohiya ang morpema. Ano nga ba ang morpema?
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
        Nabubuo ito sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga ponema upang makabuo ng mga kabuluhang yunit ng wika, maaari itong nasa anyo ng panlapi, salitang-ugat at ponema.
            Halibawa:
Ang salitang ‘mabuhangin’ ay may dalawang morpema. Ang [ma-] ay isang panlapi – unlapi dahil ito ay nasa unahan at ang [buhangin] naman ay ang salitang-ugat.
Ngayon, tinataglay ng unlaping [ma-] ang kahulugan na “marami ng isinasaad ng salitang-ugat”, at ang magiging kahulugan ng salitang mabuhangin ay “maraming buhangin”. Maaari natin itong gamitin sa pangungusap: Sa dagat ay mabuhangin.
Iba pang halimbawa ay ang mga salitang maputi, makahoy, sundan, atbp.
5 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
Ponemang Suprasegmental
Diin- bilang ponemang suprasegmental, ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.
Ito rin ay  isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
                        1.  Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
                        2.  Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.
Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.
Halimbawa:
1.         Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan mo.)
2.         Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.
3.         Magalis (puno ng galis)
            mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)
Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita.  Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita
  Halimbawa:
a.         /asoh/ - usok
            /a:soh/ - isang uri ng hayop
b.         /pitoh/ - bilang na 7
            /pi:toh/ - silbato
May apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin sa Filipino:
Malumay. Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.
Mga Halimbawa:
buhay malumay                      kubo                baka                 kulay               babae
dahon              apat
Malumi-  Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.
Mga halimbawa:
baro     lahi      pagsapi            bata     luha     mayumitama    lupa     panlapi
 Mabilis- Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
  Mga Halimbawa:
dilaw   pito      kahon              bulaklak           huli      sapin    buwanrebolusyon
 Maragsa. Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Mga Halimbawa:
Daga                wasto               pasa     tumula hindi                kumolo            humula
14 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Ian Sta Maria’s illustrations of Gabriela Silang and Gabriela Silang at ang Silangan.
129 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Reminiscing in the Philippines past.
Photo Source: [x]
1K notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Note
What is kambal-ahas?
Kambal ahas means “snake twin” with ahas meaning snake ans kambal meaning twin or companion. Most people know this from the show Amaya that is based on precolonial Philippines in particular of the Visayas.
However in old Visayan belief there were people who were born with a twin snake and if one did have one it meant that this person was watched over by the ancestors as the snake is an umalagad (ancestor), and that they would be successful in their lives. It was considered a blessing to have a snake twin. 
56 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
ANG MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL (TONO, INTONASYON, PUNTO)
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
-           tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o pahayag. - Resuma (2002)
             Saklaw ng Ponemang Suprasegmental ang  mga sumusunod: ang intonasyon, tono at puno.
INTONASYON    
         Ayon kay Resuma (2002) ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
              Ayon naman kina Otanes at Shachter (1972), ang bawat pitch points ay may tatlong natatanging pitch levels: ang mataas (3), katamtaman (2), at mababa (1) tulad ng makikita sa halimbawa sa ibaba.
  a)     Nandito siya kanina?                                                                                                                                                  
  b)     Nandito siya kanina.
           Mapapansin ang dalawang pangungusap o pahayag ay naglalaman ng magkatulad na sangkap maliban na lamang sa paraan ng pagpapahayag o sa pagtaas at pagbaba ng tinig ng pagsasalita. Kapansin – pansin na ang pahayag a mawawari natin na ang ispiker ay nagtataka o di kaya’y humingi ng pagtitiyak o kumpirmasyon sa isang mensaheng natanggap. Samantalang kung ang pahayag b naman ang bibigkasin, mawawaring ang ispiker ay nagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari.
           Bukod dito, nag – iiba – iba ang intonasyon ng ispiker o tagapagsalita kapag nagpapahayag. Ito ay sapagkat ang intonasyong ginagamit niya ay naaayon sa kanyang layunin at damdamin. Tingnan natin ang sumusunod na halimbawa:
Pagsasalaysay o paglalarawan:                      Dumating sila kanina.
Pagpapahayag ng matinding emosyon:        Naku,may sunog!
Pagbati:                                                            Magandang umaga po.
             TONO
       Ayon kay Aganan et al.(1999) ang tono ay nakatuon sa paraan ng pagbigkas o pagsasalita na nagpapahayag ng matinding damdamin na maaaring malambing, pagalit, marahan at iba pa. Ang pagbabago ng tinig o tono ay makakapagbigay ng kahulugan o makapagpahina ng usapan.
  PUNTO
      Ito ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Halimbawa, sa rehiyong Katagalugan ay mapapansin na iba ang punto ng mga taga – Bulacan sa mga taga – Batangas at maging ng mga taga – Cavite. 
3 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
Diptonggo At Ang Klaster
Pantig
àay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
Mga Pormasyon ng Pantig
May sampung pormasyon ang pantig,na dati'y siyam lamang. Ito ang mga:
P - (patinig)
Halimbawa:
pag-aayos                                            aso
pag-a-a-yos                                         a-so
                        KP -(katinig-patinig)
Halimbawa:
bata                                                     malaya
ba-ta                                                    ma-la-ya
  PK -(patinig-katinig)
Halimbawa:
                        estranghero                                          ampunan
            es-trang-he-ro                                     am-pu-nan
   KPK -(katinig-patinig-katinig)
Halimbawa:
            bundok                                                hadlang
            bun-dok                                               had-lang
  PKK - (patinig-katinig-katinig)
Halimbawa:
instrumento                                         ins-tru-men-to
KKP -(katinig-katinig-patinig)
Halimbawa:
protesta
            pro-tes-ta
  KKPK -(katinig-katinig-patinig-katinig)
Halimbawa:
            plantsa
            plan-tsa
  KKPKK -(katinig-katinig-patinig-katinig-katinig)
Halimbawa:
Tsart
  KPKK -(katinig-patinig-katinig-katinig)
Halimbawa:
            nars
  KKPKKK - (katinig-katinig-patinig-katinig-katinig-katinig)
Halimbawa:
            shorts              shirts
Ang Diptonggo
à Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig.
  Talaan ng Diptonggo
Salita:                                                 Halimbawa:
Ay                                                       Bahay
Ey                                                        Beywang
Iy                                                         ----
Oy                                                       Tuloy
Uy                                                       Kasuy
Aw                                                      Sigaw
Iw                                                        Baliw
  Ang Klaster
à Ang klaster o kambal katinig ay dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa isang pantig.
Mga Halimbawa:
Pluma              Bruha 
Prito                Tsart
Nars                 Troso
Braso               Plaka
Trak                 Tren
Prito                Braso 
  Ukol sa mga klaster na ang huling katinig ay /y/ at /w/, masasabing magkakaroon ito ng variant o pagkakaiba sa pamamagitan ng paglalagay ng isang tunog na patinig sa pagitan ng dalawang katinig.
    Halimbawa:
kwento = kuwento 
sweldo  = suweldo
byenan = biyenan  
  Mapapansin na kapag ang isang klaster ay nagkaroon ng singit na patinig, nagkakaroon na ng dalawang pantig, kaya ito ay hindi na maituturing na klaster. 
Mga Posisyon ng Klaster
Posisyong Inisyal
            (una o simula) ng pantig
Halimbawa:
            trak , drama,plano
2. Posisyong Midyal
            (gitna) ng pantig Halimbawa:
            sombrero , eroplano , lantsa
3. Posisyong pinal
            (hulihan) ng pantig  Halimbawa:
            sport , kard , relaks.
2 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
Pares ng mga salita na katatagpuan ng mga magkaibang ponema sa magkatulad na magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita.
Ayon sa talakay nina Santiago at Tiangco, ponema sa kategoryang ito ay maaaring ipalit sa pusisyon ng ibang ponema nang hindi magbabago ang kahulugan ng salita. Anila, ang malayang pagpapalitang ito ng mga ponema ay karaniwan nang nagaganap sa mga ponemang patinig na /i/ at /e/, gayundin sa /o/ at /u/.
Mga Halimbawa:
Politika  =    Pulitika                         
Tutoo   =   Totoo
Bibi     =   Bibe
Lalaki    =   Lalake     
  Batay sa ipinakitang halimbawa, mapapansin na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/, gayundin naman ang /o/ at /u/. Kaakibat nito, hindi nakaapekto ang pagpapalitang ito sa pagbabago ng kahulugan ng mga salita. Subalit hindi lahat ng pagkakataon ay malayang nakapagpapalitan ang mga nabanggit na ponema. Maari rin naman maging pares minimal ang mga ito tulad ng mga sumusunod:
Mesa   =    misa
Tela    =     Tila
Uso    =     Oso
            Mula sa mga halimbawang ito, masasabing hindi malayang nagpapalitan ang mga ponema rito sapagkat nagkokontrast ang mga ito sa magkatulad na kaligiran.
9 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
PARES MINIMAL
Makabuluhan ang isang tunog kapag nagagawa nitong baguhin ang kahulugan ng isang kaligiran sa sandaling ito’y alisin o palitan. Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pares ng mga salita o mas kilala bilang Pares Minimal.
            Karaniwang ginagamit ang Pares Minimal sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig ngunit magkakaibang ponema.
Pasa                         /pasa’/                bruise’
Basa                        /basa’/                ‘wet’
Ampon                    /ampon/              ‘adopt’
Ambon                   /ambon/              ‘drizzle’
Kulang                   /ku.lan/                ‘lacking’
Gulang                   /gu.lan/                 ‘age’
Mapapansin na nagkokontrast sa magkaparehong kaligiran ang mga ponemang /p/ at /b/, gayundin naman ang ponemang /k/ at /g/. Kung mapapansin ang mga nabanggit na ponema ay matatagpuan sa magkakatulad na punto ng artikulasyon. Makikita rin sa mga nabanggit na halimbawa na magkatulad ng bigkas maging sa haba at diin ng mga ito subalit nagkakaiba naman sa taglay na kahulugan. Bukod dito, makikita na matatagpuan ang mga ponemang ito sa magkatulad na posisyon. 
Tandaan: Hindi pa masasabi na magkaibang ponema ang /p/ at /f/ sapagkat may mga salita na nagtataglay ng ponemang ito sa magkatulad na magkatulad na kaligiran gayundin ang bigkas tulad halimbawa ng kape at kafe. Subalit sa wikang ingles, kitang-kita na magkaibang ponema ang mga ito tulad sa mga sumusunod na salita:
pin at fin, pan at fan atbp.
Sumakatuwid, ang pares minimal ay mga pares ng mga salita na magkaibaang kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.
5 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
PONETIKONG TRANSKRIPSYON
TRANSKRIPSYON- ay katulad ng palatuldikan. Ito ay ginagamit bilang giya o patnubay kung paano bibigkasin nang wasto ang mga salita sa isang wika.
Dalawang klase ng Transkripsyon:
Ponemikong Transkripsyon
Sa ponemikong transkripsyon, ang lahat ng makabuluhang tunog o kinikilalang ponema sa isang wika ay binibigyan ng kaukulang simbolo.
         • ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay mga pahilis na guhit o virgules //.
           • ang tuldik na paiwa /’/ ay nagrereprisinta sa impit na tunog na matatagpuan sa mga pusisyong midyal at pinal na isinusulat nang nakahanay sa ibang ponema.
           • ang /һ/ ay nagpapahag ng impit na pahinga na salita o glottal na pasutsot. Kadalasan itong nilalagay sa hulihan ng salitang nagtatapos sa patinig.
         • ang /ŋ/ ay katumbas ng “ng”. Ang “ng” ay isang digrapo o dalawang simbolo na kumakatawan sa isang ponema.
         • ang tuldok /·/ ay kumakatawan sa pagpapahaba ng patinig na palaging inilalagay pagkatapos ng mahabang patinig.
Halimbawa:
                Buhay- /bu·hay/ -life                                      Alagad- /alagad/
                          -/buhay/   -alive                      Mabuti- / mabu·ti/
                Basa- /ba·saһ/   -read                                     Langoy- /laŋoy/
                        -/basa’/       -wet
Ponetikong Transkripsyon
Sa transkripsyong ponetiko, lahat ng tunog na marinig ng nagsusuring linggwist, makahulugan man o hindi, ay kanyang itinatala. Kaya nga’t sa transkripsyong ito, hindi lahat ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng isang nagsusuri ay makahulugan o ponemiko.
     • ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay braket [….].
Sa mga mag-aaral at guro ng wika, hindi ito pinag-uukulan ng masusing talakay sapagkat ang mga linggwist lamang ang gumagamit at nag-aaral sa ponetikong transkripsyon.
  Sa transkripsyon, mahalaga na malaman ang mga sumusunod:
 Kung nagsasagawa ng transkripsyon, de letra o script ang dapat na gamitin at hindi “patakbo” o cursive.
Ang salita, parirala o pangungusap na itinatranskribe ay dapat kulungan ng dalawang guhit na pahilis.
Himdi gumagamit ng malaking titik sa transkripsyon.
  Halimbawa:
Palatuntunan        - /pala·tuntu·nan/
Magpapakamatay- /magpa·pakamatay/
Nagsasalita          - /nagsa·salita’/
Isang basket           - /isaŋ bas·ket/
Bagong kain            - /ba·goŋ  ka·in/
Iniibig ko ang Pilipinas. Aking Lupang Sinilangan
/ini·i·big  koһ  aŋ pilipi·nas/
/a·kiŋ lu·paŋ sini·la·ŋan
5 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
MGA PATINIG
Mga Patinig - /i, e, a, o, u/
 Itinuturing ang mga patinig na siyang pinakatampok o pinaka -prominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig. Halimbawa:  b a – h a y, b a – b a – e , u – l o , d i - l
Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa Tsart ayonnaman sa kung aling bahagi ng Dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang pantig. 
Tumblr media
Sa mga pantig na di-payak,ang katinig naman ang gumaganap na panimula at/o pang wakas na bahagi ng pantig. Kung binibigkas ang patinig, walang paghahadlang na nagaganap sa hanging nanggagaling sa baga.
Ang mga Patinig ng wikang Filipino ay naisasaayos ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig: unahan, sentral, gitna o mababa. 
Ang (i) halimbawa, ay tinatawag na mataas,harap sapagkat kapag binibigkas ito; ang harap nabahagi ng dila ang gumagana na karaniwan umaarko ngpataas.
  ALOPONO
-tawag sa bawat isang anyo ng mga ponema.
Sinasabi nating halos magkatulad sa bigkas ang dalawa o higit pang mga tunog kapag ang mga tunog ay parehung-pareho sa punto at paraan ng artikulasyon ngunit bmay bahagyang-bahagya lamang na pagkakaiba.
  KATANGIAN NG ALOPONO
1.    Hindi nag-kokontrast o di nagsusulangatan sa magkatulad na kaligiran.
Magkatulad sa bigkas sa punto at paraan ng artikulasyon.
Nasa Distribusyong komplimentaryo.
  4 NA ALOPONO NG [t]
(ayon kay buchanan, 1963_                                                
 [t] = (DI ASPIRADO)
  kapag ang /t/ ay sumusunod sa /s/
Hal: Stand, Stole, Stop
[t’] = (ASPIRADO)
  1. Kapag ang /t/ ay nasa posisyong inisyal.
Hal:  tin, tip, tan, top
  2. Karaniwan kapag ang /t/ ay nasa posisyong pinal.
Hal: sit, mint, get, light.
  [t-]= (PIGIL)
  Karaniwan kapag ang /t/ ay nasa posisyong pinal.
Hal: pit, lit
  [t] = (TAP)
  Kapag ang /t/ ay nasa pagitan ng dalawang pantig tuluyan.
Hal: bitter, butter, water
Ang bawat Alopono ay may kanya-kanyang posisyon sa salita maliban sa /t/ na bukod sa posisyong inisyal ay ginagamit din sa posisyong midyal at pinal sapagkat kalimitan ay malaya itong makakapagpalitan sa [t’] at [t-]
Lahat ng alopono ng /t/ ay binibigkas ng walng boses at pasara; ang punto ng artikulasyon ay ALVEOLAR.
Masasabing lahat ng ito ay magkakatulad sa punto at paraan ng artikulasyon. (pagkakatulad na ponetiko)Sa pagbigkas ng /t/, ang dila ay dumidilit nang sandaling sandali lamang sa punto ng Artikulasyon na di kasingtagal sa pagdilit ng dila kung binibigkas ang [t], [t’], [t-]
Tumblr media
5 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Photo
Tumblr media
5 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON
—  Ponolohiya o phonology ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog na kinikilala nating ponema.
—  Ayon kay Santiago (2003), malalaman natin na makabuluhan ang isang tunog  kung nagawa nitong baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito sa sandaling ito’y alisin o palitan.
Tandaan:
—  Kapag ang mga ponema ay isinusulat, karaniwan itong ikinukulong sa dalawang guhit na pahilis (/ /) na tinatawag na virgules upang mapaiba sa karaniwang tletrang ginagamit sa pagbabaybay ng mga salita.
—  Hindi lahat ay angkop sa konseptong ito
Anu-anong mga bahagi ang sangkot o ginagamit sa pagsasalita?
—  Baga
—  Babagtingang tinig
—  Laringhe
—  Epiglottis
—  Paringhe
—  Uvula o titilaukan
—  Guwang ng bibig
—  Velum o malambot na ngalangala
—  Guwang ng ilong
—  Palate o matigas na ngalangala
—  Alveolae o punung gilagid
—  Labi
—  Ngipin
—  Dila
Anu-ano ang mga salik na kailangan upang makapagsalita ang tao?
Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
Ang artikulador o mga kumakatal na bagay
Ang resonador o patunugan
PONEMANG SEGMENTAL
—  Kilala ring ponema.  Ito ay mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upang mabasa at mabigkas.
PUNTO NG ARTIKULASYON
—  Naglalarawan kung saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang sagli tna pagpigil o pag-abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig.  Saan nagaganap ang pagbuo ngkatinig? 
LIMANG PUNTO NG ARTIKULASYON
1. PANLABI –ang ibaba ng labi ay dumidikit sa labi ng itaas
            -/p, b,m/
2. PANGNGIPIN –ang dulong dila ay dumidiiit sa loob ng mga ngipin sa itaas
            -/t,d,n/
3. PANGILAGID –ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa puno ng gilagid
            -/s,l,r/
4. VELAR (PANGNGALANGALA) –ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala
            -/k,g, π/
5. GLOTTAL –ang babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog
            -/’,h)
  PARAAN NG ARTIKULASYON
Inilalarawan at ipinakikita kung papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita ay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o sa  ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga  ponemang katinig. 
  ANIM NA PARAAN NG ARTIKULASYON
1.      PASARA-ang daanan ng hangin ay harang na harang
            -/p,t,k,’,b,d,g/
2.      PAILONG-ang hangin nanahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum ay hindi sa bibig kund isa ilong lumalabas
            -/m,n,π/
3.      PASUTSOT-ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ngngalangala o kaya’y mga babagtingang pantinig
            -/s,h/
4.      PAGILID-ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid
            /l/
5.      PAKATAL – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulong nakaarkong dila
            /r/
6.      MALAPATINIG-dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon
            /w,y.
11 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
Ponemang Segmental at ang Mga Ponemang Katinig
Ponema o Ponemang Segmental
Tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika.
Ang katuturan ng ponema , sa mga salitang binubuo ng mga MAGKAKATULAD NA TUNOG.
liban sa Isang tunog na maaaring magpabago ng kanilang kahulugan sa magkaparehong kaligiran.
HAL.
q   Pala- Bala                                                                  
q   Tula- Dula
Ang Filipino ay may 21 na ponema:
 16 ay katinig /p,t,k (glottal) /b,d,g,,m,n,h,s,l,r,w,y/ 5 ay patinig / i,e,a,o,u/
May isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito.
Ang mga simbolong ginagamit upang magreprisinta ng ponema ay siya ring ginagamit sa letra sa palabaybayan, matangi sa /,/ at /ŋ/.
Maiaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay bibigkasin nang may tinig (m.t) o walang tinig(w.t) 
5 notes · View notes
filipino101-blog · 10 years
Text
PONOLOHIYA AT PONETIKA
*PONOLOHIYA- maka-agham na pag-aaral ng mga ponema.
            *PONETIKA- agham ng wika na nag- aaral sa tamang pagbigkas ng mga salita at tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao.
  NILALAMAN NG WIKA (ANATOMIYA)
            *WIKA- ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.
                        - masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog.
                        - pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo.
            *MGA ANYO NG WIKA
                        *BERBAL- pasalita
                        *DI-BERBAL- di pasalita
            *MGA ANTAS NG WIKA
                        *PORMAL- mga salitang nasa istandard; kadalasang ginagamit ng higit nanakararami lalo na ang mga nakapag-aral ng wika.
                                    *PAMBANSA- kadalasang ginagamit at itinuturo sa paaralan.
                                    *PAMPANITIKAN- ginagamit ng mga manunulat.
                        *DI-PORMAL- mga salitang palasak.
                                    *LALAWIGANIN- bokabularyong dayalektal.
                                    *KOLOKYAL- pang- araw- araw na salita.
                                    *BALBAL- tinatawag sa Ingles na “slang”.
7 notes · View notes