Tumgik
deartotga · 3 years
Text
Pano ba ko makaka-move on sayo?
0 notes
deartotga · 3 years
Text
Sobrang sising sisi ako na hindi ko naayos yung satin.
Masyadong naging crowded yung utak ko sa mga family and personal issues ko.
Gusto kong balikan ka.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
Napanaghinipan nanaman kita.
Ang lungkot.
Kasi sobrang totoo sa pakiramdam.
Nung nagising ako. Gusto ko uli matulog.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
Sana alam mo na hanggang ngayon. Wala na kong ibang minahal na katulad ng pagmamahal ko sayo.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
I really want to talk to you. Kahit usap lang.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
I’ve made the worst decisions in my life after we broke up. I completely lost myself. And now, I guess it’s too late.
Sobrang lungkot lang.
Kasi I’m just surviving. I’m not really living.
Pakiramdam ko kasi, parang di ko kaya maging masaya totally ng wala ka.
10 years na nakalipas, pero mahal parin kita.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
Bakit ganon :(
Napanaghinipan nanaman kita.
Niyakap mo daw ako. And kiniss.
Sobrang miss na miss na kita.
Naiyak ako kasi nagising ako.
Parang mas gusto ko nalang mag stay sa dream, kasi don nalang kita nakikita, nahahawakan and nakaka-usap.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
Tinitignan mo din kaya yung mga social media accounts ko?
Bakit all of a sudden nagiging active ka sa mga platform na active ako?
Naiisip mo pa kaya ako?
Ako naiisip parin kita.
Kung naiisip mo ko. Give me a sign.
Upload a picture ng jersey mo nung high school na may 14 na number.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
I really miss you.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
I don’t know why I still feel so sad and heart broken when I stalk you on instagram, or when I read your old Tumblr account. I thought that burning all our love letters 6 years ago would help me forget what I feel for you.
Akala ko kaya kong sumaya completely without you.
But I feel sooooo empty.
Ikaw? Are you really happy? Are you contented? Don’t you miss me?
Kasi ako miss na miss na kita.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
I hate and love you for setting my standards too high.
Lahat ng relationship or taong na me-meet ko. Naco-compare ko sayo.
Laging hindi enough.
Kaya ngayon I still feel empty.
Problema ko na to. I know.
Alam ko naman na masaya ka na, contented ka na. Alam ko din na wala ka ng pakielam sakin.
Ako nalang to.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
Nag-hahanap ako ng laundry shop nung nakaraan na nagp-pick up and deliver. Nag stop muna kasi yung services nung suki namin. Nakita ko yung laundry shop nyo sa FB.
Ginawa nyo na palang shop yung house nyo dati.
Anyway, wala akong nakitang ibang nagp-pick up and deliver bukod sainyo.
Gusto ko sana magpa-pick up ng laundry, kaso nahihiya ako.
So ayun na-share ko lang.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
Madalas kitang mapanaghinipan.
Ang lungkot kasi hanggang panaghinip nalang ata talaga kita mayayakap at makaka-usap.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
Galing ako ng South Mall last week end.
Lahat ng place na madalas nating tamabayan, pinagwayan, pinag-kulitan. Lahat yon nakikita kita. Bumabalik lahat ng memories. Good and bad. Bad in a way na naalala ko kasi yung pagka -petty and immature ko dati. At yung wala ako parating pera. Lagi nalang ikaw nagastos. Sobrang sorry kasi wala talaga kong pera dati. 200 lang baon ko everyday, kasama na pamasahe ko don and pang project. Tama yung sinabi ng mama mo, para ka talagang umampon ng bata noon. Sobrang nakakahiya. Parang feeling ko ikaw yung pinaka malas na naging Jowa ko in terms of money and my immaturity. Sobrang sorry. Ngayon, wish ko. Sana malibre kita kahit one time big time. Kahit as friends. Kasi ngayon kaya ko na mag-labas ng pera.
I live my own life and I earn my own money now. I can say na mas mature at understanding na ko ngayon ng sobra kesa noon.
Anyway. Ayun. Ayoko muna mag-drama today.
Kasi may a-attendan akong wedding bukas.
Sa next blog ko na yung iba.
Gusto ko kasi yung next blog ko, mas malabas ko ng maayos yung thoughts ko.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
Alam ko na kung bakit pinutol mo lahat ng connection mo sakin.
I was extremely hopeless, crazy and pathetic back then.
Kahit ako, pag naalala ko yung ugali at pag-iisip na meron ako noon. Kini-kilabutan ako. Alam mo yung pakiramdam na; if I will meet my old self in a different body now. I would prolly hate that person. Ewan ko kung tama yung words na ginagamit ko to express my point. Pero ayon.
—————————————
For years I’ve been asking my self kung bakit hindi ako.
Kung bakit hindi mo ko mapa-tawad.
Kung bakit iniwan mo ko at kung ano mali sakin.
Pero kaya ko pala hindi mahanap yung sagot.
Kasi pinipilit kong hanapin sayo.
Mali pala yon.
Kasi nasakin pala na pala lahat ng sagot.
Ako pala kasi yung problema.
Ako yung hindi maka-intindi ng mali.
Ang lungkot lang isipin na, ilang beses akong may chance na mag-sorry noon. Ilang beses akong nag-apologise. Pero wala pa yung realization sakin noon. Ang gusto ko lang dati, bumalik ka. Kahit hindi ko alam noon kung ano yung dapat ko talagang ayusin sa sarili ko.
Then I ended up doing a lot of crazy and pathetic things to win you over.
Pero mali yon.
Dapat nung nag-hiwalay tayo, hindi ko sinira yung buhay ko.
Dapat hindi ako nakinig sa mga tropa ko noon, na pag selosin kita.
Dapat inayos ko yung sarili ko. Dapat pinahalagahan ko and nirespeto ko yung sarili ko. Katulad ng respeto, pagiingat at pagmamahal mo sakin noon. Kaya siguro umabot ng 3 page na essey yung mga dapat kong ginawa noon. Kung iisa-isahin ko. Pero ang main point lang talaga. I failed you. I failed us.
Cliche to, but I really wish I could go back.
I wish my 17 years old self know the things that I know now.
Wala siguro akong magiging regrets ngayon.
Pero wala namang ganon eh.
Wala namang time machine.
Sana nalang dumating yung araw na makapag-sorry ako sayo ng personal. Sana makita mo na ang layo ko na don sa babaeng iniwan mo noon.
Hmmm.
Mahal ko na yung sarili ko ngayon.
Marunong na ko mahiya.
Kaya ko na hina-an yung boses ko.
Kaya ko na buhayin yung sarili ko ngayon.
Hindi na din ako kuripot. Pero kiddin aside.
Sana kahit yung friendship na lang mabalik natin.
Hindi lang naman kita Ex/First Love eh.
You were also my best friend.
Pero if hindi talaga kaya.
Sana kahit yung chance nalang na makapag sorry ng maayos magkaron ako.
Para naman pag naka-salubong natin yung isat-isa. We can at least smile at each other. And only remember all the good things that we had back then.
Kahit madami akong nagawang mali kasi ang immature ko noon.
Alam ko minahal natin yung isa’t isa ng sobra dati.
0 notes
deartotga · 3 years
Text
I created this blog because I want a safe space to express my thoughts about you.
We are both in a relationship with someone else. That’s why I don’t want to reach out. Respeto nalang sa mga partner natin. And alam ko, na sa dami ng mali at nakakahiya kong nagawa sayo, sa partner mo, and family mo. You wouldn’t want to be involved with me.
I know I’m psychologically and emotionally cheating right now.
I know this is wrong.
I know this is unfair.
But I’m hoping that blogging my thoughts here would help me move on.
Kasi 8 years na. Dapat di na ko nasasaktan. But don’t get me wrong. I’m delighted to know how well and happy you are right now. But for some reason. I can’t stop remembering the things that I’ve done wrong. And the things I should have done. Kaya dito nalang ilalabas lahat.
Ang dami kong gustong sabihin. Pero eto nalang muna.
Sa next Blog na yung susunod.
PS: Sana kung may makabasa neto na iba. Sana hindi nyo sana ko kilala.
1 note · View note